SWEET ALORA (POV)
Tatlong araw lang kami sa isla at pabalik na kami ng maynila ngayon. At hindi ko alam kung bakit subrang tahimik na ni Axel simula ng kaganapan noong kasal ni Ayesha.
Sakay kami ng kotse nito, at nakatingin lang ito sa labas ng bintana at parang may malalim na iniisip.
Napailing nalang ako sabay buntong hininga. Alam kong hindi lang pagiging best friend ang nararamdaman ni Alice kay Axel. Dahil halata sa mga mata nito ang sakit ng sabihin ni Axel na kasal na sya. Ngunit ang hindi ko alam kung may special din bang nararamdaman ang asawa ko para sa babae.
"Pwede ba akong dumaan sa bahay namin Axel."? Pangbabasag ko sa katahimikan. Gusto ko rin kaseng bisitahin si Susie at ah-m si mama eh.
"Okay." Tipid na sagot nito at hindi man lang tumingin sa akin.
Napangiti ako ng mapakla sa inakto nito. dapat ko na sigurong sanayin ang sarili ko. Dahil mukhang sa pagdating ng best friend nito ay mababago na ang lahat.
Tumingin nalang din ako sa labas ng bintana, para iwaksi ang mga negative na iniisip.
Isang buwan nalang at gagraduate na ako sa college. At ang pangarap kong pag akyat ni mama sa stage kasama ako ay hanggang panaginip nalang. May ipon pa naman ako para sa pag titake ng exam. Kaya ang poproblimahin ko nalang ay ang mga subject kong hindi ko napasukan.
Nakita ko na sa di kalayuan ang eskinita papasok sa amin. Kaya agad kong inagaw ang pansin ng driver.
"Dito nalang po kuya." Saad ko sa driver at sinimulang kalasin ang seatbelt.
Agad naman itong huminto. Kaya nilingon ko si Axel, napailing nalang ako dahil mukhang hindi nito namamalayang huminto na ang kotse. Talagang abot hanggang Jupiter ang iniisip nito ah. Napailing nalang ako at agad binuksan ang pinto para bumaba.
Hindi ko na ito nilingon at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Narinig ko pa ang pag alis ng kotse, kaya natawa nalang ako ng mapakla. Mukhang mabibigo ako sa unang pag-ibig ko ah. Natatawang saad ko sa isip habang napapailing.
Tanaw ko na ang bahay nila Susie, ng bigla nalang may pumuloput na mga braso sa beywang ko at niyakap ako mula sa likod. Magpupumiglas na sana ako ngunit na amoy ko ang pamilyar na amoy nito kaya hindi ko natuloy ang pagpupumiglas.
"Fuck! I'm s-sorry mío dólcé,! I'm really sorry! May iniisip lang ako kaya hindi kita napagtuonan ng pansin kanina." Matamlay na saad nito, at pinaghahalikan ang leeg ko.
Kinalas ko ang kamay nito, at agad humarap sa kanya. Napabuntong hininga muna ako bago sinalubong ang kulay abo nitong mga mata.
"May problima ba Axel.? Napapansin ko kaseng parang ang layo na ng inabot ng isip mo."! Seryusong tanong ko sa kanya.
"Wag mo nalang pansinin mío dólcé hmm. It's just nothing! And susunduin nalang kita mamaya hmm. Take care always." Malambing na saad nito at hinalikan ako sa noo bago ako nilakumos ng halik sa labi. Nanlaki ang mga mata ko dahil baka may makakita sa amin. Itutulak ko na sana ito, ng kusa itong lumayo sa akin.
"Tí amó mío dólcé non ímportà ché cosà àccàdutó." (I love you my sweet no matter what happens)
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. Minsan talaga gusto kong batukan ang ungas na'to dahil sa sinasabi nitong lengwahe na hindi ko naman naiintindihan. Pero isa lang ang napansin ko, ang kaseryosuhan nito habang sinasabi ang mga salitang Hindi ko naman naiintindihan.
Ngumiti ito ng tipid sa akin, at hinalikan ako ng isang beses sa noo. Bago ako nito tinalikuran. Napailing nalang ako at nagsimula ulit maglakad.
Pagdating ko sa gate nila Susie. Ay agad akong dumungaw sa gate nila, dahil Mukha namang walang tao.
"Susie."!!! Malakas na tawag ko. Pero Wala nmang sumasagot.
"Susie."!! Ulit na tawag ko. Ngunit wala pa ring sumagot. Napabuntong hininga nalang ako at tatalikod na sana ng lumabas si Susie sa bahay nila na lulugo-lugo.
Hindi agad ako nito napansin dahil sa palagay ko'y kagigising lang nito. Tumingin ito sa gate kung saan ako. At gusto kong humagalpak ng tawa dahil para itong nakakita ng multo. Kinusot pa nito ng ilang beses ang kanyang mata, Bago titingin ulit sa akin.
"Para kang nakakita ng multo bruha."!! Nakataas kilay'ng saad ko sa kanya.
Patakbo itong lumapit sa akin. At pinisil ang pisngi ko bago ako sinabunutan.
Napangiwi ako sa ginawa nito. At pinabayaan lang ito sa gusto nya.
"B-bweseet kang b-babae ka!!! Alam mo bang pinahanap ka namin ni mama haaa.!! Subrang nag alala kami sayo. Lalo na ng mabalitaan namin na bininta ka ng mama mo haaa. Ilang Gabi akong walang maayos na tulog dahil sa pag-aalala sayo tapos bigla ka lang susulpot dito na parang walang nangyari sayo."! Umiiyak na sigaw ni Susie sa akin.
Hinawakan ko ang kamay nya at agad niyakap ng mahigpit. Gumanti din ito ng yakap sa akin, kaya ramdam ko ang panginginig ng katawan nito. At alam kong dahil ito sa subrang pag-aalala sa akin.
"I'm s-sorry bes. Oo may nangyari sa akin ng bininta ako ni mama. Pero Malaki ang pagpapasalamat ko ng may tumulong sa akin." Malumanay na sagot ko kay Susie.
Humiwalay ito sa akin. Kaya agad ko ng pinunasan ang mga luha nito.
"Tara sa loob.! Ipaliwanag mo lahat sa akin! Bruha kaaa."!! Susie said, kaya natawa nalang ako. At humawak sa braso nya.
"Tara! Kamarites." Natatawang saad ko.
___& don't forget to vote readers 😊❤️
Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰
BINABASA MO ANG
"THE MASTER'S OBSESSION" (TVDM #4)
AcciónAxel Nathaniel Berlusconi sya ang nangungunang pinaka magaling na hacker sa buong mundo. a heartless billionaire too and ruthless. at sya rin ang nangungunang mafia lord sa bansang pinanggalingan. at kahit kailan ay wala pa syang babaeng sineryuso d...