SWEET ALORA (POV)
Hindi ako tumabi sa pagtulog kay Axel sa kama n'ya. Dahil hinanap ko ang kwarto ng anak ko at doon natulog. Kaya subrang tulis ng tingin nito sa akin ngayon at kulang nalang ay bugahan ako nito ng apoy. Ano sya siniswerte! Sya na mismo ang nagsabing bigyan ko sya ng Oras at panahon na maalala nya ako. Kaya hanggat hindi nya ako naaalala, didistansya na muna ako sa kanya.
Nandito kami sa hapag ngayon at nag aalmusal. Well kaming dalawa lang pala dahil maaga daw'ng umalis ang hari at Reyna, kasama ang anak ko.
Pang huling subo ko na sa sandwich na kinakain ko ng bigla itong magsalita. At sinlamig ng Antarctica ang tono nito.
"Bakit hindi ka sa kama ko, natulog kagabi."? Malamig na tanong nito, kaya tumirik ang mga mata ko.
"Para ano? Para may mangyari ulit sa atin.! At magigising ulit akong nasa kandungan kana naman ng iba. Siniswerte ka yata sa lagay na yon PRINCE AXEL."! Mapan-uyam na saad ko. At pinag duldulan pa ang salitang prinsipe.
Nakita ko ang pagtiim ng bagang nito. Kaya napailing ako at hinigop ang huling kapeng nasa tasa ko, bago tumayo at walang lingung iniwan ito.
Magkukulong nalang ako sa kwarto ni Leigh. Dahil pag dating ng hari at Reyna mamaya, magpapaalam ako para umuwi sa pilipinas. Doon na muna ako hanggang hindi pa ako naaalala ni Axel. Panatag narin naman ang loob ko, dahil alam ko kung nasaan ito at ang kalagayan nito.
Pipihitin ko na sana ang pinto ng kwarto ni Leigh, ng bigla nalang may matigas na brasong pumuloput sa beywang ko at pinihit ako paharap sa kanya.
"I love your braveness baby.! But I hated it! the way you turned your back at me." Maoturidad na saad nito at mas lalong dinikit ang katawan ko sa kanya.
Binura ko lahat ng emosyon sa mukha ko, na kinagulat nito ng husto. "At sa tingin mo ba mapapaamo mo ako ng ganun-ganun lang hubby hmm.! Well! I love you Axel! I really do.! Pero sa sitwasyon natin ngayon, kailangan na muna nating bigyan ng space ang mga sarili natin." Seryusong saad ko at kinalas ang mga braso nito at tuluyang pinihit ang pinto at pumasok.
Hindi naman sa nag-iinarte ako. Pero kailangan muna naming ayusin lahat. Lalo na si Kara, na alam kong hindi titigil hanggang hindi nya nakukuha si Axel. Dahil ama na nya mismo ang nagsabing baliw ito. Ayaw ko kaseng makampante lang at magsimula agad. Dahil limang taon akong durog na durog at ayaw ko ng maulit yun. Alam ko namang naiintindihan ni Axel ang pinupunto ko. At alam kung gagawa ito ng paraan para maayos ang lahat. Lalo na ang naging ugnayan nila ni Kara.
________
Pabagsak akong umupo sa sofa pagdating ko dito sa bahay namin. Yeah, kararating ko lang dito sa pilipinas dahil nagpumilit akong umuwi. Kaya hindi na ako napigilan ng Reyna at hari. At wala narin akong nagawa ng magmaka awa silang hihiramin na muna nila ang anak ko. Okay lang naman sa akin eh, at hindi na nila dapat pang mag maka-awa.
At si Axel! Hindi ko alam kung saan ito, dahil hindi ko na ito nakita simula kahapon ng huli kaming nag-usap. Hindi ko alam kung tama ba ang disisyon ko, dahil alam kung ang bawat disisyon ay may consequences. Kaya kailangan kong ihanda ang sarili ko at maging matapang.
Dahil sa mga iniisip, agad akong nilamon ng antok, dahil narin sa pagod at sa mahabang byahe.
