part 13

4.8K 123 5
                                    


SWEET ALORA (POV)

Kanina pa kami nag babangayan ni Axel simula pa sa condo nya. Sinabi ko kase sa kanya na wag na syang mag abala na ihatid ako. Ngunit sintigas Pala ng bato ang bungo nito. Ayaw ko lang kaseng isipin ng mga kaklase ko na pumatol ako sa matandang mayaman para makaahon sa hirap kapag nakita nila akong bumaba sa sports car nito. Lalo na ang apat Kong kaklase na malaki yata ang inggit sa akin dahil napaka bully ng mga ito sa akin.

Habang nasa byahe kami papunta sa skwelahan ko. Hindi ko ito pinapansin at nakatingin lang sa labas ng bintana. Naiinis parin kase ako dito.

"Why you're so fucking quite hmm"?

Inikutan ko ito ng mga mata at hindi na pinansin. Bahala sya dyang mamuti ang mga mata.

Nakakatawa lang isipin na wala akong alam kahit kunti sa lalaking pinakasalan ko. Tanging alam ko lang sa kanya ay ang tunay nyang pangalan, at kabilang sya sa isang sikat na banda. At ang mas nakakatawa pa ay alam nito lahat tungkol sa akin. Lalo na ang edad ko, at ang tunay kong pangalan at ang pamilya ko.  Minsan nga naiisip ko Kong stalker ko ba ito o ano.? Napailing nalang ako sa mga iniisip ko.

Paano pag nalaman ng lahat na asawa ko na ang Isa sa subrang sikat na billionaryo. At ang masaklap pa ikinasal ito sa isang babaeng subrang baba ng tingin ng ibang tao dahil sa stado ng pamumuhay namin at anak pa ng- napabuntong hininga ako dahil Hindi ko kayang tawagin si mama kung anong trabaho meron sya. Wala din kaseng nakakaalam sa unibersidad na pinapasukan ko kung ano ang trabaho ni mama. Tanging alam lang nila ay scholar ako. Lahat kase ng nag aaral sa ANB ROYAL UNIVERSITY ay puro mayayaman.

Subrang swerte ko lang talaga dahil kahit hindi ako nag apply ng scholarship dito ay nakapasok ako. Hindi ko alam kung anong nangyari, dahil sa ibang university naman ako pumasa bilang scholar ngunit pinasa nila ako sa ANB ROYAL. Pinaglaruan ko ang sing-sing na nasa  daliri ko. At  Nakikita ko na di kalayuan ang gate ng unibersidad na pinapasukan ko.

Marami akong nakitang mga studyanteng kababa lang din sa mga kotseng sinasakyan nila kaya hindi ko maiwasang atakihin ng kaba.

"Pwede bang wag muna akong ihatid sa harap ng gate! Dito nalang ako." Mahinang saad ko kay Axel.

Ramdam kong kanina pa ito pa tingin-tingin sa akin. Ngunit Hindi ko lang ito pinagtuonan ng pansin.

"Why,? Are you ashamed of me."?

Tumirik ang mga mata ko dahil sa tanong nito. Sino bang babae ang magagawang ikahiya ang katulad nya kagwapong nilalang. Nakakainis talaga ang subrang advance nito mag isip.

"Bakit ba lahat nalang ng kilos ko'y negative palagi ang reaction mo Axel. Hindi ba pwedeng natatakot lang ako para sa sarili ko. Na baka anong isipin nila kapag nakita nila tayong magkasama or worse baka dumating pa sa point na umabot sa physicalan." Mahabang paliwanag ko sa kanya.

Agad nitong hininto sa gilid ng daan malapit sa gate ang sports car nito. At natulala ako dito ng bigla itong ngumiti sa akin ng matamis. Napahawak ako sa garter ng panty ko dahil feeling ko mahuhulog na ito. Shitt ang gwapo naman ng asawa ko.

"I am that handsome mío dólcé."? Nakangiting tanong nito sa akin.

Agad akong umiwas ng tingin dahil ramdam ko na ang pag init ng aking dalawang pisngi.

"Ohh don't be shy mío dólcé! Sayo lang naman ako.! Buong-buo at walang labis walang kulang."

Kailangan ko ng bumaba dahil baka langgamin kami dito sa loob ng sasakyan.

"Mauna na ako! At mag iingat ka sa pagdadrive pauwi." Saad ko dito para putulin ang ka cornyhan nito.

Bigla itong humalakhak kaya napanganga na talaga ako sa pagkakataong ito.

"A-ang g-gwapo mo po." Hindi ko na alam ang lumabas sa bibig ko dahil ang alam ko'y subrang nabibighani ako sa mukha nito kapag nakangiti o tumatawa.

"Oh fuck mío dólcé! You make me horny."!

Bigla akong napangiwi sa sinabi nito. Okay na sana eh. Dinugtongan pa ng kamanyakan.

"Ingat." Saad ko at agad binuksan ang pinto. Lalabas na sana ako ngunit agad nahawakan nito ang braso ko.

"Where is my kiss."?

Umikot muna ang mga mata ko, Bago ako tumingin dito at nginiwian ito.

"Wala yon sa kontrata ungas."! Saad ko at agad lumabas.

Hindi ko na ito pinansin kahit may sinasabi pa ito at agad tumakbo papunta sa gate at agad pumasok.


______&






Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰





























.






"THE MASTER'S OBSESSION" (TVDM #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon