Chapter 61: CONFESSION

104 0 0
                                    

ARCIE'S POV

"would you still believe me, pag sinabi kong mahal kita?"

Loading... Loading... Loading...

Siguro more than a minute na nung sinabi saakin yan ni Jiro. Nakalabas na ko ng kotse niya at nakaupo sa isa sa mga bench dito sa park but still nag lo-loading parin ang utak ko. Parang ayaw mag sink-in ng sinasabi niya.

Mahal niya ko? Ano ba dapat ang ireact ko? Matuwa? Mainis? Mahal ako ng taong mahal ko. But still yung nagsabi nun is yung taong once na akong niloko?

Maniniwala ba ko?

Ano ang dapat kong maramdaman?

"hindi ko alam"

I answered him after 5 minutes. Delayed answer? Nak ng tokwa! Epekto ba talaga to ng pagkaka bagok ko?! Loading masyado utak ko!

"I know you will say that. Alam kong mali na biglain kita ngayon ng ganito. Arcie, I broke up with Amber"

Napalingon ako sa sinabi niya "ha?! Bakit?!"

"She deserve someone better. Ayokong ma-stuck siya saakin. Ayoko narin siyang lokohin. It's about time for her to find her happiness"

"Jiro please, i-explain mo naman ng maigi. Gulong gulo na ko ngayon"

Huminga siya ng malalim "When Amber came back, parang lahat ng pain na naranasan ko bumalik. I thought I am fully cured by that pain because of you, pero hindi pa pala. Natakot ako that time. Naramdaman kong hindi pa ako ready for another commitment. Hindi ko alam kung gaano katagal bago ako maging ready and ayokong pagintayin at paasahin ka. I lied to you. Alam kong mas masasaktan ka pag nalaman mong mahal nga kita but I don't have any courage to be with you," he looked down "but I was wrong, very wrong. I tried protecting you from pain but in the end mas masakit pa ang nagawa ko sayo. Pero nung naaksidente ka, natakot ako na baka mawala ka saakin. Naramdaman ko na pag nawala ka," he held my hand "parang buong buhay ko mawawala na rin"

Tumulo ang luha ko sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung dahil sa sakit, sa inis or sa tuwa sa mga naririnig ko. Mixed emotions. Nasasaktan ako at the same time natutuwa ako. Para tuloy akong baliw

But still, hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya o hindi. Binigay ko na once ang tiwala ko sa kanya, at nasaktan ako. Pero ngayon... hindi ko alam.

"you always jump into a conclusion Jiro. Bat mo dinidiktahan kung ano ang mararamdaman ko? Bat di mo sinabi saakin ang totoo? Paano kung sabihin ko sayo na willing ako mag antay sayo kahit gaanong katagal kasi mahal na mahal din kita?"

"I'm sorry Arcie" he wiped my tears "I'm very sorry for causing you too much pain and for making you cry. Arcie, hindi kita pipilitin ngayon na paniwalaan mo na mahal kita. pero gagawin ko ang lahat para maramdaman mo ulit kung gaano kita ka-mahal. Kahit ipagtabuyan mo pa ko, hinding hindi ako susuko. I promise you. This time hindi na ko magpapakaduwag. Hindi na ko tatakbo ulit kahit ipagtabuyan mo pa ko. Kahit may Ren ka na wala akong paki. Basta maramdaman mo lang ulit kung gaano kita kamahal, kahit ayaw mo na saakin, ok lang. maparamdamm ko lang sayo"

Napatigil ako sa pag-iyak and I bite my tounge to stop my self from laughing.

Kahit may Ren na ko?

Is he thinking that me and Ren is...?

Ayan ang sinasabi kong ang hilig niya mag jump into conclusion! Kung batukan ko kaya to ngayon?

Pasalamat ka hanggang ngayon ikaw parin!

Pero syempre hindi ko sinabi na wala naman talaga kami relasyon ni Ren. Bahala siya diyan manigas sa selos. Ganithan lang pre!

Tumayo ako "hay tama na nga usapan natin. I heard your side and that's enough for me "I smiled at him "may gusto ka patunayan di ba? why don't you start from driving me home?" I turned my back on him and naglakad na papunta sa car.

"y-yes ma'am" hinabol niya ako

Now ano na plano ko?

Talaga bang bibigyan ko siya ng second chance?

Pero ang tanong....

Mahal niya ba talaga ako...

or guilty feelings lang ang nararamdaman niya para saakin? 

My PrinceWhere stories live. Discover now