Chapter 9: "THE SHOPPING MONSTER"

175 1 0
                                    

ARCIE'S POV

Mall...

"naku I'm so excited!! Madami na kong nakitang damit na bagay sayo, tsaka ibahin din natin yang hairstyle mo!"

Nagmamadaling pumasok sa loob ng mall si Yanna habang hatak-hatak ako at with matching pa-bounce bounce pa!

"ah Yanna kasi, ano—"

"—wag mo nang isipin pang magdahilan para hindi kita maibili ng damit! Naku walang epek lahat ng sasabihin mo. Tsaka wala ka bang bilib sa taste ko?"

"ah hindi naman sa ganun. Ang akin lang kasi, ikaw lahat ng damit na isuot mo babagay sayo kasi ang galing mo mag dala, samantalang ako, ang kaisa-isa lang atang bumagay na damit sakin eh itong uniform natin. Atsaka hindi naman kasi ako palalabas ng bahay kaya baka hindi ko rin magagamit"

"ano ka ba girl!" umakbay siya sakin "hindi lang pang school uniform ang beauty mo no! tsaka magagamit mo yang mga yan swear! Naku lalo na next month!!"

"next month? Ano meron next month?"

"hay naku basta!! But before that, ihuli na natin yung sayo. Samahan mo muna ko mamili ng mga clothes ko" hinila na ko ni Yanna papasok sa unang boutique nanakita namin.

[after three hours..]

Nandito kami ni Yanna sa isang ice cream parlor nagpapahinga. Hay grabe pala mag shopping tong si Yanna! Ang tindi! Kada isang boutique ata na papasukan namin, bumibili siya! And take note ha, sa loob ng three hours, hindi pa niya nabibili yung sinasabi niyang 'welcoming gift' sakin. Buti na lang napagod na siya! Baka mag bago na ang isip niya sa pag bili sakin ng damit. Ahihihihi.

Umupo si Yanna sa harap ko dala-dala yung inorder niyang ice cream para samin.

"tada! Chocolate chip ice cream. Naku try mo yan, super sarap. Ayan yung madalas naming orderin ni Lance pag pumupunta kami dito."

"thank you Yanna ah. Nahihiya talaga ko sa inyo. Hindi niyo naman kasi kailangang gawin to eh."

"ano ka ba! Nag eenjoy rin naman ako no. tsaka for sure pati yung iba! Kaya mag ready ready ka na sa mga susunod na araw kasi lahat kami may welcoming gift na hinanda para sayo. Ako nga lang ang nauna."

Ibig sabihin lahat sila iddate ako? parang na-excite ata ako sa idea ah! Ano kaya hinanda sakin ni labanos? Eh si Jiro kaya?

Waaaaaaah! Ano ba yan! Asa naman ako na hahandaan ako ng welcoming gift nun no! eh mukha ngang hindi ako welcome sa kanya eh. Ewan ko ba, magaan naman ang loob ko kay Jiro kaya lang hindi ko talaga maintindihan kung bat ang sungit sungit niya sakin. Wala naman akong ginagawa sa kanya! Tsaka to think na mag ka-partner kami sa dance fest! Susme!

Nag scoop ako sa ice cream ko then sinubo ko.

"nga pala, next na nating bilhin ang welcoming gift ko sayo" bigla kong nakagat yung spoon ng ice cream ko kaya nangilo ako dahil sa sobrang lamig

"ah!"

Hay! Akala ko limot na niya!! Naman eh!

"ok kalang ba?"

"ah.. hehe oo ok lang!"

"hay naku! Basta leave it to me! Naka ready na ang lahat para sayo."

"uhmm.. talaga bang kailangan kong mag make over? Ok lang naman talaga sakin ang itsura ko eh"

"ano ka ba! Mas pagagandahin pa kita no! tsaka wala ka atang bilib sakin?"

"hindi naman sa ganun.. actually hanga nga ako sa mga style mo ng pananamit kaya lang—"

My PrinceWhere stories live. Discover now