ARCIE'S POV
Thank you Arcie for giving me a chance. I promise I will not waste this chance anymore. I am happy. Starting today maipapakita ko na saiyo kung gaano kita kamahal I love you binbo
-Labanos
Arcie, meet me at the park near your house at exactly 10pm. I have to show you something, please. Maghihintay ako. Kahit anong mangyari hihintayin kita.
-Jiro/Jacob
I turned off my cellphone then nahiga ako sa kama. Napakadaming nangyari ngayong araw na to. Ang daming nasaktan.
Pero alam ko ako ang pinaka nasasaktan sa lahat. Mas mahirap palang manakit ng taong mahal mo kesa masaktan ka. Dalawang taong importante saakin ang nasasaktan ng dahil saakin and nahihirapan ako.
Ako naman ngayon ang nangiwan. Ako naman ngayon ang bumitiw. Dati nagawa akong bitiwan ni Jiro kasi gusto niya akong protektahan. Ngayon naman ako ang bumitiw dahil siya naman ang gusto kong protektahan. But in the end, we end up hurting each other.
Hindi nakakatuwa.
Tapos bigla kong malalaman na mahal ako ni Ren. Napaka manhid ko nga rin para hindi maramdaman yun. Siguro iisipin ng iba na tama naging desisyon ko para bigyan ng second chance si Ren. Kilalang kilala na namin ang isa't isa and mas maganda kung kami magkakatuluyan dahil matagal narin kaming magkaibigan. But I swear the moment I gave Ren a chance, nagsisisi ako. Hindi ko alam kung magiging ready ba ako pumasok pa sa isang relationship after ng lahat ng nangyari. Worst, natatakot ako baka hindi ko siya matutunang mahalin. Nasaktan ko na siya ng madaming beses, ayoko na ulit na saktan pa siya lalo.
I heard a knock on the door
"anak bumaba ka na, kakain na tayo"
"sige po ma"
Tumayo ako sa kama and humarap sa salamin. Parang hindi ko na kilala ang sarili ko.
Dati kahit ano natitiis ko. Kahit mag-isa ako nakukuha ko parin maging masaya. Kahit naapi ako nakukuha ko parin maging malakas. Pero bakit ngayon...
. . .. naduduwag ako.
Lumabas ako sa kwarto ko at dumiretso na sa sa hapag-kainan namin. Oo nga pala 1 week na lang si papa dito, babalik na ulit siya sa Italy para mag work. Hay, mamimiss ko na naman siya.
Umupo ako katabi ni Ariel
"anak, ayos ka lang ba? Mukha kang may sakit ah?" tanong saakin ni Papa
"ah, ok lang po ako pa"
"sigurado ka? Kumain ka ng madami" naglagay ng maraming food si mama sa pinggan ko
"oo nga pala anak, di ba ilang buwan na lang at ggraduate ka na? may naisipan ka na bang kunin na course at pasukang iskwelahan?"
Napatigil ako sa sinabi ni papa.
Nakalimutan ko na ang tungkol dun.
Nakakatawa no? habang busy akong protektahan ang future ng ibang tao, yung akin naman ang napabayaan ko. I'm only a highschool student yet ganitong mga bagay ang pinoproblema ko. Anong feeling ko? Adult na ko at grabe na mamroblema sa love life?
Pero patunay din to na walang sinasanto si love. Kahit anong edad, basta natuto kang magmahal, mararanasan mo rin masaktan ng husto.
Pero tama bang problemahin ko pa yan ngayon?