part 14

4.8K 120 3
                                    

SWEET ALORA (POV)


Pagpasok ko sa gate ay patakbo akong pumunta sa aking unang klase. Dinagsa din ng kaba ang dibdib ko na baka tinanggalan na ako ng scholarship. Pero sabi naman ni Axel ay nakausap na nya ang namumuno sa paaralang ito, at pwede na daw akong pumasok.

Marami akong nadaanan nakatingin sa akin. Lalo na ang apat na babaeng nasa unahan na subrang sama ng tingin sa akin.

Hindi ko nalang sila pinansin, at mas binilisan nalang ang lakad dahil tatlong room nalang at classroom na Namin.

Dadaanan ko na sana sila Gema, nicol, Sara at Jaica. Ngunit bigla nalang hinarang ni Gema ang paa nya at dahil mabilis ang lakad ko'y nag dive Ako sa sahig. Ramdam ko ang pag hapdi ng tuhod ko at mga palad ko kaya napatingin ako dito. Nginaaa talaga ng mga babaeng 'to! Kung hindi lang talaga mataas ang katungkulan ng ama nito dito sa paaralan namin malamang matagal na itong nakatikim sa akin.

"Oppps sorry.! Akala ko kase lampaso kaya pinatid ko. Paharang harang kase eh."

Maarteng saad nito. Agad akong bumangon at pinagpagan ang uniformy ko. Hinarap ko sila at Fekeng ngumiti sa kanila.

"Okay lang! Alam ko namang masyado lang kayong papansin kaya ginagawa nyo ito sa ibang studyante. At alam ko namang ang ikakasakit ng iba ay ikakasaya nyo."! Seryusong saad ko sa kanila at agad tumalikod.

"Hey!! Comeback here bitch.!! Wala kang karapatang pagsalitaan kami ng ganyan."!!

Hindi ko na ito pinansin, lalo pa't pinagtitinginan na kami ng ibang studyante. Nang marating ko ang classroom ko, agad akong pumasok. Mabuti nalang at wala pa ang professor namin. At kunti palang ang mga studyante dito sa loob.

Dumiritso ako sa upuan ko, at agad umupo para e check ang tuhod ko dahil ramdam ko parin ang panghahapdi nito.

"Bweseet talagang mga bruha na 'yon ansarap kalbuhin." Bulong ko dahil kaya pala mahapdi dahil nagkasugat talaga ang tuhod ko at may kunting gasgas din ang palad ko sa pagdive ko kanina.

"Anong nangyari my lora."?

"Ay putanginaaaa kang kabayo kaaaa."!

Agad kong tinakpan ang bibig ko dahil sa murang lumabas dito. Bweseet Naman kaseng lalaking ito bigla nalang susulpot.

"Kabayo ba ang tingin mo sa akin my Lora."? Malungkot na tanong ni jhon sa akin.

Napangiwi ako dahil sa paawa effect nito. Oo may itsura ang ungas na'to. Kaso nga lang feeling ko minsan kulang ito sa buwan ng pinanganak. Dahil subrang hirap nito makaintindi at nagmumukha din itong Bata sa subrang kulit.

"Pwede ba jhon! Wag kang susulpot na parang kabute dahil nagugulat Ako.! At pwede bang baguhin mo ang tawag mo sa akin dahil tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan."! Nakasimangot na saad ko dito at kumuha ng wipes sa bag ko para punasan ang sugat ko sa tuhod.

"Sinabi ko na sayo Lora.! Hindi kita titigilan hanggat hindi ko nakukuha ang matamis mong oo."! Seryusong saad nito sa akin.

Nag angat ako ng tingin para salubungin ang mga titig nito, Bago ko ito nginisihan at tinaas ang kamay ko na may wedding ring. Nakita kong natulala ito sa kamay ko kaya agad ko itong binaba.

"Wala kanang pag-asa jhon! Dahil kasal na ako. Kaya utang na labas! Tumigil kana."! Seryusong saad ko sa kanya.

Biglang nahabag ang damdamin ko ng makita ko ang pangingilid ng mga luha nito. At hindi ko mapigilang mapabuntong hininga at mapailing.

"I'm sorry jhon.! Alam kong may babaeng deserve sa pagmamahal mo. At Hindi ako ang babaeng 'yon." Malungkot na saad ko sa kanya.

Wala itong sinabi at agad akong tinalikuran. Kaya napabuntong hininga ulit ako.

Tumunog ang cellphone ko na binigay ni Axel sa akin kagabi. Agad kong kinuha ito para tingnan ang nag text. Napatikwas ang kilay ko dahil sa text message na dumating.

"I'm warning you mío dólcé! Don't let another man pass you by! Or else you got your first punishment."

Tumirik ang mga mata ko sa text ng magaling kong asawa. Yeah asawa na talaga dahil dumating na ang kopya ng marriage certificate namin kaninang umaga at rehistrado na ito.

Tumunog ulit ang message tone ko, kaya binuksan ko ulit ang text nito. Sya lang naman ang pwedeng mag text sa akin dahil number lang nya ang nakaregister sa cellphone na ito.

"Don't roll your eyes mío dólcé! Because my buddy is more craving of you."

Sarap talagang putulan ng dila ang talipandas na'to, dahil sa kamanyakan nya. At paano nito nalaman na inikutan ko ito ng mga mata.

Nilibot ko ang aking paningin at wala naman akong ibang nakikita kundi ang mga kaklase ko lang na puro busy sa mga ginagawa. Imposible namang makita ako nito sa CCTV na nasa taas ng board namin.

Hayst! Kunti nalang talaga at mapapatunayan ko na talagang stalker ko ito.



___&&&





Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰
















"THE MASTER'S OBSESSION" (TVDM #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon