Unedited. Grammatical & typographical errors ahead.
—GABRIELLA
"Ano ba kasing nangyari?" Pambasag katahimikan ni Alexa. We are currently here in the studio halos kakatapos lang din ng photoshoot.
"Nagselos." Maikling sagot ko lamang sa kanya.
"Bakit at kanino? Ano bang ginawa mo?" Sunod sunod na tanong pa ni Alexa. Hindi ko na rin alam kung ano bang ginawa ko para magalit si Mara ng ganon sa'kin. Wala naman akong ginagawang masama.
"I don't even know the girl and malay ko bang may ganoong picture na lumabas." Kaya madalas nakakainis din talaga social media, may lumabas lang na picture andami ng kwento na naiimbento. Napaka toxic.
—
Meron kaming photogig para sa isang fashion event and after ng event may gaganaping after party. Hindi naman dapat talaga ako pupunta pero napilitan ako.
We're both invited sa after party. Unfortunately hindi na makakapunta si Mara, ayoko sana magpunta dahil wala rin naman siya. Mas gusto ko nalang sana magpahinga kaso ang sabi niya naman sa'kin magpunta na ko para proxy na rin niya.
"Babe, ikaw nalang muna pumunta, okay?" Paalala niya pa sa'kin
"Are you sure?"
"Oo naman, ano ka ba para namang first time mo magpunta sa ganito." Biro niya pa. Hindi ko naman first time, sa industriya na pinapasukan ko madalas ang mga ganito after ng mga events. Its just hindi lang ako mahilig sa ganito. Nakakadrain.
"Gusto mo hatid muna kita?" Offer ko pa sa kanya.
"No need, babe. Ate Caye will pick me up." Sagot nito sa akin. Maya maya pa at dumating naman din ang sundo niya. Humalik muna siya sa akin at bumulong na mag enjoy ako.
Na enjoy ko naman yung after party. I'm with my friends, tamang catch up and kwento ng kung ano ano. It's fun din naman. Medyo nakainom na din ako pero alam ko pa din naman ang ginagawa ko. Hindi ako masyado maglalasing because gusto ko pa makauwi ng maayos.
I just noticed this one girl na lapit ng lapit sa'kin. Hindi ko naman binigyan ng kung anong malisya. She's just being friendly. She's also fun to talk to. Medyo touchy lang pero wala naman akong dapat ikabahala. I'm loyal to my girl so sorry nalang sa kanya if may iba pa siyang balak.
Ilang araw nakalipas after ng party galit na galit na sumugod si Mara sa unit ko.
"Explain!" Binato niya yung phone niya sa'kin. Mabilis ko namang ipinulot ito at nakita nga yung mga pictures na kumalat sa social media. Someone took a photo of me and the girl, it looks like we were flirting and kissing.
"Baby.." I tried to stay calm. I should be calm, hindi makakatulong kung parehas kaming galit. "I swear to god this is not what you think it is.. This is nothing."
"Nothing? Hindi ko inaasahan na kaya mong gawin sa'kin 'to, Ri!" Alam kong nagtitimpi lang siya pero kitang kita naman sa mga mata niya ang galit.
"Mara, I swear hindi ko kayang gawin yan sa'yo." Never in my entire life I would do anything to hurt the person I love. "Yes, nakainom ako but hindi ko talaga gagawin yan."
"Sabihin mo lang sa'kin if ayaw mo na. Kung sawa ka na, kasi pagbibigyan naman kita." Naiiyak na ako. Sa tagal ng pinagsamahan namin hindi pa ba sapat yung assurance na binibigay ko? Sa tingin niya ba talaga ay magagawa ko ang bagay na yan sa kanya?
"Mara.." Hinawakan ko ang kamay niya pero pilit niya din itong inalis. "baby, please.."
"Hindi ko na alam. Ewan ko." Yan lang ang sinabi niya sa'kin at tuluyan ng umalis. Hindi niya man lang siya naniniwala sa akin. Sinubukan ko siyang habulin pero ayaw niya na talaga ako kausapin.
Tinawagan ko din yung iba na nakasama ko sa Party para tanungin kung sino kumuha ng litrato pero hindi din daw nila alam.
