Chapter 60

1.1K 38 9
                                    

Unedited. Grammatical and typographical errors ahead.






XENIA



"What the hell! We are not dating! We don't have any romantic relationship! My god!" Reklamo ko kay L.

Me and Harvey were not dating! Nung una, pinagbigyan ko siya sa dinner kasi ilang beses niya na ako ini-invite, nahiya naman ako na e-decline siya palagi. I thought that it will be a one time thing but nasundan siya ng ilan pang beses pero hindi naman lagi na kaming dalawa lang, madalas may kasama kaming iba!

I won't deny na nagkakasundo kami ni Harvey dahil parehas kaming mahilig sa sasakyan and we shared the same hobbies, yun na din yung reason kung bakit pa kami lumalabas together pero it's not a romantic date or kung ano pa man.

Yes, we are getting to know each other but as friends. Friends lang talaga. We are just hanging out, hindi naman ako informed na dating na din pala ang tawag sa makabagong getting to know each other your colleagues and friends.

Harvey is a good guy but he's not my type.

"Anong gagawin mo ngayon? Kalat na kalat sa social media ah, even sa T.V entertainment news."

"Ugh!! That's why I hate being with a celebrity!" Dami ko tuloy naalala lalo na nung nasa Japan ako. Once na nakita ko na kasama ko si ganito, ganyan, kalat na kalat na kaagad. Hindi ko naman inaasahan na pag naandito ako sa Pilipinas ay madadawit ang pangalan ko sa mga ganitong issues. Yung drifting career and community dito sa Pinas ay hindi naman gumagawa ng masiyadong ingay at issues, kalmado lang dito unlike sa Japan na sobrang sikat when it comes to that sport.

"Sabihin mo sa akin yan kapag hindi na kayo nagkabalikan ni Gabriella." Tumatawa niyang sagot. "Makapagsalita ka naman akala mo hindi ka sikat sa Japan, you're a celebrity din naman! And you're used to this kind of issues, para namang hindi mo naranasan yan before." Dugtong sagot niya pa sa akin. Binato ko nalang siya ng ballpen. Nababanas ako.

Yung relasyon namin ni Gabriella noon ay hindi naman masiyadong exposed sa entertainment industry kasi first of all, hindi pa siya ganoon kasikat dati. Oo, nakikilala na rin siya noon ng iilan pero hindi katulad ngayon na halos lahat ng tao pag nakita siya ay nakikilala siya kaagad.

Noon medyo malaya pa siyang nakakalabas at nakakagawa ng kung ano-ano. Pero ngayon sobrang nag iba na, kapag gusto niya mamasyal meron lang na specific malls na puwede niyang puntahan, kailangan may kasama siyang assistant or yung mismong handler niya. May security-driver din na lagi niyang kasa kasama. Pwede pa rin naman siya lumabas mag-isa pero dapat informed si handler kung saan siya pupunta para daw if magkaroon ng aberya ay mabilis na ma aksyunan.

Nung last day ng training nila ay hindi na ako nakapunta kasi busy rin naman ako sa trabaho ko. Naintindihan din naman nila and napag usapan na rin naman namin kasi yung tungkol sa schedule. After ng trainings nila ay nagstart na rin kaagad yung filming nila para sa movie. Once na may car scenes and stunts—specially yung kay Gabbi, dapat present ako palagi.

"Wala na ngang babalikan, ulit ulit. May girlfriend na yung tao, hayaan na na'tin siyang sumaya."

"What are you talking about? Gabriella has a girlfriend?" Tumango tango ako tas bigla namang tumawa itong si L. "Oh Xenia, Xenia, Xenia." Nababaliw na naman 'tong hudas na 'to.

"May sapak ka na naman."

"She's single."

"Huh? Single? How come? Eh she's living with her girlfriend nga!" I know it! It's on the news pa nga at kumalat sa social media, hindi man lang dinebunk ni Gabbi or ng PR Team ng WModels yung kumalat na news regarding her and Maxine.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon