part 41

4.3K 126 9
                                    


SWEET ALORA (POV)


Agad akong bumangon ng tumunog ang alarm ko. Okay naman ang kwartong binigay nila sa akin dito sa municipyo. Medyo nakakatakot nga lang dahil tatlo lang kaming natutulog dito, at nasa taas pa ng building ang mga kwarto namin. Si vencer Este si vencie pala dahil Isa itong bakla. Isa din itong engineer, at si molly na Isang janitress at inatasang mag linis sa mga kwarto namin.

Hindi na kami nakapag-usap ni mayor Jacob kahapon dahil may urgent itong lakad. At ngayon nalang daw namin pag-uusapan ang tungkol sa blue print about sa building na pinapagawa nito. Actually naumpisan na ang pag construct ng building kaso nag wala daw ang asawa nito doon at pinahiya ang dating engineer na babae kaya umalis ito. Well shinismis lang sa akin ni vincie kagabi kaya ko nalaman.

Kaya ngayon kailangan kong maging professional sa trabaho kahit alam kong maaapiktohan ako sa presinsya ni mayor Jacob. Oo magka mukhang magkamukha sila ni Axel. At kahit ipipilit kong si Axel ito ay hindi pwede dahil may asawa at anak na ito.

Kaya pipilipitin ko nalang ang sarili ko na hindi ito sa Axel. Kahit marami silang pagkakapariha.

Shit! Kailangan ko ng maligo dahil baka unang araw ko at malate agad ako. Tumayo ako at kinuha ang tuwalya ko at agad pumasok sa banyo at agad naligo. At matapos ang 30 minutes ay natapos na ako.

Paglabas ko ng banyo ay kumuha agad ako ng susuotin sa maleta ko. Isang maong pants at kulay puting threefourt ladies Polo at pangloob syempre.

Agad kong tinapos ang pagbibihis at nag-ayos ng mukha bago lumabas. Nagka gulatan pa kami ni vincie dahil sabay kaming lumabas sa pinto.

"Shulala! Ang ganda mo talaga gurl.!! Hayst! May karibal na naman ako sa mga nag gwagwapohang construction worker, Lalo na kay mayor."! Maarteng saad nito at umangkla sa braso ko.

Dyos kong bakla to. Kagabi pa lang kami nagka kilala feeling close na agad. Pinabayaan ko nalang ito, at ng nasa tapat na kami ng mayor office ay si vincie na ang kumatok.

"Kita nalang tayo sa canteen girl."!! Saad nito at iniwan ako. Napailing nalang ako at pinihit ang pinto, na sana ay hindi ko nalang ginawa dahil sa dalawang tao na gumagawa ng milagro. Fucking shit! Bakit ba ako nasasaktan ng ganito. Eh kamukha lang naman ito ni Axel at hindi ito ang asawa ko.

"Who the hell are you huh."!? Malakas na singhal ng babaeng kahalikan ni Mayor.

Inalis ko lahat ng emosyon sa mga mata ko at tumingin sa kanila ng seryuso. Be professional self.! Bulalas ko sa isip.

"Good morning ma'am and mayor.! I'm sorry to disturb your doing. But I'm here para sa blue print mayor." Casual na saad ko. At hindi ko alam kung bakit ganito ito tumitig sa akin. Titig na parang tinutunaw ako.

"You can see Diba!! May ginagawa kami kaya sana hindi ka muna pumasok."!! Matinis na singhal sa akin ng babae. At sa tingin ko'y ito ang asawa ni mayor. Hindi naman sa pag mamataas pero hindi ito kagandahan at dyos ko umaga pa lang pero punong-puno na ng kulorite ang mukha nito.

"I said I'm sorry ma'am.! Mag asawa kayo at may proper place para gawin ang ginawa nyo kanina.! And for your information ma'am! Oras ng trabaho ngayon kaya wala akong pakialam kung may ginagawa kayo ni mayor."! Seryusong saad ko, at nagulat pa ako ng bahangyang tumaas ang mga labi ni mayor.

"What the!! Who the hell are you bitch para sagot-sagutin ako ha!! Hindi mo ba ako kilala haa.! Anak ako ng governor."!

Oh kaya naman pala matapang ang loob ng paniking ito. Dahil anak pala ito ng governor. So what! Anak din Naman ako ni hudas kaya wag nya akong subukan dahil baka ilibing ko sya sa seminto.

"Enough Kara and go home."! Mayor coldly said.

Gusto kong matawa dahil bigla nalang nanlaki ang mga mata ni Kara David. Este ni Kara na asawa ni mayor.

"But hubby! Kinakampihan mo ba sya ha."! Naiiyak na saad nito.

Hesst! Subrang drama naman ng umagang to.!

"I don't want to repeat my words Kara."wika ulit ni mayor.

Gusto kong kumuha ng popcorn at umupo sa sofa at panuurin sila sa kanilang teleserye na may title na Ang paniking na inlove sa taong yelo.

Padabog itong naglakad pa labas at binangga pa ang balikat ko.

"Hindi pa tayo tapos bitch."! Saad nito bago tuluyang nakalabas ng pinto.

Sige lang paniki.! Wag mo lang e tyempo na may hawak akong Pala. Dahil baka maitarak ko sa malaking bibig mo.

"Feisty hmm."!

Tinaasan ko ng kilay ang magaling na mayor. At ang kaninang nakataas lang nitong labi ay nakangisi na ngayon.

"Peste din ang asawa mo olol."! Bulong ko at alam ko namang hindi nito narinig.



___& don't forget to vote readers 😊❤️




Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰























"THE MASTER'S OBSESSION" (TVDM #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon