ALORA (POV)
Katatapos lang ng klase ko at palabas na ako ng unibersidad ng biglang humarang sa daan ko si John.
"Ah-m! Hi Lora para pala sayo." Saad nito at inabot sa akin ang paper bag Na alam ko ay puro chocolate na Naman ang laman. Balak yata ng lalaking 'to na sirain ang mga ngipin ko eh.
"Diba sinabi ko na sayo jhon na hindi pa ako nagpapaligaw. Sayang lang ang effort mo kung wala lang namang pupuntahan." Prangkang saad ko sa lalaki. Ayaw ko kaseng paasahin ito. Kaya noong una palang binasted ko na ito. Ngunit sintigas yata ng bato ang bungo nito.
"Hindi ako titigil Lora! Hanggat hindi kita napapa oo." Saad nito at biglang tumakbo paalis.
Napailing nalang ako. At binitbit ang paper bag na binigay nito. Buhal na Naman ang bibig ni Susie nito sa kakakain.
Paglabas ko sa unibersidad ay agad akong pumara ng jeep. Medyo malayo kase dito ang DM restaurant.
Agad naman akong nakasakay at kahit siksikan ay kerii parin naman Basta makapasok lang sa trabaho.
Napangiwi ako ng tumapat ang paningin ko sa kaharap kong pasahero. Halos tumulo na kase ang laway nito habang nakatitig sa akin eh, at ganun din ang katabi nito na mukhang adik dahil sa subrang pula ng mga mata.
"Paraaa! Sa tabi lang Po."!! Saad ng katabi kong babae.
Nang makababa ang babae, ay napansin kong lilipat na sana ang lalaking kaharap ko. Ngunit nagulat nalang ako ng may lalaking tumabi sa akin. Ito 'yong lalaking nakatingin sa akin kanina pagpasok ko dito sa jeep. Dalawang pasahero ang pagitan ng layo namin, kaya nagtaka ako kung bakit bigla itong lumipat.
Nakasuot ito ng mamahaling black leather jacket, at itim na pantalon. May suot din itong mask at sumbrero kaya hindi ko makita ang Mukha nito.
A-at at subrang sarap sa ilong ang pabango nito na halatang mamahalin."Pare ako ang naunang lilipat sana Dyan naunahan mo lang ako.! Kaya pwede bang bumalik ka don sa upuan mo."!
Napatikwas ang kilay ko sa sinabi ng ungas sa harap ko.
"What if I don't."!
Wow,! Spokening dollar si kuyang mabango.
"Aba.! Maangas ka ahh."!
Hindi ko nagustohan ang inasta ng ungas na'to kaya sumabat na ako.
"Bakit kapa lilipat kung maayos kanang nakaupo d'yan. At kaya siguro lumipat si kuyang mabango para madali syang makababa." Mataray na wika ko.
Ngumisi ito sa akin, kaya mas lalo akong napangiwi ng makita ang naninilaw na ngipin nito. My god! Kailan pa kaya huling nag toothbrush ang ungas na'to.
"I layk you mor bebeh, dahil sa katarayan mo. Alam mo bang subrang Ganda mo haa. At subrang bagay tayong dalawa."
Gusto kong masuka sa sinabi nito. Umabot din sa ilong ko ang subrang baho na hininga nito.
"Hehe.! Sorry po kuya ha! may asawa na po ako eh! At anim na rin po ang anak ko. At buntis po ako ngayon sa ikapito namin."
Napakurap ito ng ilang beses na akala mo'y kinagwapo nito.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ng katabi ko kaya napatingin ako dito. Tumingin din ito sa akin kaya nakita ko ang napakagandang kulay abo nitong mga mata. At parang pamilyar sa akin ang mga mata n'ya. Umiwas ito ng tingin sa akin at tumingin sa dalawang ungas na kaharap namin.
"The goddess like her! Doesn't suit you cockroach."!
Napahagikhik ako sa sinabi ni kuyang mabango sa tabi ko. Subra naman ito manglait, tagos hanggang buto talaga.
Naagaw na namin ang buong attention ng ibang pasahero sa jeep. Narinig ko rin ang pagtawa ng iba dahil sa panlalait ng katabi ko.
"Anong sinabi mooo."!!
Napatakip ako sa aking ilong ng magtaas ng boses ang ungas sa harap ko. Dapat ang tenga ko ang tatakpan ko, dahil sa sigaw nito. Ngunit hindi ko talaga kayang sikmurain ang amo'y ng hininga nito.
Nakita ko sa unahan ang restaurant na pinagtatrabahuan ko kaya agad akong pumara kahit medyo malayo pa. Dahil baka bigla nalang akong mahimatay.
"Paraaaa! Sa tabi lang po kuyaaa."!! Sigaw ko sa driver.
Malalaki ang hakbang ko na bumaba sa jeep. Agad akong umikot para iabot sa driver ang bayad ko. Hindi na ako lumingon pa ng tinawag ako ni boy ungas.
Habang naglalakad, naamoy ko na Naman ang pabango ni kuyang mabango sa jeep. Dumikit na yata ang pabango n'ya sa ilong ko.
____&&
Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰
BINABASA MO ANG
"THE MASTER'S OBSESSION" (TVDM #4)
AçãoAxel Nathaniel Berlusconi sya ang nangungunang pinaka magaling na hacker sa buong mundo. a heartless billionaire too and ruthless. at sya rin ang nangungunang mafia lord sa bansang pinanggalingan. at kahit kailan ay wala pa syang babaeng sineryuso d...