part 49

3.9K 108 11
                                    


SWEET ALORA (POV)



Ngayon ang huling araw ko dito sa Tagum city. At nandito ako ngayon sa construction site.

Dalawang linggo na rin simula ng bumaba si Jacob o mas tamang sabihin na si Axel sa pagiging Mayor. Ngunit subrang nag ngingitngit parin ang loob ko sa inis sa kanya. Alam mo Yung inis na kung nandito lang sya sa harap ko na bangasan ko na s'ya. Tragesss nya! Kung makaungol ang litsugass! Abot sa kabilang baranggay. Tapos magigising kana lang na nandon na sya sa Australia. Edi wow Diba.!

"Hoyy! Bakit parang Galit kana naman sa buong universe huh."?

Hindi ko pinansin si Vincie at nagpatuloy lang sa pag checheck sa ginagawa ng mga construction worker.

"How dare you!!! Where is my husband huhhhh."!!!!?

Napalingon ako sa babaeng subrang tinis ng sigaw. At napatikwas ang kilay ko ng mapagsino ito.

Anong ginagawa ng paniking ito dito. At Teka nga! Bakit nito hinahanap ang asawa nya Este asawa ko pala dito. Eh Diba sabay silang lumipad pa ibang bansa.

Hinarap ko ito, habang hindi binababa ang Isang kilay.

"What do you mean Kara." Mataray na tanong ko sa kanya. "Ngayon ko lang nalaman na hanapan na pala ng nawawalang asawa ang construction site."! Dugtong ko na mas lalong kinagalit ng Mukha nito.

"Hayop ka bitch!! Ilabas mo ang asawa ko!! Jacob!! Come out hubby please!! I'm here honey please come out." Histirical na sigaw nito.

One hundred one percent, Confirm! May tililing nga ang paniking ito. Sa akin ba naman hanapin ang litsugass na yon! Eh Diba sila ang magkasama.

"Pwede mong libutin ang buong building Kara! Kung gusto mo. Dahil Wala dito ang hinahanap mo. At Isa pa nakakasturbo ka sa mga trabahante dito." Seryusong saad ko, ngunit bigla akong napa atras ng maglakad ito palapit sa akin at parang turong galit na galit at handa na akong sungayin.

"Hayop kaa!!! Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito."!!!!!

Hindi ako nakakilos ng bigla nalang ako nitong sabunutan. Pariho kaming natumba kaya agad ako nitong dinaganan.

"Putaaaa ka!!! Bitawan mo ako."! Malakas na sigaw ko at sinabunutan din ito.

Lugi ako sa laki nito, dahil hamak na mas malaman ito sa akin. Pero hindi ako patatalo sa paniking ito.

"Kung hindi dahil sayo!! Sana hindi ako iniwan ni Jacob sa Australia.!! Isa kang alikabok sa pagsasama namin bitch."!!!!

Bigla akong nahilo ng e umpog nito ang ulo ko sa seminto. Tragesss! Baka ako naman ang susunod na magka amnesia nito.

"Ayyy! O my god!!! Bitawan mo sya ma'am Kara.!! Hoyy kayo Dyan!! Tulungan nyo ako."

Kinurap ko ng ilang beses ang aking mga mata, dahil sa hilong nararamdaman. Masakit na rin ang anit ko dahil sa lakas ng pagkakasabunot nito sa akin.

"Kara! My god anak."!

Nakahinga ako ng maayos ng mawala si Kara sa ibabaw ko. "My god gurl! Ayos ka lang ba."?

"Oo Vince! Kita mo naman Diba! Ayos na ayos ako. Gusto ko pa ngang magtatalon dahil ayos lang ako eh." Nakangiwing saad ko. Insert the sarcasm.

"A-hh eh! Oo nga no." Nakangiwing saad din nito.

"What happened Kara!? Bakit mo yun ginagawa kay engineer."!

Pareho naming nilingon ni Vincie ang mag-ama ng marinig namin ang malakas na singhal ni governor na kararating lang.

"Tinago nya ang asawa ko daddy! Kailangang ibalik nya sa akin ang asawa ko dahil buntis ako."!!

Muntik na akong mabuwal dahil sa narinig. Mabuti nalang at nahawakan ako ni Vincie.

"N-nanabingi lang ako V-vincie D-diba."? Nauutal na saad ko, kasabay ng pangingilid ng mga luha ko.

"I'm pregnant dad.! Kailangan namin sya ng magiging anak namin."!!

Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. Dahil hindi nga ako nabibingi. Ang galing galing mo Axel! Nagka amnesia ka lang tukmol ka! Nakadalawang anak kana agad. Ang galing mo talaga! Ang sarap mong paramihin.

Pinunasan ko ang mga luha ko at seryusong hinarap si governor.

"I'm sorry to say this governor! But kailangan mo ng ipatingin ang anak mo para mabigyan ng assessment at ng hindi na makapanakit ng iba." Seryusong saad ko.

"I'm very sorry engineer! Ako na ang humihingi ng patawad sa ginawa ng anak ko. At gagawin ko rin ang suggestions mo. Maiwan na namin kayo." Governor said at inakay ang anak nya pa alis.

"Bitawan mo ako daddy hindi pa ako tapos sa bitch na yan."!!!! Pagpupumiglas ni paniki at pilit inaalis ang pagkakahawak ni gov. Sa braso nya.

Napatiim ang bagang ko ng maalala ang narinig kanina. "May Kilala ka bang mangkukulam Vince."? Nanggagalaiting tanong ko sa bakla.

"H-huh? A-nno wala akong K-kilala."

Kapag talaga pinagtagpo ulit ang landas natin Axel Nathaniel Berlusconi! Tandaan mo matitikman mo talaga ang kailalim-lalimang Galit ng asawa mo.!  Bulalas ko sa isip at nakakuyom at padabog na naglakad pabalik sa kwarto ko.





____&&




Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰

"THE MASTER'S OBSESSION" (TVDM #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon