SWEET ALORA (POV)
Halos hindi ko maigalaw ang balakang ko ng magising ako. Shit! Hindi lang Isang beses may nangyari sa amin ni Axel kanina. Kundi hindi ko mabilang.
Napatingin ako sa bintana ng kwartong kinalalagyan ko ngayon. At sa tansya ko'y alas dos palang ng hapon.
Napangiti ako ng maalala ang nangyari kanina. Ramdam ko kase ang pangungulila ni Axel sa katawan ko. Napatingin ako sa tabi ko para tingnan ang lalaking laman ng pusot isip ko.
Biglang nilukob ng kaba ang dibdib ko, dahil wala na ito sa tabi ko. Kaya kahit masakit ang katawan ko ay mabilis akong bumangon para hanapin ito.
Shit! Sana hindi totoo ang iniisip ko. "Axel."!!!! Malakas na sigaw ko habang pababa ng hagdan.
"Axel"!!!! Ulit ko habang binuksan ang lahat ng pinto.
"Shit! Shit! Saan ang sunog! Bumbero!! May sunog!! Shit ayaw ko pang mamatay."!
Napahinto ako, ng makita ko si Vincie sa sofa na parang wala sa sarili at kagigising lang.
"Anong ginagawa mo dito Vince."? Kunot noong tanong ko sa kanya.
"Lora!? Putaaa naman oh! Akala ko naman may sunog na! Dahil sa lakas ng sigaw mo. At nag tanong kapa talaga kung bakit ako nandito haa.! Dyos ko daii! Nandon sa labas si ma'am Kara kanina para sunduin si Mayor.! Dyos ko! Mabuti't Wala kang balat sa pwet, dahil kung nagkataon na meron at pumasok ang bruhang yon dito! Edi sabunot ang aabutin mong bruha ka.! At isa pa nagpajugjug ka talaga kay Mayor haa! Tapos iiwan ka lang sa eri."! Mahabang saad ni Vincie.
"A-anong i-ibig m-mong s-sabihin vinc."? Nauutal na saad ko, dahil sa takot na lumulukob sa buong sistema ko.
"Kaninang ala-una pa ang flight nila gurl! At binilin ka sa akin ni Mayor na hintayin daw kitang magising.! Shutangissss! Tatlong Oras na kaya akong naghi,-'
Hindi ko ito pinatapos at agad hinila palabas ng bahay.
"Teka! Ano bang nangyayari sayo."! Prutista nito kaya mas lalo ko itong kinaladkad papunta sa sasakyan.
"B-baka m-mahabol pa natin sila Vince.! Hindi sila p-pwedeng m-makaalis! H-hindi pwede! Asawa ko yon kaya hindi sila p-pwedeng m-makaalis ng b-bansa."!! Umiiyak na saad ko.
Napahinto ako ng malakas akong hilahin ni Vincie.
"Wake up Lora.!! Kaninang ala-una pa ang flight nila at mag aalas kwatro na ng hapon. At Isa pa gurl! Hindi nakakalimot ang puso. Oo sabihin nating may amnesia si Mayor Jacob gurl. Nakalimutan ka man ng utak nya! pero alam nating pariho na hindi nakakalimot ang puso. Alam kong pipigilan ng puso nya ang utak nya na sumunod sa gusto ni Kara. Pero Anong nangyari gurl! Iniwan ka n'ya pagkatapos nyang gamitin ang katawan mo."!
Napaluhod ako sa damuhan at napahagolhol. Tama lahat ang sinabi ni Vincie, kung talagang nakikila ako ng puso nito. Magdadalawang isip itong umalis. Panahon na ba para bitawan kita Axel.? Subrang nasasaktan na kase ako! Sa ilang taong pagkawala mo mahal ko hindi ako sumuko o nawalan ng pag-asa. Pero ngayon! Natagpuan nga kita pero Ikaw naman ang kusang lumayo sa akin.
Pinunasan ko ang mga luha ko at dahandahang tumayo. I need to be brave! May anak akong umaasa sa akin kaya kailangan kong maging matapang.
"Let's go Vincie! Bumalik na tayo sa municipyo." Malamig na saad ko at nag patiunang maglakad.
Hindi ko na muna iisipin ang love story namin ng tukmol kong asawa. Kailangang matapos na agad namin ang project ng sa ganun makabalik na agad ako sa maynila.
Nang pariho kaming nakapasok ni Vincie sa kotse ay agad nyang pinaharurot ang sasakyan. Habang ako naman ay nakatingin lang sa labas ng bintana.
Pag Ikaw nakaalalag tukmol! Kiiiber ka sa aking ungas ka.! Bulalas ko sa isip habang nagpupuyos sa inis.
Bweseet sya! Ang sarap pa ng ungol nya kanina tapos iiwan nya lang din pala ako. Nilagyan nya pa ng maraming kiss mark ang katawan ko.!
Tapos magigising nalang akong wala na sya at nasa Australia naa! Putragess ka Axel! Ansarap mong ipa kulam ungass ka.!"Ayos ka lang ba gurl.? Bakit parang lalamayan talaga ang taong nasa isip mo ngayon dahil sa sama ng awrang dala mo."
"Just drive Vincie! Wag mo nalang akong pansinin! Dahil baka Ikaw pa ang mapagbuntongan ko ng inis ko." Saad ko habang naka tiim ang bagang.
____&&
Enjoy reading And please vote and follow for more free story 😊❤️🥰
BINABASA MO ANG
"THE MASTER'S OBSESSION" (TVDM #4)
AksiAxel Nathaniel Berlusconi sya ang nangungunang pinaka magaling na hacker sa buong mundo. a heartless billionaire too and ruthless. at sya rin ang nangungunang mafia lord sa bansang pinanggalingan. at kahit kailan ay wala pa syang babaeng sineryuso d...