ARCIE'S POV
I am wearing a beautiful wedding gown and in front of me is a dazzling guy smiling at me. Having him in my life is such a blessing. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na tumagal kami ng ganito. Nakakatuwa. Akala ko dati wala na kami talagang pag asa. Pero ngayon eto, siya ang kasama ko sa buhay. Masaya ako.
"I, Jiro Festin, promise to love Arcie Morales, for reacher or for poorer, in sickness and in health, till death do us part, in my heart I swear"
He put the ring in my ring finger.
"I, Arcie Morales, promise to love Jiro Festin, for reacher or for poorer, in sickness and in health, till death do us part, in my heart I swear"
I put the ring in his ring finger
"And now, I pronounced you as husband and wife, you may kiss the bride"
"eeeepp!!!"
Nagulat kaming dalawa ni Jiro ng biglang may nagpatong ng kamay sa balikat naming dalawa and ayun nakita namin si Yanna na nakatayo sa pagitan natin. Lumingon saakin si Yanna
"Arcie, why you look dazzling in that wedding gown! Pumayag ka na kasi na imodel yan para sa shop ko? Pretty please?" tumingin naman si Yanna kay Jiro
"and you too Jiro, fit na fit pala sayo ang suit na yan! The best!" tumingin si Yanna kay Lance "and you my love, hindi bagay sayo maging pari, mas bagay ka sa tabi ko!" hinila ni Yanna si Lance papunta sa tabi niya.
"ikaw naman love! Ang ganda na nang scene namin bigla kang sisingit eh.
Nandun na kami sa you may kiss the bride!" sabi ni Lance kay Yanna
"ay ganun ba? Sorry naman! o sige take two ulit."
Nagtawanan kami.
"hay naku ayoko na" sabi ni Jiro na natatawa-tawa
"tsaka kailangan na isukat ni Arcie yung dress di ba?"
"ay oo nga pala!"
Kinuha ni Yanna yung dress na isu-suot ko then sinukat ko siya.
Ikakasal na kasi sina Ms. Krissa and Sir Nike and syempre kailangan namin umattend sa wedding nila. Nagsusukat naman kami ng mga damit para sa isusuot namin sa wedding. Provided yan lahat ng Princess Yanna's Boutique. Mismong wedding gown nga ni Ms. Krissa at ang hair and make-up niya dito din.
After naman namin magsukat ni Jiro, naglakad lakad kami sa mall.
"ano ng balita kay Ren? makakaatend daw ba siya sa wedding?" tanong ni Jiro saakin
"mukhang malabo daw eh kasi busy siya ngayon. Tsaka ang sarap batukan ng isang yun, nasa in-denial stage" sagot ko naman
"hayaan mo na, ma-re-realize din niya kung sino talaga ang mahal niya"
I sigh "hay sana nga, pag nagkataon magiging masaya talaga ako para sa kanila." Hinawakan ni Jiro ang kamay ko then sabay kami nagpunta doon sa restaurant na madalas namin kainan.
One and a half year na ang nakakalipas simula nung grumaduate kami sa Prince Academy. Syempre may mga times na madalang kami magkita-kita dahil nga sobrang busy sa mga school works pero nandito parin naman ang samahan.
Magkakahiwalay kami ng mga universities na pinasukan. Iba-iba din ang course na kinuha namin. Jiro took up business management. And after nun plano niyang kumuha ng education. Syempre siya na ang susunod na mag m-manage ng Prince Academy eh. Ren and Amber also took up business management at kasalukuyang nagaaral sa iisang university sa London. Minsan nakaka webcam namin silang dalawa sa net. Si Yanna naman, syempre ano pa ba ang course na kukunin niya? Fashion designing. Si Michelle naman ay culinary arts, while Justin took up Civil Engineering. Si Lance naman ay Architecture.