ARCIE'S POV
"I've been waiting for you, my princess"
Pakiramdam ko ngayon, para akong na petrified at hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. So set up lang lahat to?
Walang party?
Walang s6?
Kami lang ni Jiro?
Oh gulay! I'm not prepared! Biglaan ito! Baka whole night akong di makapagsalita, or worst baka whole night akong hindi makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon!!
S6 do love surprises!
Kailangan pala araw-araw ko ng ihanda ang sarili ko. >_____<
Lumapit saakin si Jiro
"so, err, I know mukhang expected mo na to. Well I try na isurprise ka kaso mukhang obvious kami."
Obvious? Obvious pa ba sa lagay na to na halos hindi na ko makakilos sa kinatatayuan ko sa sobrang pagka bigla?
Gulay
"I'm surprised. Ni hindi nga ako makakilos dito"
He chuckled "mukha nga"
He held my hand and lead me to the table.
"so let's have a dinner first"
May mga lumapit samin na mga servers then nilagay sa harap namin yung mga foods.
Hmm mukhang puputok ang dress na suot ko ah. Madami-dami ata akong makakain. Bwahahaha
Though medyo may after shock parin akong nararamdaman at puno ng paruparo ang aking stomach, nagawa ko parin kumain. Aba once in a life time lang ito no.
Medyo nawala ang tense ko when Jiro started our conversation. Naging comfortable naman ako agad sa kanya. Parang hindi yung masungit na Jiro ang kausap ko ngayon, parang yung masayahing Jacob.
I miss Jacob. Hehe kahit alam kong iisa lang sila ni Jiro.
Pero ang nasa harap ko ngayon is not the Ultimate Prince but Jacob, ang weird looking na si Jacob na hindi kilala ng madami pero nakilala ko ang tunay na Jiro.
"busog!!" sabi ko after eating with matching pa stretch pa ng dalawang braso
"mukha ngang nasarapan ka" he chuckled
"masarap pala mga foods dito sa hotel nila Mich"
"of course, it runs in the blood"
"huh?"
"her mom is the executive chef of this hotel"
"really?! Akala ko sila nagmamanage nito?"
"well her dad runs this hotel, while her mom runs the kitchen in this hotel"
"wow! No wonder passion ni Mich ang pagbbake."
Tumayo si Jiro then lumapit siya sakin.
He held my hand then he leads me near the pool
"star gazing tayo"
Hinubad niya yung shoes and sock niya then tinaas niya ng onti yung pants niya.
Umupo siya sa gilid ng pool habang nakalubog ang paa niya sa tubig
"come here Arcie. Sit beside me"
Ginaya ko siya then umupo ako sa tabi niya. I look at the sky
"wow!!! Ang daming stars ngayon"
"right but I am looking at the brightest star"
Tumingin ako sa kanya and sa akin siya nakatingin.
Susmaryosep kinikilig na naman ako.