part 51

4.7K 144 30
                                    

SWEET ALORA (POV)

Kararating lang ng eroplanong sinasakyan Namin dito sa Italy at kunti nalang talaga hihimatayin na ako. Kase yung feeling na nalalabi nalang ang mga Oras mo. Yun yung nararamdaman ko ngayon.

"Are you okay mom."?

Nginitian ko si Leigh ng peke at agad umiwas ng tingin. Ayaw kong mag sinungaling sa anak ko, at sabihing okay lang ako. Dahil isang pitik nalang sa akin hihimatayin na ako.

"Where here Segnórinà."

"Let's go mommy." Saad ni Leigh at Ng leader ng mga kawal sa akin at hinila ako patayo. Nagpatianod nalang ako sa anak ko, kahit nagdadalawang isip pa akong bumaba.

Nang makababa kami sa eroplano, ay agad pumarada sa harap namin ang Isang Mercedes Benz. At ang nakakamangha pa'y may kasunod itong nasa sampong kotse na puro itim.

Napaatras ako ng bigla nalang bumukas ang pinto ng Mercedes Benz, at inilahad ng leader sa mga kawal Ang kamay nya para sabihing pumasok na kami ng anak ko.

"Let's go mommy! I'm so so excited to see mamita and Dada in person." Leigh said.

Kumunot ang noo ko dahil paano nito nalamang may Lola at Lolo pa ito. Eh hindi pa naman nito na memeet sa personal ang mga magulang ni Axel. At hindi ko rin alam kung alam ba ng mga magulang ni Axel na may anak kami.

"What do you mean see them in person baby."? Nagtatakang tanong ko. Hindi ko pa kase nasasabi sa kanya na may grandparents pa sya. Ang sinabi ko lang sa kanya ay tungkol sa pagkawala ng ama nya.

"Oh! I forgot to tell you mommy, that they always contact me through online." Baliwalang sagot nito.

"Really!? Then how long did they contact you."? Ulit na tanong ko. Kanina pa kase sinimulang paandarin ng driver ang sasakyan. Kaya nililibang ko nalang ang aking sarili para mabawasan ang kabang nararamdaman.

"I don't remember mom."? Nakasimangot ng saad ng anak ko. Siguro nakukulitan na ito sa akin.

Hindi nalang ako sumagot at umayos nalang sa pagkaka-upo at tumingin sa labas ng bintana.

Gusto kong mamangha sa tanawing nadadaanan namin. Pero kase nangingibabaw ang kabang nararamdaman ko. Kaya hindi ko magawang e appreciate ang tanawin.

Hindi ko alam kong saan na kami dito sa Italy dahil first time ko palang tumuntong dito. Basta ang nakikita ko lang ay ang malaparaisong tanawin na aming nadadaanan. Puro luntian lang ang makikita mo sa paligid at ibat-ibang kulay ng mga ligaw na bulaklak.

Biglang huminto ang sinasakyan namin kaya tumingin ako sa driver na nagugulohan. Ngunit ganun nalang ang gulat ko ng makita ko ang napakalaking gate sa harap namin. My god! Ito naba ang gate papuntang langit.! Bulalas ko sa isip. Kulay ginto ang kulay nito, at kahit yata ibinta ko lahat ng organs ko hindi ko pa mapapagawa ang ganitong gate.

Hindi ko na napansin ang pag andar ulit ng kotseng sinasakyan namin dahil sa subrang mangha sa gintong gate. Kaya halos himatayin ako ng makita ang mga kalalakihang nakapila sa dinadaanan namin na nakatayo at parang mga robot. Pero Hindi ang galaw nila ang nakakuha ng atensyon ko. Kundi ang mga baril na hawak nila.

Hindi ko na napansin na napahigpit na pala ang pagkakahawak ko sa kamay ni Leigh. Kung hindi pa ito nag reklamo! Malamang nagkapasa na ito dahil sa katangahan ko.

"You look pale mom."? Leigh said.

"H-huh!? Ah-m nothing baby." Nauutal na sagot ko, lalo pa't huminto na ang sinasakyan namin.

Ilang sigundo lang at bumukas na ang pinto sa gilid ko at dumungaw ang isang lalaki.

"Let's go Segnórinà." Saad nito at may pa bow effect pa.

Dahandahan akong lumabas ng kotse. Pagkatapos ay inalalayan ang anak kong makababa din.

Nilibot ko ang aking paningin, at halos kapusin ako ng hininga dahil for the first time of my life nakatungtong din ako sa isang palasyo. Tragesss! Isa ngang prinsipe ang asawa ko.

"Welcome to Italy my daughter in law! And to you my beautiful granddaughter."

Sabay naming nilingon ni Leigh ang nagsalita, at Nakita namin ang tatlong taong nakatayo di kalayuan sa amin.

Napako ang mga mata ko sa lalaking nakatitig sa akin ng malamig. At base sa nakikita kong emosyon sa mga mata nito. Hindi parin ako nito nakikilala.

Biglang uminit ang dungo ko, kaya ako na mismo ang umiwas ng tingin. Dahil baka hindi ko ito matansya at masapak ko ito sa harap ng mga magulang nya. Ang alam ko pa naman ay subrang hate ni queen Alisha na madungisan ang mukha ng mga anak nya.

Hindi ko napansin na nakalapit na pala si Queen Alisha sa amin, dahil nagulat nalang ako ng bigla ako nitong yakapin.

"I miss you my dear.! It's been so long since our last meeting." Queen Alisha said.

"It's nice to meet you too Que,'-

"Oh! Don't call me that name.! Just call me mom okay or else."

Hindi ako nito pinatapos sa pagsasalita. At ang kaninang kabang nararamdaman ko ay naging takot na dahil sa or else nito. Dahil baka Or else pugot ulo ang ibig sabihin nito.

"Let's go inside honey.! I know daughter in law and granddaughter is hungry." King Hopert said.

"Oh god I forgot! Let's go inside my dear." Saad ni Queen Alisha at lumapit sa anak ko at binuhat ito.

Sumunod nalang din ako sa kanila at hindi na pinansin ang asungot na hanggang ngayon nanunusok parin ang titig sa akin.

"How are you."?

Napahinto ako dahil akala ko robot Ang taong kanina pa nakatitig sa akin at ngayo'y nasa likod ko na. Nang makita kong nakapasok na ang anak ko at ang hari at Reyna ay naglakad ako palapit sa asungot at tinipon lahat ng lakas ko sa kamao ko. At ng makalapit ako sa kanya'y walang ano-ano'y malakas itong sinuntok sa sikmura. Napaubo ito sa ginawa ko kaya napangisi ako.

"I'm fine asshole!! Very fine! Fuck you."!! Mahinang singhal ko sa kanya at iniwan sya. Narinig ko ang malulutong na mura nito kaya mas lalo akong napangisi.




_____&


Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰











"THE MASTER'S OBSESSION" (TVDM #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon