SWEET ALORA (POV)
Alas 6 palang ng umaga kanina ay gising na ako, para mag handa sana ng breakfast namin ni Axel. Ngunit ang nakakatawa lang ay wala na ito pag gising ko. Kaya nawalan nalang din akong gana kumilos at kumain.
"Mag titake ka lang ng final exams sa mga subject na hindi mo napasukan Mrs, Berlusconi para sa final grades mo. At pagkatapos mong maisabmit Yun ay mag hihintay ka nalang sa result. At habang nag hihintay ka, kailangan mong umattend ng praktis para sa graduation nyo at para sa photo pictorial."
Hindi agad pumasok sa isip ko lahat ng sinabi ni professor Alvarez. Lalo na sa tinawang nito sa akin.
"Nakikinig kaba Mrs, Berlusconi."? Tanong nito sa akin. Kaya napatango nalang ako na wala sa sarili.
"O-opo P-professor." Sagot ko habang napapangiwi.
Paano ba naman kase tinaasan ako nito ng kilay. Nagmumukha tuloy itong panot na bakla.
"Okay! Puntahan mo nalang bukas si prof, Samson para sa final exams mo." Huling saad ni professor Alvarez at iniwan ako.
Napabuntong hininga nalang ako at napailing. Alam kung kagagawan ito ni Axel kaya hindi ako bumagsak, at binigyan pa ng final exams para sa mga subject kong hindi napasukan.
Tumayo nalang din ako para umuwi. Kailangan ko pang mag review, at Isa pa wala narin naman akong gagawin dito eh.
Agad akong tumayo at lumabas sa opesina ni professor Alvarez.
Paglabas ko sa unibersidad ay agad akong pumara ng taxi pauwi sa condo ni Axel. Alas 11 na, kaya kumakalam narin ang sikmura ko. Nakakainis kase ang litsugass na yun, hindi man lang ako ginising.
Napasimangot nalang ako sa inis. Minsan talaga nagiging isip bata ako. Napailing nalang ako at tumingin sa bintana ng taxi.
At saktong pag tingin ko sa labas ng bintana, ay tumama ang mga mata ko sa dalawang tao na naglalakad papunta sa kotseng nakaparada.
"T-teka lang m-manong, pake hinto Po Muna."! Laking pasasalamat ko ng agad namang nakinig si manong. Gusto ko lang linawin kung hindi lang ba ako namamalik mata.
Natawa ako ng mapait, kasabay ng pangingilid ng mga luha ko. Dahil hindi nga ako namamalik mata. Dahil Si Axel at Alice nga ang nakita kong masayang magkasama. Nakahawak pa ang magaling kong asawa sa beywang ng babae habang may ngiti sa mga labi.
"T-tara na po m-manong." Hindi ko mapigilang pumiyok habang nagsasalita, at ng maramdaman kong malalaglag na aking mga luha ko ay agad kong kinurap ng ilang beses ang aking mga mata.
Pinangako ko na kay Lolo noon, na wala ng makakakita ng kahinaan ko. Kaya hindi nila deserve na makita Yun.
"Ayos ka lang ba iha."?
Napatingin ako sa driver at ngumiti ng tipid bago tumango. "Opo manong." Saad ko at tumingin ulit sa bintana.
Kailangan kong mag fucos sa pag rereview ko. Kaya dapat kong baliwalain ang nakita kanina.
Ansarap kumain ngayon ng balbacua, at si Alice at Axel ang gawing pansahog. Ansarap nilang pagbuhulin.
"Nandito na tayo iha."
Hindi ko namamalayan na nadito na pala kami sa building ng condo ni Axel. Ngumiti ako kay manong driver at inabot ang bayad ko.
"Salamat po manong." Nakangiting saad ko at agad bumaba. Gutom na gutom na kase ako.
Ilang minuto lang ay narating ko na Ang unit ni Axel. Kaya agad akong pumasok at dumiritso sa kusina.
Mag kacup noddles nalang ako, dahil kung magluluto pa ako ay baka tuluyan ng mamatay lahat ng alaga ko sa tiyan.
Kumuha ako ng Isang cup noddles sa cabinet at agad nilagyan ng hot water. At habang naghihintay ay nilabas ko Muna ang laptop ko sa bag para echeck ang mga erereview ko. At kalalagay ko lang ng laptop sa mesa ng bigla nalang tumunog ang cellphone ko kaya muntik na akong mapasigaw.
"Putragess naman oh."! Bulalas ko at Sinagot itong hindi tiningnan ang caller.
"Ano"!? Singhal ko sa kabilang linya. Hindi ito sumagot at tanging buntong hininga lang ang narinig ko kaya nilayo ko ang cellphone sa aking tenga para tingnan ang caller.
Napatikwas ang kilay ko dahil sa pangalan ng taong tumatawag ngayon.
"Kung hindi ka magsasalita Berlusconi! Papatayin ko na ito."! Saad ko sa tumatawag at pipindutin ko na sana ang end button ng bigla itong nagsalita.
"Have you eaten."?
Natawa ako sa tanong nito. Napaka babaero naman ng litsugass na'to. Pagkatapos nitong edate ang best friend nya daw tatanungin pa ako na parang wala lang itong ginawa. Maka ganti nga sa bweseet na'to.
"Ah, yes! Sandali lang Axel haa! Papatayin ko na'to dahil kasama ko kase si jhon ngayon at kumakain kami ng lunch. Magkita nalang tayo sa Bahay, babye."! Saad ko at agad pinatay ang tawag.
Gusto kong gumulong sa sahig dahil dahil sa tuwa. narinig ko pa kase itong nagmura bago ko napatay ang tawag.
Tumunog ulit ang cellphone ko, at Walang ibang tumatawag kundi ang ungas. Kinuha ko ang cellphone ko at agad enoff. "Ganti-ganti lang pag may time." Bulalas ko habang natatawa.
___& don't forget to vote readers 😊❤️
Enjoy reading and please vote and follow for more free story 😊❤️🥰
BINABASA MO ANG
"THE MASTER'S OBSESSION" (TVDM #4)
AcciónAxel Nathaniel Berlusconi sya ang nangungunang pinaka magaling na hacker sa buong mundo. a heartless billionaire too and ruthless. at sya rin ang nangungunang mafia lord sa bansang pinanggalingan. at kahit kailan ay wala pa syang babaeng sineryuso d...