SWEET ALORA (POV)
Hindi ako nagtagal sa bahay namin, dahil agad akong sinundo ng taohan ni Axel.
Inaasahan ko namang hindi s'ya susundo sa akin eh, kaya hindi na ako nagulat.
Pagdating namin sa parking lot ng building kung saan ang condo unit ni Axel ay agad akong bumaba at hindi na hinintay pa na pagbuksan ako ng driver.
Naramdaman ko na kase ang pagod, at gusto ko ng humilata sa kama.
Pagpasok ko sa building ay sumakay agad ako ng elevator papunta sa unit ni Axel. Hindi ko alam kung nasa condo lang ba ito, dahil hindi naman ito nagtext sa akin na may pupuntahan gaya ng ginagawa nito pag umaalis.
Tumunog ang elevator hudyat na nasa pinindot kong floor na ako. Agad akong lumabas at pumunta sa pinto ng unit ni Axel at swenipe ang key card. Binigay kase sa akin ni Axel ang double key ng unit nya para Incase of emergency daw.
Pagpasok ko sa loob, ay subrang dilim pa ng paligid. At ibig sabihin lang ay wala dito si Axel at hindi pa nakauwi.
Napabuntong hininga nalang ako at binuksan lahat ang ilaw.
Alas 7 na ng gabi at nakapag merenda naman ako kina Susie, kaya matutulog nalang ako dahil pupunta pa ako sa skwelahan bukas.
Pagpasok ko sa kwarto namin ni Axel ay sa banyo agad ako dumiritso para mag half bath. At ilang minuto lang ay agad akong natapos at pabagsak na humiga sa kama.
Gusto ko nang ipikit ang aking mga mata, ngunit pumapasok sa isip ko kung anong ginagawa at kasama ni Axel ngayon. Mag aalas otso na ng gabi at imposibleng nasa opesina pa ito ngayon.
Nitong nakaraan ko lang din kase nalaman, na subrang yaman talaga nito at ilang kompanya ang pinapatakbo nito dito sa pilipinas at sa ibang bansa.
At kung dumating man ang araw na pagsawaan ako nito, ay wala akong karapatan na maghabol sa kanya. Dahil Isang hamak na hampas lupa lang ako at wala pang nararating sa buhay.
Dahil sa mga iniisip ay hindi ko namamalayan ang pagpatak ng mga luha ko. Alam kong maikling panahon pa lang ang pagsasama namin ni Axel. Pero subrang lalim na ng nararamdaman ko sa kanya. Dahil kung hindi pa malalim ang nararamdaman ko ay sana hindi ako nasasaktan ngayon sa isiping magiging anino nalang ako ni Axel pag dating ng araw na mag sawa na ito sa akin.
Hindi ko mapigilan ang paghikbi, kaya pinisil ko ng marahan ang aking ilong para pigilan ito.
Bakit ba subrang advance ng isip ko. Iyan tuloy advance din ang sakit na nararamdaman ko. Napailing nalang ako sa sarili ko dahil sa mga kabaliwan na naiisip.
Pipikit na sana ako. Ngunit naramdaman kong bumukas ang pinto ng kwarto namin ni Axel. At basi sa mabangong amoy na kumalat sa loob ng kwarto ay kilalang kilala ko kung sino ito.
Pinikit ko ng tuluyan ang aking mga mata para mag kunyaring tulog.
Naramdaman kong sumapa ito sa kama, kaya mas ginalingan ko ang kabaliwan ko, Este ang pag arte ko.
Muntik na akong mapakislot ng humiga ito sa tabi ko at niyakap ako mula sa likod, dahil nakatagilid ako.
"I'm s-sorry w-wife, I'm very sorry. H-hindi ko g-gustong g-gawin to, pero dahil pasan ko ang n-napakalaking r-responsibilidad kaya k-kailangan kong mag s-sakripisyo kahit i-ikawasak ko pa, para sa lahat."
Hindi ko naiintindihan ang sinasabi nito. Pero ramdam ko ang bigat at sakit sa mga salitang lumabas sa bibig nito. At lalo na sa pagpiyok nito habang nagsasalita.
"Axel." Bulalas ko sa isip.
Naramdaman kong malalim na ang paghinga nito, kaya dahandahan kong inalis ang kamay nito sa beywang ko. At humarap sa kanya.
Ilang dangkal lang ang layo ng mga mukha namin, kaya kitang kita ko ang bakas ng luha sa gilid ng mga mata nito.
"M-mahal na kita A-axel, at s-subrang lalim na ng p-pagkakahulog ko s-sayo. K-kaya sana s-sabihin mo agad sa akin kung ayaw muna para m-makapag h-handa ako." Mahinang saad ko sa napaka gwapong nilalang na natutulog sa harap ko ngayon.
Mas nilapit ko ang Mukha ko sa kanya. At sa unang pagkakataon ako mismo ang unang humalik sa mga labi nito. Alam ko naman kasing Hindi na ito magigising eh, kaya malakas ang loob ko.
Napapikit ako ng lumapat ang mga labi ko sa labi nito. At ilang sigundo lang ay agad kong pinaghiwalay ang mga labi namin.
"ikaw lang ang una at huli kong mamahalin Axel. At kung tutotol man sa atin ang tadhana, ay mananatili kanparin sa puso ko hanggang sa huling hininga ko." Bulalas ko bago ko pinikit ang aking mga mata.
___& don't forget to vote readers 😊❤️
Sa mga sumusubaybay sa kwento ni Axel at Lora. Maraming salamat po sa paghihintay sa pag ud ko. A DIOS AMIGO'S AND AMIGAGA'S 😊😊
Enjoy reading and please vote and follow for more free story 😊❤️🥰
BINABASA MO ANG
"THE MASTER'S OBSESSION" (TVDM #4)
AksiAxel Nathaniel Berlusconi sya ang nangungunang pinaka magaling na hacker sa buong mundo. a heartless billionaire too and ruthless. at sya rin ang nangungunang mafia lord sa bansang pinanggalingan. at kahit kailan ay wala pa syang babaeng sineryuso d...