part 9

5K 163 5
                                    

SWEET ALORA (POV)

"Anong pumasok sa isip mo para pakasalan ako hmm. Para ba isali sa mga babaeng laruan mo lang.! Nakakatawa ka kung ganun master kwatro." Natatawang saad ko sa kanya. Ngunit hindi man lang nag bago ang kaseryosuhan ng mukha nito kaya napatigil ako sa pag tawa.

"Do I look like joking to you woman."?walang emosyong saad nito sa akin.

"P-pero bakit gusto mo akong p-pakasalan.? Alam kong narinig mo na kung anong klaseng pamilya ang pinanggalingan ko. At gusto kong sabihin sayo na hindi ako kasama sa mga babaeng pwede mong paglaruan master kwatro. Kaya itigil muna kung anong pinaplano mo." Seryusong saad ko sa kanya.

"So! sa matandang 'yon kaba gustong magpakasal.! Then my door is always open for you to come out." Malamig na wika nito, at pupunta na sana ito sa pinto para buksan nang agad kong mapigilan ang isang braso nito.

Total hindi ko naman s'ya gusto o mas tamang sabihin hindi ko naman sya mahal. So why not, kay'sa sa matandang 'yon ako magpapakasal. At Isa pa ligtas ako sa kamay ni master kwatro, dahil Isa ito sa kinatatakutang mafia boss. At kung sakali mang mag cross ulit ang landas namin ng Fredo'ng yon, alam kong mapoprotiktahan ako ni master kwatro.

"Okay deal. Pero kailangang pomirma tayo ng kasunduan." Saad ko sa kanya. Nakita ko ang pag Daan ng kasiyahan sa mga mata nito. Ngunit dagli ring nawala ng taasan ko ito ng kilay.

"Okay tomorrow will be our wedding day. Sa huwis na muna tayo magpakasal dahil busy pa ang mga magulang ko. Magpapakasal ulit tayo pag nakauwi tayo ng Italy, dahil Doon idadaos ang engrandeng kasal natin. Sa ngayon kailangan muna nating makasal nang sa ganun madala mo ng Ang apilido ko. At wala na ring pwedeng umagaw sayo. Because you are mine.! Mine alone."

Kumunot ang noo ko dahil sa binulong lang nito ang huling sinabi.

"Sleep again woman." Tipid na saad nito at tinalikuran ako para pumunta sa banyo.

Humiga nalang ulit ako sa kama at nag talukbong ng kumot. Tama ba ang desisyon ko. Tama bang pakasalan ko ang makapangyarihang tao. Ano nalang ang iisipin ng mga top fans ni master kwatro na nakakakilala sa akin. Alam kong sasabihin nila na Pera lang ang habol ko, na pariha lang kami ni mama.

Tumagilid ako ng higa, nang maramdaman ko ang pagtulo ng aking mga luha. Kung hindi ako magpapakasal kay master kwatro siguradong hahabulin parin ako ni Fredo.

Kinagat ko ang aking ibabang labi, para pigilan ang paglabas ng aking hikbi. Bakit ba nangyayari 'to sa buhay ko. Isa lang naman akong simpleng babae na gustong makapagtapos. Pero dahil sa kasakiman ni mama ng pera kaya nalagay ako sa alanganin.

Naramdaman ko ang pag bukas ng pinto ng banyo. Kaya pinikit ko ng maigi ang mga mata ko. Ramdam ko kase ang mga titig nito sa likod ko.

Kung ano man ang kahihinatnan ko sa mga desisyon ko ngayon, sana makabangon pa ako kung sakali mang ika lugmok ko ito.

Naramdaman kong umaga ang kabilang bahagi ng kama, at ganun nalang ang paninigas ko ng may matigas na brasong yumakap sa beywang ko. At mas lalo akong nanigas ng tumama ang hininga nito sa batok ko.

"A-axel." Bulalas ko nang dumampi ang mga labi nito sa batok ko.

"Goodnight sweetie." Saad nito habang nakasubsob ang mukha sa batok ko.

Hindi ako gumalaw o mas tamang sabihin na hindi na ako humihinga. Bweseet kase ang kumag na'to, Hindi pa nga kami kasal domadamoves na.

"Relax sweet and breath, wala akong gagawin sayo na labag sa loob mo." He said.

Pinakawalan ko ang hiningang kanina ko pa pinigilan.

Huminga ako ng malalim bago ko dahandahang pinikit ang aking mga mata.

" amó mío dólcé" bulong nito sa akin. Hindi ko man alam ang ibig sabihin nito, ngunit napangiti ako sa Hindi malamang dahilan.




_____&

Gusto kong humingi ng pasinsya readers,! Na king minsan hindi ako makapag ud. May time kaseng humahapdi ang mga mata ko, dahil sa subrang babad sa cp. Kaya pasinsya na talaga.😊 But don't worry Basta kaya kung magsulat mag uud Ako.😊😊


Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰

























"THE MASTER'S OBSESSION" (TVDM #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon