ARCIE'S POV
"Kaya ayokong bumalik ka sa kanya eh. Kasi alam kong iiyak ka na naman"
"R-ren" I immediately wiped my tears
"hindi na kita tatanungin kung bakit ka nanaman umiiyak or kung anong dahilan kung bakit mo nasabi kay Jiro yun, pero sana masaya ka sa desisyon mo"
Tumabi siya saakin pero hindi ko siya matignan
"natutuwa naman ako at kinakausap mo na ko ngayon" sabi ko sa kanya
He smiled "hindi naman kita matitiis eh. But I think hindi mo parin ako naiintindihan"
"no. don't say that. Naiintindihan kita Ren. Alam ko naman na ayaw mo lang ako masaktan eh kaya ka nagalit saakin"
"paano kung hindi yun ang gusto kong iparating?"
I looked away "Ren, please..."
"binbo natatandaan mo ba yung kapatid kong babae? Si Ria?"
"ha? Oo naman bakit?"
"alam mo ba nagpasama siya saakin sa divisoria para lang bumili ng madaming cd. Mga Japanese and Korean drama. Grabe ang adik talaga nung babaeng yun"
I smile a little. I know he is trying to cheer me up again. Pero wala atang makakapagpatanggal ng sakit na nararamdaman ko ngayon
"sinolo pa niya yung tv namin kaya di ako makapanuod! Grabe talaga! Butinfairness may isang drama siya na binili na nagustuhan ko. Nakarelate kasi ako. Gusto mo ikwento ko sayo?" he smiles at me
Hindi ko siya pinansin, pero hinayaan ko lang siya na mag kwento saakin.
"so here it goes, dun sa story may isang guy na may gusto sa best friend niya.
Bata pa lang sila magkasama na sila kaya naman sobrang lapit nila sa isa't-isa.
Habang tumataggal nare-realize nung guy na mahal na niya yung girl, kaso hindi niya pinansin yung nararamdaman niya. Akala niya wala lang yun. He took his best friend for granted. Akala niya forever na niyang makakasama ang best friend niya kahit di niya ipagtapat ang nararamdaman niya. But he was wrong. Dumating sa point na may nagustuhan ng iba ang best friend niya. Isang araw nakita na lang niya ang sarili niya, nasa simbahan, photographer siya sa kasal ng best friend niya at nung lalaki. Habang nasa reception sila at ipinapakita yung mga highschool pictures nila, dun niya naisip kung sana dati pa lang gumawa na siya ng paraan, kung dati pa lang nagawa niyang magtapat dun sa babae, kahit hindi sila sa huli atleast alam niya na may nagawa siya kesa ngayon nagsisisi siya. Naisip niya kung pwede lang sana na maibalik niya ang oras na magkasama pa sila para maitama niya ang lahat, and ayun biglang may dumating na fairy"
Napalingon ako sa kanya "fairy?!"
Ok, seryoso siya nagkukwento, samantalang ako seryoso nag eemote tapos biglang may nasingit na fairy sa usapan. San nanggaling yun?
"oo fairy! Wag mo nga kontrahin takbo nung storya! Ikaw ba ang author?!"
"sorry, sige na tuloy mo na ang kinukwento mo"
Hay etong labanos na to oh! Nakakalimutan ko problema ko dahil sa kanya!
"ok, so ayun nga may dumating na fairy and hindi siya yung klase ng fairy na iniisip mo ha na katulad nung fairy sa Cinderella. Lalaking fairy siya. Oh basta ayun. Sabi nung fairy bibigyan niya ng chance yung lalaki na makabalik sa past at maitama yung mga mali niya. Bibigyan siya ng chance na makabalik sa bawat scenes ng mga pictures na ipapakita sa slideshow nung kasal ng bestfriend niya.
Ang kailangan niya lang gawin is bigkasin lang ang mga words na "Halleluja Chance!"
Napataas ako ng kilay "pinaglololoko mo ba ko?"