REN'S POV
"labanos, ang sakit. Ang sakit, sakit"
"Arcie, ano nangyari" takang taka at gulat na tanong ko sa kanya
Humagulgol ng iyak si Arcie hanggang sa mapaupo na siya sa floor. I help her stand then inupo ko siya sa sofa.
"tell me what happened. Is it because of Jiro?"
"mahal ko siya, sobrang minahal ko siya. Pero bat ganun? Bat niya ko ginamit?
Hindi naman pala niya ko mahal eh. Bat niya ko pinapaniwala na mahal niya ko? Ang selfish niya!"
Patuloy parin sa paghagulogol si Arcie and wala akong masabing comforting words sa kanya.
"Arcie, wag ka ng umiyak. Di bale gugulpihin ko si Jiro para sayo"
Yan sana ang gusto kong sabihin sa kanya ngayon pero alam ko naman na walang maitutulong yun.
Sabi na ganito ang mangyayari eh. D^mn you Jiro!!! Bat bo sinaktan ng ganito si Arcie!!
"alam mo, gusto kong isumbat sa kanya lahat ng ginawa niya. Pero bat ganun? Bat di ko kayang magalit sa kanya? Nababaliw na ba ko? Ren, tulungan mo ko, ang sakit sakit"
Humagulgol ulit ng iyak si Arcie hanggang sa nahihirapan na siyang huminga
It took me an hour para mapakalma ko siya. Nung kumalma na siya kinumbinsi ko siyang mag shower and magpalit ng damit dahil basang basa siya ng ulan. Kumuha muna ko ng mga damit ng ate ko na nasa states then pinasuot ko muna sa kanya. After niyang makapagpalit umiyak ulit siya hanggang sa nakatulog na siya. Inakyat ko muna siya sa kwarto ko then inihiga ko siya sa kama ko and kinumutan
I brushed away her tears then I held her hand
She was badly hurt. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganito and nasasaktan siya because of Jiro.
I felt betrayed. Hindi ko expected na magagawa ni Jiro ang ganitong bagay.
Pinagkatiwalaan ko siya na aalagaan niya si Arcie. I gave up my love for her dahil ang akala ko sasaya siya kay Jiro. But I'm wrong.
Naiinis ako sa sarili ko! Dapat pala hindi ko hinayaang mapunta si Arcie kay Jiro! Kung alam ko lang na ganito ang gagawin ni Jiro, sana pala ipinaglaban ko yung nararamdaman ko kay Arcie.
I look at her face. Alam kong hindi peaceful ang pagtulog niya ngayon. And I am also hurt to see her like this.
Tumayo ako then I grab my car keys. Lumabas ako ng room and tinawag ko yung maid namin
"ipagluto niyo siya ng lugaw then ipakain niyo sa kanya pag nagising siya ha. And paki timplahan narin siya ng juice" bilin ko kay manang
"opo sir"
"aalis lang ako saglit"
"san po kayo pupunta?"
"I made a promise to someone. Tutuparin ko lang ang pangakong yun"
JIRO'S POV
"goodbye, my prince"
The moment she walks through that door, a part of me was telling na habulin ko siya, yakapin and tell her na binabawi ko na lahat ng mga sinabi ko sa kanya and that I really really really love her
Masakit pala talaga.
Napaupo ako sa bench then I put my hands on my face. Biglang tumulo ang luha ko.
I hate myself for hurting a girl like Arcie. She doesn't deserve what I've done to her, pero kailangan.
Naalala ko lahat ng mga nangyari last night habang magkasama kami ni Amber.