ARCIE'S POV
"please do this for me. I'm alright, I swear and sa totoo lang, hindi ko naman talaga mahal si Jiro. Kaya ko lang siya balak sagutin, because alam kong malungkot siya. Naawa ako. Please do this for me"
After I said those words, lumabas na ako sa house ni Jiro. Totoo naman talaga lahat ng sinabi ko. Hindi ko talaga mahal si Jiro. Sadyang naawa lang ako sa kanya.
What a liar, Arcie.
Naglakad na ko paalis ng biglang may humila saakin.
"Arcie wait!"
"Ren"
"bat mo sinabi yun?! Alam kong mahal na mahal mo si Jiro pero bakit mo sinabi na hindi mo siya mahal?"
I looked at Ren
"para hindi na siya makonsensya sa naging desisyon niya"
"Arcie"
"Ren, pwede ba ako humiling sayo?"
Lumapit si Ren sakin then he hugged me "anything"
"can I stay with you tonight? Ayokong umuwi saamin. Ayokong makita ako nila mama nang ganito ako. Mag-aalala sila."
He smiles at me "ok then leave it to me"
Inihatid muna ako ni Ren sa house nila then pinuntahan naman niya sila mama para kumuha ng mga damit ko.
"may pantulog ka na diyan and uniform. I told tita na mag o-overnight ang S6 dito para sa project na gagawin natin"
"thank you labanos ah, sorry kung nakakaabala ako."
"ano ka ba! Para saan pa naging mag best friend tayo!" He put his arms around me
Hay. Sana mahalin ko na lang ulit si Ren. Ok lang sakin kahit best friend lang ang tingin niya saakin, atleast alam ko hindi niya kayang gawin akong panakip butas.
"so dito ka muna sa room ko matutulog. Dun ako sa room nila mommy. Buti na lang at wala sila ngayon"
"labanos sorry talaga sa abala ha"
"ano ka ba!!" ginulo niya ang buhok ko "dahil broken hearted ka ngayon susundin ko lahat ng gusto mo! So My princess, ano bang gusto mong gawin ko? "
I look at him seriously "pwede ba kitang maging boyfriend?"
Halata kong nagulat siya sa sinabi ko. "h-ha? Se-seroyoso ka ba?"
Nakita kong namula yung tenga niya pero pinigilan ko yung tawa ko. I look at him straight in his eyes "oo naman"
"ha? Kasi, well, s-sige na nga! Tutal best friend naman kita!"
I burst in laughter "hahahah joke lang labanos eto naman oh! Joke lang yun!
Grabe! Di ko akalain na mapapatawa mo ako! Wahahahaha"
"ah, joke lang pala" seryosong seryoso ang muka niya "sige, joke lang"
Tinalikuran niya ako and lumabas sa room, pero kita ko parin na namumula ang ears niya.
Naku po nagalit ata. =___=
Tumayo ako then sinundan ko siya sa labas kaya lang pagkabukas ko ng pintuan may bigla naman humila saakin then binuhat ako
"Joke pala ha!"
"waaaaaaaaaaaaaaaaah labanos!!!!"
Inihiga niya ako sa kama then pinagkikiliti
"wahahaha labanos tama na!! joke nga lang eh!! Joke lang yun!!! Wahahahaha"