Nagising nalang akong umaga na at kailangan na namang maghanda para pumasok.
Pagkatapos kong magbihis, ay agad akong bumaba at patakbong tinungo ang garahe. Hindi ko kase namamalayan ang Oras, dahil 15 minutes nalang at mag aalas otso na, At malilate na ako.
Agad kong pinaharurot ang kotse ko, papunta sa building ni Lucas kung saan ako nagtatrabaho. Alam kong magugulat ito sa pagpasok ko, dahil ang alam nila nasa Italy pa ako.
Pagdating ko sa parking lot ay agad akong bumaba sa sasakyan ko, at pumasok sa loob ng building. At agad kumunot ang noo ko dahil sa mga babaeng nadadaanan ko. Nakatulala ang mga ito at kumikinang ang mga mata at nag day dreaming.
Anyare sa mga 'to.? Sabagay ganito Naman talaga ang mga babaeng employee dito sa building ni Lucas eh, maliban sa akin. Na kapag nakakita ng gwapo ay parang binudburan ng asin ang mga pwet.
Napailing nalang ako at pumasok sa elevator ng bumukas ito. At kung may nag day dreaming na mga babae akong nadaanan, meron din akong mga crayolang makakasabay sa elevator dahil sa kapal ng mga make up.
Pinindot ko ang numero sa floor ng opesina ko, at nag cross arm at sumandal sa elevator.
"Oh my god! Kahit tapunan lang ako ng tingin ni master singko! Buo na ang araw ko."!
"Ako! Masilayan ko lang ang prinsipe ng buhay ko! Pwede na akong mamatay."
"Ako! Kapag talaga sinabi ni master dos na maghubad Ako! Gagawin ko talaga.! Kahit buntisin nya pa ako ng paulit-ulit okay lang sa akin! Basta sya ang ama."
Napangiwi ako sa mga pinagsasabi ng mga babaeng ito. Dyos ko maryuseeeep! Ng mga babaeng ito, kinilig din naman ako! Pero hindi naman katulad sa kanila.
Nang bumukas ang elevator kung saan ang floor na pinindot ko ay agad akong lumabas. Nananayo kase ang balahibo ko sa mga pinagsasabi ng mga babaeng yun eh.
Nakita ko si Lala na nakatayo sa labas ng opesina ko, at parang may malalim itong iniisip. At dahil may pumasok na kalukuhan sa isip ko gugulatin ko ito.
Walang ingay akong naglakad palapit sa kaibigan kong may pagka manyakis din. Paano ko nasabing may pagka manyakis ito.? Eh kase naman may pa himas Dede pa itong nalalaman habang kagat-kagat ang labi. Hula ko! Pinag papantasyahan na naman nito ang amo namin.
"Hoyyyy! Anong ginagawa mo huh"!!? Malakas na saad ko at tinapik ito sa braso, na kinagulat nito ng husto. Nabitawan pa nito ang folder na hawak kaya napabungisngis ako.
"Ayy! Putanginaaaa! Idiin mo pa boss."!!
Napahagalpak ako ng tawa! Dahil sa lumabas sa bibig nito. Napatakip pa ito ng bibig at nilibot ang paningin kung may ibang tao ba.
"Bweseet ka talaga lorangrang."!!! Singhal nito sa akin.
Pinunasan ko ang luha sa gilid ng aking mga mata dahil sa pagtawa.
"Napaka manyakis mo talaga Lala.! Pati boss natin pinagnan,- hmmm-p!
Hindi ko natuloy ang sasabihin dahil tinakpan nito ang bibig ko.
"Tumahimik kaaa! Bweseet kaa! Baka may makarinig satin." Impit na singhal nito, at kulang nalang ay pilipitin ang leeg ko.
______&
Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰
BINABASA MO ANG
"THE MASTER'S OBSESSION" (TVDM #4)
AcciónAxel Nathaniel Berlusconi sya ang nangungunang pinaka magaling na hacker sa buong mundo. a heartless billionaire too and ruthless. at sya rin ang nangungunang mafia lord sa bansang pinanggalingan. at kahit kailan ay wala pa syang babaeng sineryuso d...