part 42

3.9K 123 10
                                    

SWEET ALORA (POV)


Pagkatapos naming kumain ni vincie ay dritso na agad kami dito sa site para e follow up ang mga foreman. Kulang pa ang mga materiales kaya hindi pa mabilisan ang trabaho.

"Hoy! Tingnan mo nga si sir Jonas oh.! Kanina pa yan nakatingin sayo."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni vincie at nagpatuloy lang sa pag-aaral sa blue print na binigay ni mayor kanina.

"Nakikinig kaba Lora."! Ulit nito at mahinang kinurot ang bewang ko kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Oh sorry naman.! Pero girl hindi kana lugi kay sir Jonas! Mayaman na super papalicius pa." Wika ni vincie na parang binunburan ng asin ang pwet.

"Hala ka girl! Papunta sya dito."

Doon ko pa lang nilingon ang lalaking naglalakad papunta dito na may ngiti sa mga labi.

Nilibot ko ang paligid kung may nakakatawang bagay ba itong nakikita. Pero wala naman akong nakita kaya tumingin ulit ako sa sinasabi ni vincie na Jonas. At ganun parin ito nakangiti at mukhang ako naman ang tinitingnan nito. Mongoloid ba ang mamang ito,!

"Hi beautiful! Pwede bang makipagkilala sayo binibini." Saad nito ng makalapit sa amin.

Galawang playboy si kuya ah. Feel siguro ng ungas na'to kina angas nya ang piercing sa ilong nya.! Eh nagmumukha syang turo.

"I'm sorry sir! But I'm married." Saad ko at tinaas ang palad ko kung saan nakasuot ang weeding ring namin ni Axel. Napakurap ito ng ilang beses at napapahiyang ngumiti ng peke sa akin.

"Aws! I'm sorry! Huli na pala ako."

Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy nalang sa ginagawa.

"What are you doing here Jonas."!?

Hayst! Andami namang asungot! Mga pinsyonado yata ang mga tao dito dahil puro walang ginagawa.

"Oh! Napadaan lang ako Jacob, Nakita ko kase ang magandang binibining ito kaya napahinto ako."

Hindi ko sila pinansin at niligpit nalang ang Blue print. Mamaya ko nalang ito pag-aaralan at e mumonitor ko nalang muna ang ginagawa sa construction site.

"Kita nalang tayo mamaya vincie." Saad ko kay vince at agad naglalakad paalis ng hindi tumitingin sa likod.

"Subrang bastos mo naman babae.!! Nakapagtapos kaba talaga sa pag-aaral haa.! Hindi ka man lang marunong magpaalam sa nakakataas sayo haa."!

Napahinto ako dahil narinig ko ang boses ng paniki. Kasama pala ito ni mayor, kung alam ko lang, sana binuhusan ko nalang ito ng seminto at ginawang pader. At palagay ko'y ako ang tinutukoy nito.

Lumingon ako sa kanila. At dahil ginising nito ang maldita version ko, kaya pagsisisihan nito. Akala ba ng paniking ito na katulad ako sa mga babaeng pinahiya nito dito. Pwess ipapakita ko sa kanya kung gano kabangis ang anak ni hudas.

"Excuse me.! Ako ba ang tinutukoy mo ma'am Kara."? Nakataas kilay na tanong ko. At Nakita ko na naman ang pag taas ng mga labi ni mayor Jacob. Natutuwa ba ang litsugass na'to kapag may kaaway ang asawa nya.

"Sino pa nga ba.!! Tayo lang naman dito, at ikaw lang naman isa ang tumalikod sa amin ng walang paalam."!!

Napangiwi ako dahil sa lakas ng boses nito. Putaaa! Biniyayaan kase ito ng malaking bibig kaya palaging nakasigaw kung mag salita.

"Una! Hindi ako ang kausap ni mayor kaya hindi masamang umalis ako ng walang paalam. Dahil hindi naman ako kasali sa usapan nila. Pangalawa! Isa akong kilalang engineer dito sa bansa. Kaya wala kang karapatang questionin ang natapos ko, at hindi ka panginoon para tingalain ko . Pangatlo! Galit na galit ka kanina dahil na sturbo ko kayo sa ginagawa nyo ni mayor. Kaya hindi na ako nanghimasok sa usupan nila ngayon dahil baka isipin mo na namang papansin ako. And last but not the list.! Itatak mo sa utak mo na hindi ako katulad ng mga babaeng pinahiya mo dito.! Hindi paglalandi ang pinunta ko dito,! Kaya iwas-iwasan mong banggain ako gurl! Dahil hindi kita aatrasan."! Mahaba at seryusong saad ko bago sila tuluyang iniwan.

Nakita ko pa ang ibang construction worker na naghahakot ng seminto na puro nakanganga at nakatingin sa amin. At hindi ko narin pinansin ang taong pumalakpak sa likod ko. At nagpatuloy nalang sa paglalakad.

Wag na wag nya akong gagalitin lalo pa't mainit ang dugo ko sa kanya dahil asawa nya ang kamukha ng asawa ko.

"Hoy! Bweseet ka bakit mo ako iniwan doon.! Shutaaa ka gurl ang cool mo kanina at ang tapang mo. Alam mo bang pulang-pula si ma'am Kara kanina ha. Lalo pa't bigla nalang syang iniwan ni mayor Doon.! Ayun oh tingnan mo! Nagmumukha syang poste."

Hindi ko pinansin ang kadaldalan ni vincie na nakasunod sa akin ngayon. At pasimpleng nilingon si Kara. Kaya nakita kong nagpapadyak ito habang tinatawanan ni Jonas.





___& don't forget to vote readers 😊❤️





Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰














"THE MASTER'S OBSESSION" (TVDM #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon