part 39

3.9K 122 3
                                    

SWEET ALORA (POV)


Apat na taon na ang lumipas simula ng sumabog ang eroplanong sinasakyan ni Axel. Pero patuloy parin akong umaasa na buhay pa sya at babalik sya sa amin.

Lahat kase ng pasaherong kasama nito ng araw na yun ay nakita na ang mga bangkay. Tanging ang katawan lang ni Axel ang hindi pa nakikita.

"Oyy Lora!! Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala."! Napalingon ako sa babaeng sumigaw at napailing nalang ako ng makilala ito. Nandito kase ako sa tabing dagat sa likod ng building na pinapasukan ko.

"Kailan ang alis mo papunta sa Davao city hmm."? Tanong nito ng makalapit sa akin.

"Mamayang hapon pa ang flight ko."? Malumanay na sagot ko at tumingin ulit sa malapad na dagat.

"Umaasa ka parin ba."? Tanong sa akin ni Lala. Oo magkatrabaho lang kami, Isa akong engineer at sa HR Naman ito.

"Hindi naman masamang umasa Diba.! Matatahimik lang siguro ang kalooban ko kapag nakita ko na ang bangkay nya o kung patay naba talaga sya.! Walang gamot ang binigay nyang sugat sa puso ko La, kaya aasa ako hanggat hindi ko napapatunayan na wala na talaga sya." Saad ko habang pumiyok.

"Magpakatatag ka Lora.! Andyan pa naman si Leigh."

Agad nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko ang anak ko. Tragesss!

"Mauna na ako Lala. Shit! Nakalimutan kong susunduin ko pa pala ito sa school." Saad ko at patakbong umalis.

"Shit! Palagi ko nalang talagang nakakalimutan na sunduin ito." Bulalas ko sa hangin at agad sumakay sa kotse ko ng marating ko na ang parking lot. Agad ko itong pinatakbo papunta sa private school ng anak ko.

Muntik na din itong mawala sa akin, noong nalaman ko ang nangyari kay  Axel apat na taon na ang nakakaraan. Mabuti nalang at hindi ako iniwan ng mga kabanda ng asawa ko ng araw na hirap na hirap akong bumangon sa pagka lugmok. Hindi narin kami nakatira sa dating condo ni Axel dahil lumipat na kami sa Bahay na pinagawa nito noon at balak daw nitong eregalo sa akin sa graduation ko. At si Lucas mismo ang tumulong sa amin sa paglipat. At ang mga companya naman nito ay tulong-tulong ang apat sa pagpapatakbo dahil sinabi ko sa kanilang wala akong alam sa business.

Tatlong taon narin akong nagtatrabaho sa companya ni Lucas bilang Isang engineer. At mamaya ang alis ko papunta sa Davao dahil sa bagong project ko. At mga isang buwan o mahigit bago ito matapos. Kaya bibisitahin ko nalang ang anak ko dito kada linggo. Maasahan ko naman si aling mayeth at si Susie sa pagbabantay sa anak ko eh.

Nang makarating ako sa labas ng school ng anak ko nakita ko agad ito Kasama si B1 at b2. Natawa ako sa anak ko dahil nakasimangot ang mukha nito at naka krus ang mga kamay sa dibdib. At hula ko inaway na naman nito ang mga bodyguard nito na dati ay ako ang binabantayan.

Pinarada ko ang kotse ko sa harap nila, At agad bumaba. At sinalubong ang anak ko ng tumakbo ito palapit sa akin.

"Bakit ang tagal mo mommy.! Natatakot na tuloy ang mga kaklase ko sa dalawang kapre na Yan."! Turo nito Kay b1 at b2 na nakasunod sa kanya.

"Baby alam mong may work si mommy. And please lang anak wag mong awayin palagi ang mga bodyguard mo. Sige ka nagiging halimaw sila kapag nagagalit." Mahinang saad ko at tumingin sa dalawang lalaki. Na parihong napailing dahil narinig pala nila.

"Really mommy."! Nanlalaking matang saad ng anak ko. Kaya napabungisngis ako.

"Yes baby! Kaya wag mo na ulit silang awayin okay." Natatawang saad ko at kinarga ito papunta sa kotse ko. Sa backseat na kami umupo dahil si B1 Ang mag dadrive ng kotse ko at convoy nalang kami ni b2 dahil may dala din itong kotse.

"Aalis na si mommy mamaya baby.! Kaya wag makulit at wag magpasaway kay ante mayeth at tita Susie okay." Malambing na saad ko, ng sinimulan ng paandarin ni b1 ang kotse.

"Tawagan mo po ako palagi mommy okay.! Dahil mamimiss po kita ng subra." Naglalambing na saad nito sa akin at pinasok ang Isang kamay sa suot kong blouse para paglaruan ang Isang utong ko. Breastfeeding kase ito, at nitong nakaraang buwan palang ito tumigil sa pag Dede sa akin, kahit wala ng gatas ang susu ko.

"Opo mahal ko." Sagot ko dito at pinahiga ito sa braso ko, dahil halatang inaantok ito.

Kung wala siguro ang anak ko, siguro baliw na ako ngayon.




___& don't forget to vote readers 😊❤️





Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰

                      "a z h e n a 17"





"THE MASTER'S OBSESSION" (TVDM #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon