ALORA (POV)
Muntik na akong madapa dahil sa mga boteng nakaharang pag pasok ko sa bahay namin.
Agad kong nilagay sa mesa ang bag ko at agad nag pulot ng mga boteng pinag-inuman ni mama. Mag aalas onse na ng gabi, ngunit kailang ko pa itong linisin. Dahil kapag hindi ko ito niligpit, siguradong ipapamukha na Naman ni mama ang pag luwal nya sa akin bukas.
Habang inisa-isa kong pinulupot ang mga boteng nakakalat, isa-isa ding nahuhulog ang mga botil ng luha sa aking mga mata. Ganito palagi ang routine ko tuwing uuwi ako galing trabaho gabi-gabi. Nag-aaral ako sa umaga at nag tatrabaho naman ako sa DM restaurant pag-uwian namin.
Inaamin kong bunga lang ako sa pagiging bayarang babae noon ni mama. Kaya palagi nyang pinapamukha sa akin, na sana hindi nya nalang ako binuhay at pinalaglag nalang daw. Hindi rin nawawala sa akin ang pangungutya ng mga tao, kesyo daw katulad ako ni mama, kesyo daw kaya daw gabi na akong umuuwi dahil sa club daw ako galing. Hindi ko nalang ito pinapansin, at nagsusumikap makapagtapos para mabago ang pagtingin sa amin ng mga tao.
Huling taon ko na ngayon sa kolehiyo sa kursong, civil engineering. Hanggang elementary lang ako pinaaral ni mama. Kaya bata palang ako natutunan ko ng rumakit, magbinta ng sigarilyo sa bangketa, mangalakal, maglinis ng mga sasakyan. Marami akong pinagdaanan para mapa-aral ang sarili ko ng high school. at dahil narin sa anking kong katalinohan ko kaya nakakuha ako ng scholarship sa isang pribadong sikat na skwelahan.
"Ah.....! Sige pa Lito..! Isagad mo pa..."!
Napatakip ako sa aking tenga, dahil sa malakas na ungol ni mama. Hindi ko alam kong kakayanin ko pang makasama sya ng matagal, kung gabi-gabi nalang iba-iba ang lalaking katalik nya.
Muntik ng lumabas ang impit kong iyak, kaya dali-dali akong lumabas ng bahay. At pumunta sa dating kubo ni Lolo. Isang tulak nalang nito at masisira na, pero pwede pa namang tulogan, malinis din ito kahit dalawang taon nang patay si Lolo. dahil nililinisan ko ito tuwing lingo pag wala akong trabaho. Dito kase ako natutulog kapag may lalaking dinadala si mama sa bahay.
Agad akong nag latag ng banig sa papag na kawayan ni Lolo, at kinuha ang lumang kumot nya. Nanalangin muna ako bago tuluyang humiga. Pagod na pagod ang katawan ko sa araw-araw na gawain. Ilang Oras lang din ang nagiging tulog ko dahil maaga akong gumigising para ipagluto si mama. At para maglinis ng buong bahay. Kailangan ko kaseng umalis ng maaga dito sa bahay kahit 9:30 pa ang oras ng pasok ko. Nakakarindi na kaseng marinig ang mga sinasabi ni mama eh.
Natawa ako ng mapakla habang tumutulo ang mga luha.
"Binuhay mo nga ako,! Pero hindi mo Naman ako tinuring na anak." Bulalas ko sa kawalan.
Hindi ko namamalayan na nakatulogan ko na pala ang pag-iyak.
Nagising lang ako sa tilaok ng mga manok, kaya agad akong bumangon.
Dahandahan akong pumasok sa Bahay, at dahil kurtena lang ang nagsisilbing pinto ng dalawang kwarto ng bahay namin. Nadaanan ng mga mata ko ang posisyon ni mama at nang lalaki nya.
Tumayo lahat ang mga balahibo ko dahil sa Nakita. Kaya agad akong pumasok sa kwarto ko, at kumuha ng damit para maligo. Kailangan kong makaalis agad dito.
Ilang minuto lang at tapos na akong maligo, kaya agad akong nagluto ng almusal ni mama. At ng matapos ako ay agad kong kinuha ang bag ko, at patakbong lumabas ng bahay.
Mag aala sais pa lang, kaya wala pang mga marites sa tindahan ni aling Berta, na numero unong na ngungutya sa akin.
Hindi pa ako nakapag almusal, at nakaligo nga ako mukha naman akong bruha, dahil hindi ko pa nasusuklay ang mahaba at alon-alon kong buhok. Kina Susie nalang ako magsusuklay, at doon nalang din Muna ako tatambay gaya ng gawain ko kada araw.
"Magandang araw po aling mayeth.! Gising na po ba si Susie."! Tanong ko sa mama ni Susie na nag didilig ng mga bulaklak.
"Ay, magandang araw din Lora,! At Oo gising na si Susie, andon yata sa kusena nag kakape.! Pumasok ka nalang Lora."! Sagot ng ginang.
Ngumiti ako kay aling mayeth at agad pumasok sa Bahay nila. Naabutan ko si Susie sa harap ng mesa na nag kakape at nag day dreaming habang nakatingin sa picture ng amo naming si master dos.
"Hooooy,"! Panggulat ko dito, at napahalakhak ako ng muntik na itong mahulog sa upoan.
"Lora naman eh."! Reklamo nito kaya mas lalo akong natawa.
"Wala kanang pag-asa gurl, dahil Isang dyosa ang asawa nyan."! Saad ko sa kanya sabay iling.
"Dyosa din naman ako ahh, lamang ka nga lang ng sampong paligo sa akin eh."! Nakasimangot na reklamo nito, kaya inikutan ko ito ng eyeballs.
"Ang aga mo yata,! May dala na Naman bang lalaki ang mama mo."? Seryusong wika ni Susie,
Napabuntong hininga ako at malungkot na tumingin dito.
_____&
Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰
BINABASA MO ANG
"THE MASTER'S OBSESSION" (TVDM #4)
БоевикAxel Nathaniel Berlusconi sya ang nangungunang pinaka magaling na hacker sa buong mundo. a heartless billionaire too and ruthless. at sya rin ang nangungunang mafia lord sa bansang pinanggalingan. at kahit kailan ay wala pa syang babaeng sineryuso d...