A beautiful Japanese legend says everyone's little finger is tied to an invisible red string that will lead him or her to another person to whom the other end is tied and with whom they have an important story. Along your string, other people's thre...
"When is the right time to say I love you to a person?" Tanong ko sabay subo sa buko pandan na dessert. Magkakasama kaming apat dito sa family restaurant nila Katkat.
"I'm surprised na hindi mo pa nasasabi yan sa kanya ha." Sagot ni Kat.
"Oo nga, hindi mo pa ba mahal, beb? Eh halata namang may feelings ka talaga para sa kanya." Sagot ni Andrea. Ganoon na ba ako mukhang patay na patay kay Gabbi? Grabe naman. I like Gabriella, sobrang like pero never ko pa nasabi sa kanya yung words na madalas niyang sabihin sa akin, ayaw kong madaliin, gusto ko pag sure na sure na. Mahirap din kasi magbitiw ng mga salita dahil nadadala ka lang sa mga nangyayari at isa pa LDR kami ngayon, ni hindi ko pa nga siya nakakasama ng matagal ngayong may relasyon na kami at ayaw ko rin naman na first time ko sasabihin sa kanya tapos sa chat or call lang, mas maganda pa rin yung una pag sa personal.
"Sa tingin ko wala namang perfect time yan eh. Basta na feel mo lang." Sagot naman ni Terrence.
"Tama si Terrence, go with the flow, go with the vibes. If maramdaman mo then go for it." Pag sang ayon naman ni Kat.
Papasok na ako sa sasakyan ko ng lumapit sa akin si Andrea, kakatapos lang namin mag dinner at kanya kanyang uwi na kami.
"Xen, malapit na yung 3rd hearing ng case mo. May magpapakita sa'yo. Yan ang nabalitaan ko." Paalala sa akin ni Andrea.
"Bakit kailangan niya pa magpakita? baka pwede namang hindi na." Mas mainam at mas mapapadali kung hindi kami magkikita ng asawa ko.
"You know that he's been summoned by the court, right? He decided that he wanted to show up.. Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa kokote niya at bigla siyang pupunta. Sa totoo lang mas okay kung hindi siya aattend para mas hindi ka na mahirapan pero mag prepare ka nalang if ever. Remember the first trial?" Tumango ako. "Uulit na naman yung mga tanong na yun at mas lalaliman pa."
"Okay. Thanks, beshy."
"Mag relax ka muna, kausapin mo muna girlfriend mo para less stress ka, alam naman namin na stress reliever mo yun." Marahan akong natawa sa sinabi niya dahil medyo mag pagkatotoo. Makita ko lang kasi si Gabriella gumagaan na yung buong araw ko.
***
Gabbi💕
Send muna ako pacute na photo Baka kasi miss mo na ako 😝
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Me 🫠🫠🫠 Ang ganda ganda mo kaso nabubwisit ako sayo May balak ka pa bang umuwi?
Gabbi💕 😅 Where are you?
Me Still here at the gym pero tapos na din ako
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.