part 28

4.2K 107 0
                                    

SWEET ALORA (POV)

"Alam mo ba ang nangyari sa mama mo bes."?

Napatigil ako sa pag inom ng juice, dahil sa tanong ni Susie. Umiling ako sa kanya dahil wala na akong balita Kay mama simula ng ibinta ako nito.

"M-may n-nangyari bang m-masama sa kanya Susie."? Kinakabahang tanong ko. Kahit naman kase sa kabila ng ginawa ni mama sa akin. Ay may nararamdaman parin akong pag-aalala sa kanya.

"Hayst! Nakulong ang mama mo bes, dahil sa pag didealer nya ng illegal drugs. At ang mas worse pa ay gumagamit din ang mama mo." Mahabang saad ni Susie.

Napabuntong hininga ako at nilagay ang baso sa mesa bago tumingin ng malungkot kay Susie.

"Alam naman nating pariho Susie na matagal ng ginagawa ni mama yon." Saad ko kay Susie at ngumiti ng tipid. "Mas mabuti narin yong nasa kulungan sya Susie, kay'sa nandito sya sa labas at gumagawa ng hindi makataong gawain. Ang importante sa akin ay maayos lang ang kalagayan n'ya at magkaroon sya ng disiplina sa sarili." Mahabang saad ko sa kaharap. At tumingin sa kawalan bago bumuntong hininga.

"Oo nga naman.! Teka nga lang, ano bang nangyari sayo at saan ka galing haa.! Bakit ngayon ka lang nagpa kita haa."!

Napangiwi ako sa lakas ng boses ni Susie na parang nasa kabilang kanto Ang kaharap nya.

"Hindi mo kailangang sumigaw babae.! At hindi ka maniniwala sa sasabihin ko. Kaya lumayo ka ng kunti sa akin dahil ayaw kung mahampas mo ng paulit-ulit." Nakangiwing saad ko. Kilala ko kase ang babaeng ito pag kinilig o hindi makapaniwala ay hahampasin ka ng paulit-ulit.

"Oh, don't worry kinalimutan ko na Ang old hobbies ko." Nakangising saad nito.

Inikutan ko muna ito ng eyeballs bago nagsimulang mag kwento.

Gusto kong matawa sa hitsura ngayon ni Susie dahil subrang nanlalaki ang mga mata nito, at halos himatayin narin ito pagkatapos kong mag kwento.

"H-hampasin mo n-nga ako bes, d-dahil baka n-nanaginip lang a-ako."! Nakatulalang bulalas nito sa akin.

At dahil masunurin akong bata, hinampas ko ito ng malakas sa balikat. Napapiksi ito sa ginawa ko at sinamaan ako ng tingin kaya hindi ko mapigilang mapangisi at tinaas baba ang kilay.

"Oh, may reklamo ka!? Ikaw ang nagsabi na hampasin kita. Kaya wag Kang mag reklamo." Nakangising saad ko sa kanya.

"Eh, bakit naman kase ang lakas haa."! Naiiyak na singhal nito sa akin.

Gusto ko ng humagalpak ng tawa, kaso pinipigilan ko lang. Dahil baka tuluyan na itong umiyak.

"Oh, sorry naman.! May kasamang ganti kase yon! Kaya napalakas." Natatawang saad ko.

"Bweseet ka talaga Lorang."!

"Ganun ba susieng! Salamat naman."! Dagdag pang-aasar ko sa kanya.

"Iwan ko sayong bruha ka.! Pero too bang kasal talaga kayo ni master kwatro.? Hindi mo ba talaga ako niloloko."?

Tinaasan ko ng kilay si Susie dahil sa tanong nito. Kailan ba ako ng sinungaling sa bruhang ito.

"Kailan ba ako nag sinungaling sayo haa.? At kita mo naman siguro to noh." Saad ko at tinaas ang Isang kamay ko kung saan nakalagay ang wedding ring namin ni Axel.

"O my god! Ang swerte mong bruha kaa."!

Agad nabura ang emosyon sa mukha ko dahil sa sinabi ni Susie. Oo ma swerte ako dahil kinasal ako sa sikat na billionaryo. Pero hindi ako dapat makapante dahil wala naman akong pinanghahawakan sa relasyon namin ni Axel. Tanging kasal lang kami sa papel at alam kong hanggang doon lang yon. At darating ang araw na mawawalan ng bisa ang lahat.

"May hindi kaba sinabi sakin bes."? Nagugulohang tanong ni Susie sa akin.

Ngumiti ako sa kanya ng mapait, Bago sinagot ang tanong nito.

"Mahal ko na s'ya Susie.! At hindi ko alam kung ganun din ang nararamdaman nya para sa akin." Malungkot na saad ko at agad umiwas ng tingin.

"Nandito lang kami ni mama, Lora kapag kailangan mo ng tulong. Alam mong parang anak na ang turing ni mama sayo at parang kapatid narin ang tingin ko sayo. Kaya kung hindi mo na kaya nandito kami para sandalan mo."

Nangilid ang mga luha ko dahil sa sinabi ni Susie. Kaya hindi na ako nag dalawang isip pa at agad yumakap sa kanya.

"Maraming salamat Susie." Madamdaming saad ko.

"O sya tama na ang drama. At tyaka Pala, nililinisan namin ni mama ang bahay n'yo. Dahil alam naman naming uuwi kapa eh." Susie said at ngumiti sa akin.

"Maraming maraming salamat talaga sa inyo Susie. Kung wala kayo ni tita, Hindi ko alam kung saan ako pupuplotin."? Saad ko.

"Hayst iwan ko sayo. Tapusin nalang nga natin ang pag memeryenda. Nang masamahan kita sa bahay nyo." Susie said.

Tumango nalang ako at ngumiti sa kanya ng matamis bago nagpatuloy sa pagkain.



___& don't forget to vote readers 😊❤️



Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰


"THE MASTER'S OBSESSION" (TVDM #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon