ARCIE'S POV
Zhu tem, zhu tem, zhu tem.
I googled the word zhu tem pero wala parin matinong lumabas na sagot. I tried different spelling like, shu tem, xhu tem, pero wala!
Ano ba ang zhu tem na yan? Is it a Chinese word, Taiwanese, Japanese, Korean, or alien language?
Juskoooo Jiro bakit mo ako winiwindang nang ganito.
Pero sa totoo lang, familiar sakin yang word na yan and I think I've heard it somewhere.
Oh well, walang mangyayari sa buhay ko nito. Nag open na lang ako ng facebook ko. Oo nga pala, friend ko na dito ang buong S6 except kay Jiro. Well, I tried asking for his email add pero ang sagot lang niya sakin nun eh wala siyang email at lalong wala siyang facebook. Napaka boring talaga ng buhay ng lalaking yun. I know na wala siyang fb but I still try to search his page. Instead I came up with a fan page "Jiro Festin is our Ultimate Prince" wow, so may fan page pala si Jiro ah. Complete details din ang nakalagay. Halatang avid fan talaga ang gumawa nito.
Isa, isa kong binasa yung mga post nila sa wall.
"Jiro Festin, kalian mo ba ko mapapansin, I loooovvvveee yoooouu"
"I saw him yesterday after dismissal, he's smiling. My gosh! Parang nakakita ako ng anghel"
Exaggerated masyado ha.
Binasa ko pa yung ibang mga post nilasa wall and puro I love you Jiro, at ang gwapo mo jiro ang nakalagay. Buti hindi pa sila nag cocomment about dun sa nakita nila na magkasama kami kahapon.
Aalis na sana ko dun sa fan page but something caught my attention.
"Jiro, Je suis désolé. Tu me manques :'("
It was a post from a girl name Amber.
Honestly speaking, wala akong naintindihan sa sinabi nung girl!
Grrr bat ba ang dami niyong alam na words na hindi ko maintindihan! Haller, nasa pinas tayo, pwede bang magtagalog na lang?!
I close the page.
Hay bwisit, matanong na nga lang si labanos baka may idea siya kung ano ibig sabihin nung zhu tem na yun!
next morning
Sakto lang ang dating ko sa school. Meron pang 15 minutes before the bell. Pag pasok ko sa room, unang hinanap agad ng mata ko si Jiro.
Hmm wala pa siya, mukhang late na naman yun. Ganun naman talaga yun eh.
Nilapag ko yung bag ko sa chair ko. Nakita ko naman si Ren na nakayuko sa armchair niya at mukhang tulog.
Aba, aba mukhang puyat ang aking labanos ah?
Nilapitan ko si Ren and pinindot ko yung pisngi niya. Inangat niya yung ulo niya then he looks at me
"good morning labanos"
Ipinatong ulit niya yung ulo niya sa desk.
Aba dinedma ako!!
Niyugyog ko siya "labanooooossss!!! Bat ang tamlaaaaay mo?!"
Tumingin siya sakin then inilipat niya ng pwesto yung ulo niya.
"wag ka nga magulo binbo inaantok ako"
So cold! >____<
Nilapit ko yung lips ko sa may tenga niya then sumigaw
Ako "labanoooooooooooooooooooooosssssss!!"
Napatayo naman bigla si Ren.
Wahahahahaha.
"WHAT THE--!!! IKAW BINBO KA HUMANDA KA SAKIN! "