part 26

4.5K 130 9
                                    



SWEET ALORA (POV)



Nandito parin kami sa gilid ng dalampasigan, dahil dito lang din naman ginanap ang reception ng kasal.

"Axel magbibihis lang ako sandali please. Hindi kase ako comfortable sa damit ko." Pabulong na saad ko kay Axel na mahigpit na nakayapos ang mga braso sa beywang ko.

"Okay! Sasamahan na kita." Sagot nito sa akin. Agad akong umiling sa kanya, dahil baka ma disgrasya pa ang bajayjay ko kapag sumama ito.

"Ako nalang,! Kaya ko Naman eh." Nakasimangot na saad ko. Tinaasan ako nito ng kilay, kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Stay here Axel, babalik din naman agad ako." Huling saad ko at agad tumayo.

May extrang damit naman ako sa kwarto namin ni Axel. Dahil kahit hindi ako maghanda ng mga dadalhin ko, ay always ready naman ang asawa ko. Mas perfectionist pa kase ito kay'sa sa akin eh.

Ilang sandali lang at nakarating na ako dito sa kwarto na inaakupa Namin ni Axel. Agad kong hinubad ang damit na suot ko. At dumiritso sa Cr. Kanina pa kase nangangati Ang Mukha ko. Hindi talaga kase ako sanay sa make up.

Binilisan ko ang kilos ko, at agad nag half bath. Pagkatapos ay agad akong lumabas sa Cr at nagpalit ng beach dress. Napatigil lang ako sa pagpapalit ng makarinig ako ng tunog ng helicopter. Kumunot ang noo ko at tinuloy ang pagbibihis bago dumungaw sa bintana para tingnan ang ingay sa labas. Nakita ko ang kaalis lang na helicopter, at sa palagay ko'y may hinatid lang dito.

Nagkibit balikat nalang ako at inayos ang sarili bago lumabas ng kwarto. At habang naglalakad, bigla ko nalang naalala si Susie at Lala. My god! Bakit bigla kong nakalimutan ang dalawang yon. Dadalaw nalang ako sa kanila pag nakabalik na kami ni Axel.

Paglabas ko ng bahay, ay ganun nalang ang paninigas ng aking katawan at pagkapako ng aking mga paa sa aking kinatatayuan dahil sa eksinang aking nadatnan.

May babae lang namang nakayakap kay Axel, habang nakapulopot ang dalawang binti sa beywang ng asawa ko at nakayakap ng mahigpit sa leeg nito. At ang masaya pa ay nakayakap din ang magaling kong asawa sa babae habang may ngiti sa mga labi.

Ang cute naman nilang tingnan. Para silang kalabaw at linta sa lunangan. Ramdam ko ng ang panginginig ng mga kamao ko dahil sa inis.

"L-lora."!

Napalingon ako kay yesha, dahil sa pag tawag nito sa akin. At doon palang din ako napansin ng magaling kong asawa, kaya agad nitong binaba ang linta, Este ang babae at nanlalaking mga matang tumingin sa akin.

"M-ío dólcé."!

Tinaasan ko ito ng kilay at inirapan. Yeah selosa Ako, dahil may special na akong nararamdaman sa kanya. Pero alam ko kung saan ilugar ang sarili ko. Lumapit si Axel sa akin, at pinulupot ang Isang braso sa beywang ko.

"Ah-m, mío dólcé! She's Alice doven. My best friend, from Italy. And Alice! This is my wife, sweet Alora." Pagpapakilala ni Axel sa amin sa isat-isa ng babae.

Nakita ko ang panlalaki ng mga mata nito, at hindi ko alam kung bakit parang gulat na gulat ito. Napaatras din ito ng isang beses at napatakip ng bibig.

"W-what do y-you mean w-wife nath.?

Muntik ng tumikwas ang kilay ko dahil sa tanong nito. Bakit ba parang Ang hirap paniwalaan ng babaeng ito na kinasal na ang Best friend n'ya daw.

"Yes Alice. We're married, and sorry for not telling you. But don't worry we're going to married again to Italy, so you can come and congratulate us."  Axel said.

Hindi ko inalis ang tingin sa babae, kaya kitang-kita ko ang pag ngiti nito ng mapait. Bago ngumiti ng peke kay Axel.

"W-wow! Congrats nath.! Nakakatampo ka naman. Kinalimutan mo talaga ako at hindi inimbita huh."

Tuluyan na talagang tumikwas ang kilay ko. Marunong pala itong mag Tagalog, Hindi kase halata sa Mukha nito. Dahil halata sa hitsura nito na Isang pure blooded italiana.

Biglang tumawa ang katabi ko. Kaya napalingon ako dito, sa akin din pala ito nakatingin kaya nagka salubong Ang mga mata namin.

"I know nagtataka ka mío dólcé kung bakit marunong syang magsalita ng tagalog. Well sabay kase kaming nag-aral ng tagalog language mío dólcé that's why."

Tumango ako kay Axel at hinarap ulit ang babae. Ngumiti ako dito ng tipid at inabot sa kanya ang kamay ko.

"Nice to meet you Alice." Nakangiting saad ko. Ngunit nawala ang ngiti ko ng hindi nito inabot ang kamay ko at lumapit kay Axel.

"I'm hungry nath.! Hindi mo ba ako pakakainin." Pabebeng saad nito kay Axel.

Nakita ko ang pagbabago ng emosyon sa mga mata ni Axel, Ang masayang emosyon nito kanina ay bigla nalang napalitan ng malamig na awra.

"Assess her boyet." Saad ng asawa ko at Hindi ko alam kong sino ang inutusan nito. Bigla nalang lumapit Ang Isang men in black sa amin at lumapit kay Alice.

"Let's go madàme." Saad nong boyet kay Alice. Na ngayon ay nangingilid na ang mga luha. Nakita ko rin sa gilid ng aking mga mata ang pag ngisi ni yesha habang nakatingin kay Alice.

"Let's go wife.! I know you're tired." Axel said at inalalayan akong maglakad.




__& don't forget to vote readers 😊❤️



Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰










"THE MASTER'S OBSESSION" (TVDM #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon