SWEET ALORA (POV)
Ramdam kong kanina pa may nakasunod sa akin. Ngunit sa tuwing lilingon ako ay wala naman akong nakikita.
Bumuntong hininga muna ako at dahandahang pumulot ng bato. Tingnan lang natin kung hindi umuwing may bukol ang kung sino mang sumunod sa akin.
Biglang umikot ang eyeballs ko nang makita ko sa unahan na maraming nag iinumang tambay sa tindahan ni aling bibang. Ang numero unong shismosa dito sa amin.
"Oy oy si Lora tingnan n'yo."
Hindi ko pinansin ang sinabi ni kado at nagpatuloy lang sa paglalakad.
"Oh ginabi ka na naman Lora. Marami kabang naging customer." Saad ni aling bibang at tumawa ng malakas. Ganun din ang ibang tambay.
Hindi ko parin sila pinansin at dinaanan lang. Bahala silang bumula ang bibig sa kakashismis.
"Ilang batuta naba ang nakapasok dyan sa butas mo Lora huh. Baka pwede mong pagbigyan ang anak ko! Kutang kota na kase yon sa kakakamay habang nakatingin sa picture mo." Mang boyet said.
Gusto kong takpan ang tenga ko. Para hindi marinig ang mga sinasabi nila. Pilit ko mang binabaliwala ang mga sinasabi nila ngunit hindi ko parin maiwasang masaktan. Alam kong matapang ako, pero tao parin akong may damdamin din at nasasaktan.
"Kumusta pala ang anak mong si Martha, mang boyet.? Balita ko naanakan ang anak n'yo at tinakbuhan ng nakabuntis. At kayo aling bibang,? Diba kumalat na dito sa baranggay natin, na ang anak ninyo na si gladice ay pumatol sa kanyang guro kaya tinanggal sa unibersidad."? Tanong ko sa kanila na kinatahimik nilang lahat.
"Ang galing nyong mamintas ng iba at Mang bintang.! Pero sarili nyong mga kahihiyan hindi n'yo nakikita."! Singhal ko sa kanilang lahat at agad umalis.
Hindi ko mapigilan sa pagtulo ang aking mga luha. Araw araw nalang ganito palagi.
Kumunot ang noo ko dahil may dalawang kotse sa labas ng gate namin na kawayan. "Mukhang may bisita na naman si mama." Bulalas ko at bumuntong hininga.
Mukhang sa sirang kubo na naman ni lolo ako tutuloy nito.
Pagpasok ko sa kawayang gate namin. Nanlaki ang mga mata ko ng sinalubong ako ni mama ng matamis na ngiti. Buong buhay ko ngayon pa ako nginitian ni mama ng matamis.
"Mabuti't nandito kana Lora.! Alam mo bang kanina pa naghihintay ang bisita natin haa." Mama said at hinawakan ang aking braso ng subrang higpit at hinila ako papasok ng bahay.
Bumungad sa akin ang Isang lalaki na mukhang nasa singkwenta na ang edad o higit pa.
Nakatingin ito sa akin na may pagnanasang mababakas sa mga mata. Bigla din itong ngumisi sa akin kasabay ng pagdila n'ya sa kanyang labi. Napangiwi ako sa ginawa nito. Akala siguro ng mamang 'to na kinagwapo n'ya ang ginawa. Eh nagmumukha syang adik na manyakis.
"Sya naba ang pakakasalan ko Linda.? Bakit hindi mo sinabing subrang Ganda pala ng anak mo.! Ede sana matagal mo nang nakuha ang dalawang million."
Napakurap ako ng ilang beses sa narinig. Napatingin ako kay mama, at bakas sa mga mata nito ang kasiyahan sa sinabi ng lalaki.
"A-anong ibig s-sabihin n'ya m-mama."? Hindi ko mapigilang mautal dahil bigla nalang dinagsa ng kaba at takot ang buong sistema ko.
"Ah, sya pala si Alfredo Ruiz, Lora. At sya ang mapapangasawa mo, dahil binili kana n'ya sa akin. At Simula ngayon sa kanya kana titira." Masayang saad ni mama sa akin.
Halos mabuwal ako sa sinabi nito. Ramdam ko rin ang biglaang pangangatog ng tuhod ko.
"N-nag b-bibiro lang po k-kayo mama D-diba."? Nauutal na tanong ko. Hindi parin naalis ang ngisi ng Alfredo daw habang nakatitig sa akin.
"Ano kaba,! Wag ka ngang mag drama.! Alam mo bang millionaryo si Alfredo haa.! Ano? aasahan mo nalang ba 'yang kapiranggot mong sahod sa pagiging waitress haa.! Matagal ko ng sinabi sayo na tumigil kana sa pag-aaral at humanap ng mayamang lalaki. Kaya ayan ako na ang humanap para sayo.!! Kaya wag kanang maarte kung ayaw mong makatikim sa akin."!
Tumulo ang mga luha ko dahil sa sinabi ni mama. Subrang sakit na mismong Ina mo ang magbibinta sayo.
"A-anak n'yo ba t-talaga ako m-mama ha.? B-bakit n'yo po ito ginagawa sa akin ha.! Tiniis ko lahat ang kababuyang ginawa mo dahil gusto kitang m-makasama. Pero bakit ga-gnito mama.? Malapit na po akong makapagtapos. M-maaahon na kita sa hir,-'
Hindi ko natapos ang sasabihin ng lumapat ang palad ni mama sa magkabilang pisngi ko.
"Wala kang karapatang questionin ako.! Pasalamat ka at binuhay pa kita.!! Isa kang salot sa buhay ko. Kaya sumama kana sa kanya."!
Napahagolhol ako sa subrang sakit. Gusto ko lang naman ng kalinga Ng Isang Ina, pero bakit ang hirap abutin.
"Dalhin mo na sya Fredo."! Mama said.
Bigla nalang may humablot sa magkabilang braso ko at marahas akong hinila palabas ng bahay.
"M-mama!! W-wag mong gawin 'to sa a-akin please."!! Malakas na sigaw ko at pilit na nagpupumiglas. Bigla nalang may tinurok sa aking braso ang Isang lalaking nakahawak sa akin kaya agad nanlabo ang paningin ko. Hanggang sa tuluyan ng dumilim.
"Mama"
____&&
Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰
BINABASA MO ANG
"THE MASTER'S OBSESSION" (TVDM #4)
AksiAxel Nathaniel Berlusconi sya ang nangungunang pinaka magaling na hacker sa buong mundo. a heartless billionaire too and ruthless. at sya rin ang nangungunang mafia lord sa bansang pinanggalingan. at kahit kailan ay wala pa syang babaeng sineryuso d...