part 7

5.4K 133 4
                                    




SWEET ALORA (POV)

Wala akong imik habang nakaupo sa tabi ni Fredo o tamang sabihin uncle Fredo. He's 57 years old, samantalang 24 palang ako. Subra sa kalahati ang age gap namin. At ang nakakainis pa akala mo'y bagits pa ito kung umasta. Ngiti dito at ngiti doon ang ginagawa nito habang ini entertain ang kanyang mga bisita. Yes kanya lang, dahil sya lang naman ang nagplano nito.

"Smile woman, kung ayaw mong masaktan na naman mamaya." Bulong nito sa akin.

Hindi ako umimik at tumingin lang sa kanya ng malamig. Kahit patayin mo pa ako mamaya hinding hindi ko susundin ang gusto mo. Piping Singhal ko sa kanya.

Masakit parin ang buong katawan ko dahil sa pambubogbog nito kagabi. At tinabunan lang din ng make up ang mga pasa ko sa mukha at ang sugat ko sa gilid ng labi, gawa sa malakas na sampal nito.

Kahit anong mangyari kailangan kong makatakas ngayon. Dahil sinabi nito sa akin kagabi na aalis kami ng bansa pagkatapos ng kasal. Ilang buwan nalang at gagraduate na ako. Ayaw kong masayang ang mga pinaghirapan ko dahil lang sa kagagawan ni mama. At sa ginawa ni mama sa akin ngayon nawalan na ako ng pag-asa para magbago s'ya. At sa ginawa din n'ya nawalan na ako ng respito sa kanya.

"Can I go to the ladies room." Mahinhin na wika ko kay Fredo. Tumingin ito sa akin na may pang aakusa kaya gusto kong ikutan ng mga mata ito. Dahil sa inis.

"Kung hindi ka naniniwala ay pasamahan mo ako ng mga taohan mo." Dagdag ko.

Suminyas ito sa dalawang taohan n'ya, na akala mo'y takas sa priso sa subrang dami ng mga tattoo.

Hindi ko na hinintay na makalapit sa akin ang dalawang lalaki at nagsimula ng lumakad. Hindi pa man ako nakakalayo ng bigla nalang hinablot ng marahas ni Fredo ang braso ko.

"Binabalaan kita babae."! Banta nito sa akin. Gusto gusto ko itong saktan at sigawan kung hindi lang sana ito gaganti kanina ko pa ito binugbog.

Hinablot ko ang braso ko at tinalikuran ito. Ramdam ko namang nakasunod sa aking ang dalawang taohan nito.

Pagpasok ko sa ladies room, humanap agad ako ng bakanteng cubicle. At agad pumasok ng makahanap ako. Agad kong Pinakawalan ang mga luhang kanina pa gustong lumabas sa mga mata ko. Bago ko pinakiramdaman ang labas ng cubicle. Maraming mga kababaihan ang nandito ngayon sa loob para mag retouch. Sasabay ako sa kanila ngayon palabas baka sakaling hindi ako mapansin ng mga taohan ni Fredo.

Pinunasan ko ang aking mga luha, at agad lumabas. Lumapit ako sa lababo para mag hugas ng kamay.

"Hoy! Alam n'yo bang nakita ko ang Isa sa Master'ios kanina.! My god halos himatayin ako sa subrang gwapo n'ya. Saan kaya makakabili ng gayuma ng maangkin ko na ang prinsepeng 'yon."

Napangiwi ako sa sinabi ng babaeng katabi ko dito sa lababo. Subra naman yata 'to kung mangarap ang babaeng to.

"Let's go na gurls. Baka nandito din sya sa party." Saad ng isa pang babae. So bisita pala sila ng fiance ko daw. Mabuti naman at hindi nila ako nakilala na fiance ni Fredo.

"Tara na.! Saad ng isa.

"Napansin n'yo ba ang fiance ni don Alfredo. Mukhang hindi s'ya masaya Diba. At subrang nasasayangan din ako sa ganda n'ya at pumatol lang sya sa matanda."

Nagsimula na silang maglakad palabas kaya sumunod ako sa kanila, Hindi ko nalang pinansin ang mga sinasabi nila kahit gusto ko itong itama.

Tinaasan ako ng kilay ng Isang babae ng siniksik ko ang aking sarili sa ginta nilang Lima. Mukhang hindi parin naman ako nito nakilala kaya tipid akong ngumiti sa kanila at agad ding yumuko ng makalabas kami sa ladies room.

Nakita ko ang dalawang taohan ni Fredo na nakatingin lang sa pinto ng ladies room at mukhang hinihintay parin nila akong lumabas. Mukhang hindi kase pamilyar masyado sa mga mamang 'yon ang mukha ko lalo pa't pariho kami ng damit ng dalawang babae na katabi ko ngayon.

Nang hindi ko na makita ang ladies room, agad akong humiwalay sa limang babae at patakbong lumiko sa isang hallway ng hotel.

Halos hindi na ako makahinga dahil sa subrang kaba. Lalo pa't subrang sakit ng katawan ko dahil sa pambubogbog ng hayop na 'yon.

Hinubad ko ang suot kong sandals na may 3 inches heels. Kailangan kong mahanap ang exit ng hotel kung saan ginaganap ang engagement party namin ngayon ng hayop na 'yon.

Mas lalong nadagdagan ang kaba ko ng makita ko ang dalawang taohan ni Fredo na palinga linga at may hinahanap.

"Ayon.!!!

Shitt! Nakita na nila ako, mas binilisan ko ang takbo at lumiko sa isa pang hallway para sana iligaw ang mga taohan ng fiance ko. Ngunit bigla nalang bumukas ang pinto ng kwartong madadaanan ko. At ganun nalang ang panlalaki ng mga mata ko ng bigla nalang may marahas na kamay ang humablot sa beywang ko at pinasok ako sa loob ng kwarto.

Pinikit ko ng mabuti ang mga mata ko dahil ayaw kong makita ang lalaking nakahawak ngayon ng mahigpit sa beywang ko.

"P-please! wag mo akong s-sasaktan p-please,! M-maawa ka t-tama na p-please."!

Pagmamakaawa ko, naghalo halo na Ang pawis, sipon at luha ko. Kaya alam kong nabura na ang make up sa Mukha ko, na syang tumatabon sa mga pasa ko sa mukha at putok sa gilid ng labi ko.

"Who fucking did this to you."! Malamig at walang emosyong saad ng lalaking nakahawak sa akin at ramdam ko rin ang nakakatakot na awrang dala nito.

Agad kong nakilala ang boses ng lalaking nakahawak sa akin, kaya agad kong dinilat ang aking mga mata. Nasilayan ko ang walang ka buhay-buhay na mga mata nito habang nakatitig sa akin lalo na sa sugat sa labi ko at mga pasa.

"I-ilayo mo ako nito m-master k-kwatro p-please.! M-maawa ka ilayo mo ako dito! P-papatayin n'ya ako."! Nanghihinang sigaw ko habang umiiyak.

"Merítavà dí móriré"

Hindi ko naintindihan ang sinabi nito, ngunit ramdam kong malalim at nakakatakot ang ibig sabihin nito.




______&

Merítavà dí móriré translation: he deserved to die.😊




Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰





"THE MASTER'S OBSESSION" (TVDM #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon