Chapter 13

1K 39 0
                                    

Happy 1k reads!
Unedited. Grammatical and Typographical errors ahead
🔞SPG. Some words may not be appropriate for young readers.

GABRIELLA


Komportable akong nakaupo ngayon sa sofa dito sa living room, naka ON yung T.V pero hindi ko maintindihan yung palabas. May umiiyak tapos biglang may nagbarilan ni hindi ko kilala kung yung bida ba yung namatay. Bigla namang nag commercial, sinong lumabas? Si Mara. Pati ba naman sa TV ko siya pa rin yung nakikita ko. Pinatay ko nalang, nalulungkot lang ako eh. I grabbed the news paper beside me and quickly scanned it.

"Seriously?" Pati ba naman sa newspaper makikita ko pa din itong ex ko. Napabuntong hininga nalang ako wala naman akong magagawa, hindi ko naman pwede takpan lagi ang mga mata ko para lang hindi siya makita lalo na at nagkakatrabaho kami. Like today, Actually three days nang sunod sunod ang work ko na kasama siya and this will be the last for this week. I glanced at my watch, almost one in the afternoon.

Kinuha ko na yung bag and car keys ko sa lamesa at tuluyan ng umalis. Nagdrive ako papunta sa isang studio, Weekdays ngayon, medyo madaming bumabyahe may mga pasok ang nagwo-work sa office at marami ding estudyante ang nagbabyahe.

Habang chill akong nag dadrive meron naman isang sasakyang nag overtake, napakabilis magpatakbo! I suddenly remember Xenia, kung magpatakbo ng sasakyan parang laging may hinahabol.

Speaking of her, I really appreciate what she did for me. I didn't expect that she'll be giving me those kind of advice. Madalas lang siya mang-asar pero I think that's a part of her fun personality. At first I thought she's a shallow person but I was clearly wrong.

"Gabriella, hair and make-up then bihis na para makapag start na tayo ng shoot." Paalala sa akin ni Ate Pash. Hinahanap ng mata ko si Mara and nakita ko naman na nag aayos na din.

Nauna muna yung mga solo shots namin, madali lang naman, sanay na din naman ako mag pose sa camera medyo matagal ko na din naman kasing ginagawa ito. Sumunod naman si Mara.  Pagkatapos ng solo shots kailangan namin magsamang dalawa. Nakapwesto na kami parehas at ako naman ay nag iiwas ng tingin sa kanya. Medyo awkward na yung na fi-feel ko ngayon siguro dahil madalas ko siya makita kasama ng bago niya and most likely I'm still hurting.

Naghihintay lang kami parehas dahil may inaayos pa sa set-up. Nakiki-hum nalang ako sa music na tumutugtog sa studio habang busy pa yung mga nag aayos.

"R-Ri?" Tawag pansin sa akin ni Mara. Tumingin naman ako, bastos naman kung tatawagin niya ako tapos hindi ako sasagot or titingin man lang.

"Bakit?"

"Ahm, Yung sa party pala, makakapunta ka ba? Kayo pala.." Tanong naman nito sa akin. She texted me before kung kailan gaganapin yung party pero I never replied to her message. Medyo nagdadalawang isip kasi ako. Pero nabanggit ko naman din kay Xenia ito. I think this is the time para magkaron ng final descision if pupunta ba kami or hindi.

"Okay lang ba sa'yo? Kay Geoff? Maiintindihan ko naman kasi kung hindi talaga, I mean you really don't need to."

"I insist, Ri. I'm still your friend, hinahanap ka din ng iba and siya din gusto ka niya papuntahin." Weird but okay, bahala sila.

"Sure sige pupunta kami."

Nag start yung shoot naming dalawa, yung photographer panay sigaw ng closer, hawakan mo sa ganyan, dito, doon. Mabuti nalang parehas kaming professional kaya maayos yung kinalabasan ng photos. After ng shoot, nagbihis na agad ako. I'm famished. I'm craving for maki rolls and Pizza. Palabas na sana ako ng studio ng bigla may sumigaw sa pangalan ko.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon