MICHELLE'S POV
I heard a knock on the door. Tinignan ko yung orasan, it's already 5pm. Kanina pang 11am ako nandito. Nakatulog siguro ako kakaiyak
"sino yan?" tanong ko doon sa kumatok
Hindi sumagot yung kumakatok sa door. Malamang isa sa mga staff dito. Siguro nalaman na ni daddy na ginamit ko yung presidential suite.
Kasi naman Michelle, iiyak ka na nga lang gusto mo pa dun sa pinaka sosyal na room ng hotel
Tumayo ako para buksan yung door kaso nagulat ako nung makita ko kung sino yung kumatok
"Arcie? Ano ginagawa mo dito and how do you know na andito ako?"
"magaling ang source ko eh" pinakita niya sakin yung plasticbag na hawak niya "dinalhan kita ng food. Alam kong gutom ka na dahil wala ka naman halos kinain kaninang lunch. Kaso Jollibee lang yan ah?"
Napa-smile naman ako "I love Jollibee's chicken joy"
Pinapasok ko siya sa loob. Bigla ko namang naramdaman ang gutom. Tamang tama pala ang dating ni Arcie.
Binuksan ko yung bigay niya then I started eating
"Mich, I know you love Justin" sabi ni Arcie saakin habang pinapanuod akong kumain
Nabulunan naman ako sa sinabi niya
"wh-what? What are you talking about?" sagot ko sa kanya
"kung hindi, hindi ka iiyak ng ganyan"
"h-huh? What are you saying? Hindi naman ako umiyak" palusot ko
"nagsisinungaling ka parin kahit obvious na namamaga ng husto ang mga mata mo dahil sa sobrang iyak"
Napatingin agad ako sa salamin and yeah, maga nga ang mata ko
"hi-hindi siya ang dahilan. Ano—masama kasi pakiramdam ko kanina kaya ganyan"
"bat hindi mo sabihin sakanya na ikaw ang gumagawa ng cookies at hindi yung impostor na yun?" nagulat naman ako sa sinabi ni Arcie. Paano niya nalaman yun?
Pero syempre hindi parin ako umamin "wh-what are you saying? Hindi ako ang nagbibigay sa kanya ng cookies"
Mukhang sinabi sa kanya ni Ren ah! Yari sakin yung matakaw na yun!!!
"don't lie to me. Kanina ko lang na realize ang lahat nung matikman ko yung cookies"
"huh? What do you mean?"
"natatandaan mo ba kung bakit naging kaibigan ko ang S6 Mich? Dahil sayo yun"
"huh?"
"I remember kumakain ako magisa sa cafeteria nun, then bigla kang tumabi sakin, tapos out of nowhere binigyan mo ko ng cookies then you introduce me sa S6 as your new friend. Hindi ko makakalimutan yun Mich. Ikaw yung nagmistulang angel ko nung mga panahon na yun" Arcie held my hand and smile at me
"Arcie"
"and of course hindi ko rin makakalimutan yung lasa ng cookies na binigay mo sakin"
I'm speechless. Hindi ko alam na yung simpleng ginawa ko napakalaking bagay na pala kay Arcie yun.
"ngayon malinaw na sakin ang lahat. Naalala ko tinanong din ako ni Ren nun, kung ano ang mas masarap, yung cookies na gawa ng isang professional pastry chef or yung home made cookies and I choose— "hindi ko pinatapos si Arcie sa pagsasalita and ako na ang nag dugtong sa sinasabi niya
"yung home made cookies because it came from the heart kasi pinaghirapan
" sabi ko sa kanya
I hug Arcie then I started to cry again