ARCIE'S POV
Today is our Prom Night.
Actually eto rin ang unang prom na pupuntahan ko. Hindi kasi ako umattend last year kasi alam kong magiging bulaklak lang ako sa pader nun. Wala akong makakasama sa table, at walang sasayaw saakin. Tsaka isa pa alam ko naman nung mga panahon na yun busy si Ren na kumanta sa stage at makipag syaw sa iba't ibang babae. Eh siya lang naman ang taong ka-close ko nun.
Pero ngayon iba na.
May mga kaibigan na akong makakasama sa table. At may minamahal na maisasayaw.
"anak nandiyan na ang mga mag-aayos sayo"
Pinapasok ni mama sa kwarto ko yung mga magaayos saakin from Princess Yanna's boutique.
Eto kasing si Yanna ininsist na dapat sila magaayos saakin. Dahil magtatampo daw talaga siya pag sa ibang parlor ako nagpaayos. Dapat nga pati yung gown na gagamitin ko sagot na niya eh. Kaso sabi ko naman gusto ng parents ko na sila ang bumili para saakin. Minsan lang daw kasi nila akong mabilhan ng mga ganitong bagay.
Naintindihan naman ni Yanna kaya pumayag siya. Though sa store kami ni Yanna bumili and binigay niya yung gown half the price. Ganyan daw niya kasi ako ka-love!
Sinimulan na nila akong ayusan. Una ang buhok ko, na itinaas nila, then sunod nilagyan na nila ako ng make-up. Nakakatuwa nga eh kasi kung titignan parang ang simple lang ng pagkaka make-up nila pero parang malaking transformation ang nangyari saakin.
Mukha na kong tao!! XD
Nung matapos ang final re-touch ng make-up sa mukha ko, sinuot ko na yung gown na binili saakin nila mama. [see the picture on the side]
"ang ganda talaga ng anak ko! Manang mana saakin" sabi ni Mama sakin
"ma naman eh masyado niyo na ata akong binobola niyan"
"naku anak hindi kita binobola no totoo naman eh! Tsaka bagay na bagay talaga kayo ni Jiro"
"talaga? Kahit parang langit at lupa ang agwat naming dalawa?"
"anong langit at lupa? Paano naman kayo nagkaroon ng agwat? Eh nasa iisang mundo lang kayo nakatira"
"hmm kasi mayaman siya tapos tayo hindi naman ganun kayaman. Normal na tao lang tayo"
"tapos sila abnormal?"
"ma!" hay naku nanay ko talaga eh no, minsan ang galing bumanat!
"anak pagdating sa pagmamahal walang status ang tao. Mahirap, average o mayaman lahat ng yan pare-pareho lang marunong masaktan at magmahal. Parepareho lang yan na mababaho ang utot." natawa ako sa sinabi ni mama "Walang bagay at hindi bagay. Basta mahal niyo ang isa't isa yun ang mahalaga" she touched my face "I'm happy kasi isang tulad ni Jiro ang nagmahal sayo. Mabait na bata at kitang kita ko na mahal ka niya, pati narin kami. At isa pa gwapo!" natawa na naman ako sa sinabi ni mama "sana sagutin mo na siya"
"naku ma! Binayaran ba kayo ni Jiro at sinasabi niyo yan?"
"hindi no! eto namang batang to!"
Oo nga pala, nanliligaw parin saakin ngayon si Jiro. Isang buwan na nga nanliligaw eh.
Hindi ko naman siya masagot-sagot kasi hindi naman siya nagtatanong. Di rin ako makakuha ng chance na sagutin siya.
Pero kung tutuusin, sobra siya nag eexert ng effort sa panliligaw sakin. Para na nga siyang namamanhikain eh. At syempre mautak din siya. Biruin niyo inuna niyang ligawan ang mama at papa ko pati kapatid ko? Hatid sundo niya ko palagi sa bahay.
Every morning din lagi siyang may surprise saakin. Kung hindi flowers na biglang mahuhulog sa locker ko, teddy bear naman na sumusulpot sa upuan ko. Nagawa niya ring kutsabahin lahat ng mga teachers namin. Pagpasok ko sa teacher's office nagulat ako kasi madilim at walang katao-tao. Pagbukas ko ng ilaw ayun nakita ko sila na may hawak ng malaking banner na nakalagay "I love you Arcie"