—
"Eh ano ng ginawa mo?"
"Pinuntahan ko, text, tawag. Kahapon pumunta ako ulit sa kanila mismo kaso nung lumabas may hawak ba naman na Chef's knife. Akala ko nga sasaksakin ako." Tinawanan lang ako ng magaling kong kaibigan.
"Don't worry sissy. Maaayos din ang lahat. Sa lahat ng nanligaw diyan kay Mara ikaw lang din ang niligawan at sinagot niya. Suyo malala ka nalang para mapatawad ka."
Tama din naman 'tong si Alexa, kailangan ko talaga gumawa ng paraan para makapag usap ulit kami ng maayos. Araw araw pa din naman akong nag me-message sa kanya, calls, minsan sumasagot siya, minsan hindi rin. Alam ko na ayaw niya pa ako makita. Nasasaktan na din ako pero ayoko siyang mawala sa'kin kaya hindi ako susuko.
"Ante, daan muna tayo sa bahay. May kukunin lang ako. Samahan mo muna ako." Pag aya naman ni Alexa, nag offer kasi siya na ihatid ako since coding ang sasakyan ko.
"Sure sure."
"Hello Ate Lexa!!" Sigaw ng bata ng makapasok kami sa bahay ni Alexa. May kapatid siya?
"Martin! What are you doing here? Sino kasama mo at paano ka nakapasok?" Sunod sunod na tanong niya sa bata.
"Kasama ko po si Ate."
"Where is sh--" Hindi na natuloy ni Alexa ang tanong niya ng meron naman isang babae ang nagsalita.
"Alexa! May kinuha lang akong papers, naiwan ko pala dito. Aalis na din kami, ihahatid ko pa si Martin." Dire diretsong sagot ng babaeng nasa harapan na namin.
Damn. If looks could kill malamang patay na ako. She's gorgeous. Napatitig nalang ako sa kanya lalo sa kanyang mga mata. She have this bluish gray eye color, a perfect proportioned lips, brown wavy hair and an hour glass body figure.
Kaano ano 'to ni Alexa? Is she also a model? An actress?
"Please stop eye fucking me." Bumalik lang ako sa wisyo nang magsalita ito. Hindi ko namalayan na medyo napatagal ang pag titig ko sa kanya. Maganda siya kaso may attitude and me eye fucking her? Excuse me, I just know how to appreciate beauty. Narinig ko nalang din ang tawa ni Alexa sa tabi.
"By the way, Gabriella.. This is Xenia my cousin.." Pakilala ni Alexa sa babaeng katapat ko ngayon. "and dear cousin, this is Gabriella, my friend."
"Hi." I greeted her. Rude naman kung hindi ko siya babatiin lalo na pinsan niya pala 'tong kaibigan ko. Tumango lang siya sa akin.
"Martin, let's go." Tinawag niya yung bata. "Cous, una na kami." Paalam niya kay Alexa then she look at me. "Nice to meet you, Gianna." Wala man lang ka emosyong emosyon na pagkakasabi niya sa'kin.
"Uhm..It's Gabriella." Pag ko-correct ko naman sa kanya. Who the hell is Gianna?? Ang layo ng Gabriella sa Gianna.
"Yea, whatever.. Alis na kami." Napaka rude naman nitong babaeng 'to. Sinundan ko siya ng tingin hanggang maakalis sila pero tumigil naman siya at tumingin ulit sa gawi namin at biglang ngumisi.
"Pag pasensyahan mo na yung pinsan ko." Pag hingi ng tawad ni Alexa para sa pinsan niya. "Ganoon talaga yun, wala din ata sa mood ngayon.. Magulo kasi buhay niya. Hahaha."
Hindi ko alam kung anong meron sa babaeng iyon pero pumasok ulit sa isip ko.
Dapat si Mara ang iniisip ko ngayon!
—
![](https://img.wattpad.com/cover/341423834-288-k693709.jpg)
BINABASA MO ANG
Fate
ChickLitA beautiful Japanese legend says everyone's little finger is tied to an invisible red string that will lead him or her to another person to whom the other end is tied and with whom they have an important story. Along your string, other people's thre...