Unedited. Grammatical & typographical errors ahead.
Light 🔞 Some words may not be appropriate for young readers.
—XENIA
"Ano bang ginagawa mo diyan?" Sinilip ko siya sa studio room niya kasi kanina pa ako nakakarinig ng kung ano anong nagbabagksakang gamit.
"I'm looking for something." Sagot niya habang busy pa rin siya sa pagkalikot ng mga boxes. "Yes!" Itinaas niya ang isang film canister habang nakangiti. Napailing nalang ako sa mga ginagawa niya.
"Magluluto ako ng lunch, what do you want?"
"Chicken Curry." Mabilis niyang sagot habang naglalakad palabas ng studio room ng hindi man lang tumitingin sa akin, nakangiti at nakafocus lang siya sa hawak niyang film cannister. She's acting really weird. May lumuwag na tornilyo na ata sa ulo niya, nasobrahan na siguro sa kaka acting workshop.
"Love, nasa darkroom lang ako ha. I will be there for atleast an hour. Idedevelop ko kasi 'to." Pinakita niya ulit yung lalagyan ng film. "Katok ka muna if ever you want to go inside, okay?"
"Fine, sige magluluto na ako, tawagin kita pag kakain na."
"Thank you, love. Pa kiss muna, isa lang." Request niya pa, papalag pa sana ako pero mabilis niya na nahawakan ang mukha ko at bigla akong hinalikan sa labi at saka mabilis na nagtungo sa dark room.
Mabuti nalang nagkakaroon pa kami ng pahinga katulad ng ganito sa sobrang busy schedule, lalo na siya. Ang dami ring nagbago sa'kin simula ng makilala ko 'tong si Gabriella, mostly kapag free time ko kasi ay nasa labas ako, nagliliwaliw, madalas umiinom at naglalasing lang talaga, pero noong naging kami, madaming nag iba. We mostly spend time at each other's houses, doing chores, cooking, watching our favorite series, going to the gym, walking around hand in hand in the park, cuddling, sleeping together, talking, late night walks and long drives. She enjoys driving around using her baby bronco. It might be boring for others, but I love it. She makes everything enjoyable, peaceful, and calming just with her presence.
"Kinikilig ka na naman kay Mac." Sambit ko ng makita kong malaki ang ngiti niya sa harap ng T.V, kakatapos lang ng lunch and nanonood kami ngayon ng movie.
"Ang galing umarte tapos ang pogi pa, I'm a fan." Seryosong sagot niya natawa naman ako, ngayon ko lang kasi siya nakitang magkaganito sa isang actor. "Na meet mo na ba siya sa Japan?"
"Oo, ilang beses din. May same events din kaming pinupuntahan. Pogi talaga siya sa personal, love." Sagot ko.
"Pa video greet mo naman ako, mahal." Malakas ko siyang nahampas sa braso habang tumatawa, hindi ko inexpect na hihingi siya ng mga ganito. "Ano ba, love. Seryoso kasi." reklamo niya pa.
"Hahahahaha! Ikaw 'tong mag aartista eh, edi ikaw gumawa ng paraan." Pang aasar ko.
"You're a celebrity in Japan! And he's Japanese! Mas may connection ka! Dali na kasi!" Nakanguso niya pang pagrereklamo. Tumigil ako sa kakatawa at pang aasar sa kanya ng tumunog ang message notification ko sa phone.
Nabitiwan ko ang cellphone ko ng mabasa ko kung sino ang nagmessage.
"Mahal, okay ka lang? Anong nangyari sa'yo? Para kang nakakita ng multo diyan." Iniabot ni Gabbi ang phone ko na nahulog pero hindi ko kinuha ito sa mga kamay niya.
"Basahin mo." Utos ko sa kanya at sinunod naman nito.
"Mahal..." Nakita ko ang gulat at kaba sa kanyang mukha.
"She knows, love."
From: Mother
Hinahanap ka ng kapatid mo.
Dito ka mag dinner ngayon at Isama mo ang girlfriend mo.
Wala ka naman sigurong balak itago ang relasyon ninyo ni Gabriella.

BINABASA MO ANG
Fate
ChickLitA beautiful Japanese legend says everyone's little finger is tied to an invisible red string that will lead him or her to another person to whom the other end is tied and with whom they have an important story. Along your string, other people's thre...