Chapter 34: THE IMPOSTOR

93 0 0
                                    

MICHELLE'S POV

Bago pa ko makita ni Justin, tumakbo na ko palayo and bumangga ako sa isang lalaki. napatingin ako kung sino ang nabangga ko.

Si Ren.

"Mich!!!!!!!! Ano kamusta na? nakita mo na si Justin? Oh dahil diyan ipagluluto mo na din ako ah!!" sabi ni Ren habang tumatawa

Bigla naman ako yumakap kay Ren then I started to cry

"t-teka Mich bakit what happened? "

Umiyak lang ako ng umiyak.

"uhh Mich baka makita tayo ni Arcie magselos pa yun "

Hindi ko pinansin yung mga sinasabi ni Ren dahil alam ko naman na wala namang ibang alam yan kundi kumain kaya hindi niya ko maiintindihan. i just need a shoulder to cry on.

Pero bakit ba kasi nangyari to? Ang bagal ko kasi. Kung sana dati ko pa sinabi kay Justin hindi sana nangyari to. Bakit ba hindi ako nakakuha ng lakas ng loob nun?

"err Mich baka ma-guidance tayo dito. Akalain PDA. "

Bigla ko naman tinulak si Ren "SINO BANG GUSTONG MAHULING KA-PDA KA!!!!!! "

"o t-teka chill ka lang. I'm just joking. Tell me ano bang nangyari?"

"i.. I can't "

"bakit?"

"Ren, please, kahit anong mangyari don't tell anyone na ako yung nagbibigay ng cookies kay Justin"

"kahit kay Justin?"

"especially Justin"

"bakit?"

"basta. please?"

"ok I understand. But you know you can tell me kung ano ang problem. Just remember that."

"thank you Ren"

Sabay na kami pumasok ni Ren ng classroom. And as expected, start na ng first subject namin which is English.

"Mr. Salvador and Ms. Rhias, why are you late?" tanong samin ni Sir Nike

"Ah hehe sorry sir nagutom kasi ako, kinaladkad ko si Mich para samahan ako kumain." palusot ni Ren.

"ok, palalagpasin ko kayo but ayoko nang mauulit to, understand?"

"Yes Sir Nike!" sagot ni Ren kay sir Nike

Umupo na kami ni Ren. Si Ren sa harapan ko, ako sa tabi ni Justin. Seatmate nga pala kami ni Justin.

"you're late. nag papractice ka na naman ng volleyball? Malapit na nga pala ang tournament" tanong saakin ni Justin

Tumango lang ako ng hindi tumitingin sa kanya "uh" sinilip naman ni Justin ang mukha ko and alam kong na-halata na niya na galing ako sa iyak. "hey, what's wrong?"

Nag taas ako ng kamay

"sir"

"yes Ms. Rhias?"

"uhm, I'm not feeling well" sabi ko kay Sir Nike

"do you want to go to the clinic?"

"n-no! pwede po ba kong lumipat near the window? Magiging ok na po ako nun"

"ok. Sino gusto makipag change seats kay Ms. Rhias" tumingin si Sir sa mga nakaupo near the window

As expected madami naman nag taas ng kamay. First dahil gusto nilang magpaimpress sa 'Ms. Michelle' nila. Second dahil gusto nilang makatabi si 'Prince Justin' nila.

My PrinceWhere stories live. Discover now