ARCIE'S POV
Monday morning. Tinatamad ako pumasok, at the same time natatakot ako.
After two days, na feeling ko eh isang taon ang lumipas na hindi naming paguusap ni Jiro, hindi ko alam kung anong mangyayari ngayong araw.
Ano nga ba ang unang magiging reaction ko pag nakita ko siya?
"Jiro! Bat di ka manlang tumawag, o mag text sakin?! Ni hindi mo pinaliwanag ano yang payakap-yakap effect mo sa babaeng yan eh!"
Err, parang ang taray naman ng dating nun?
"Jiro, bat mo siya niyakap? Mahal mo parin ba siya? Paano na ko? Akala ko ba mahal mo ko? Di pa tayo tinwo-two time mo na ko?"
Parang masyadong madrama
Alam ko na, mag h-hi na lang ako sa kanya, na parang walang nangyari. It's up to him kung mag explain siya or hindi.
Tama yun na lang ang gagawin ko.
...
........................
......................................
.......................................................
OMG LATE NA KO!!!! O__________O
Tumakbo ko mula bahay namin hanggang sa Prince Academy
Hinintay ko kasi sa house namin si Jiro eh. Kasi every morning sinusundo niya ko, ngayon lang hindi.
Bigla tuloy ako kinabahan.
Ano na kaya nangyayari samin?
Pag dating ko sa classroom namin, nag start na ng homeroom si Ms. Krissa.
Pa-simple naman akong pumasok sa back door, tutal sa likod din naman ako nakaupo.
Nagulat si Jiro nung nakita niya ko.
"h-hi" bati ko sa kanya
Paupo na sana ko ng mapansing kong may bag na nakapatong sa upuan ko.
"Ms. Morales you're late" sabi saakin ni Ms. Krissa
Napatingin ako sa harap, and ayun nakita ko si Amber na nakatayo sa harap.
"i- 'm sorry ma'am"
"by the way this is amber, a new student here. I hope class you'll be nice to her"
"nice meeting you all"
She bowed her head then she looks at my direction then she waved at me.
Ako naman parang hindi makagalaw sa kinatatayuan ko.
Kaya ba ko hindi nasundo ni Jiro is because of her? And kaya ba di niya ko tinetext or tinatawagan buong weekends is dahil din sa kanya?
"anyways Ms. Morales, please take the seat beside Mr. Salvador."
"ok ma'am"
Umupo ako sa tabi ni labanos. Si Amber naman ang nag occupy ng seat sa tabi ni Jiro.
I breath deep. Hindi ko alam kung anong nangyayari ngayon. Pero isa lang ang alam ko, nasasaktan ako.
"are you ok?" tanong ni Ren saakin
I nod, pero hindi ko tinignan si labanos sa mata.
Wala ako sa concentration ko buong klase. Ilang beses na ngang natawag ng teacher ang attention ko. Ilang beses narin akong napagalitan dahil hindi ako nakikinig.
"Ms. Morales, please tell me the truth, are you ok?" tanong saakin ni Sir Nike
"Sir, I'm not feeling well"