Chapter 32

746 35 0
                                    

Unedited. Grammatical & typographical errors ahead.


XENIA



Gabriella Rivas:
Knock Knock

Ay jusko po, ito na naman po kami. Lagi siyang ganito, pero pinapatulan ko rin naman, minsan gusto ko nalang din batukan ang sarili ko.

Me:
who's there

Gabriella Rivas:
Britney Spears

Me:
Britney spears who

Gabriella Rivas:
Knock Knock

Me:
Who's there nga!

Gabriella Rivas:
ooops I did it again.
hahahahahha!🤪

Me:
jusko 🤦‍♀️

Gabriella Rivas:
I have another one!!!
Dali na!!
Hays 🙄
Okay fine, going back to work na
Our photog is being bitchy today. I wanna strangle him.
Laterss! 😙

Ibinaba ko na yung cellphone ko para mag focus dito sa kasama ko ngayon. Kasi pag nireplayan ko pa si Gabbi for sure ilang knock knock jokes pa ang matatanggap ko.

"Hindi ka ba talaga magsasalita? Huling beses kitang nakitang ganyan two years ago nung nategi si Momo, napauwi pa ako bigla non." Si Momo yung alagang doggie ni Terrence.

"Sana nga namatayan nalang ako ng kuko sa paa o kaya nalanta yung mga halaman ko."

"Eh ano ba kasing eksena mo? Parang luging lugi ka at ito pa tumutubo na yung bigote mo." Tinuro ko pa ang mukha niya. "Himalang hindi mo pa nashe-shave yan." Dugtong ko pa. Si Terrence ang isang pinaka metikulosong lalaking nakilala ko sa buong buhay ko. Ayaw niya rin ng makalat, madumi, lukot na damit at hate niya kapag tinutubuan siya ng kahit ano sa mukha niya dahil mas gusto niya raw pag baby face siya.

"Bakit mo ba kasi binigay yung number ko!!" Ah, oo nga pala, nagtampo pa sa'kin ito dahil nga ibinigay ko kay Eli yung number niya. Inabot niya sa akin ang phone niya.

"Ang kulit eh." Sagot ko habang abala ako sa pagbabasa ng message ng babae sa phone niya. "Grabe deads na deads talaga sa'yo tong merlat na 'to ah."

"Ewan ko ba diyan sa babaeng yan, ayaw ako tigilan. Para siyang lintang dikit ng dikit"

Habang nanonood lang kami sa T.V na hindi namin maintindihan kung saan patungo ang storya. Ito naman katabi ko ay tumingin sa akin na para bang hinuhusgahan ang buong pagkatao ko.

"Ano?"

"Stress ka 'no? Ganda..haba ng hair..." Pang aasar pa nito sa akin. "Naguluhan ka 'no?"

"Oo. Kahit kasi pinipigilan ko, lapit pa din ng lapit." Sagot ko sa kanya, alam niya na rin siguro kung ano at sino ang tinutukoy ko.

"Tapos kukulitin ka pa, kahit ilang beses mo ng sinabi na hindi ka ganoong klase ng tao pero mapilit pa din." Sagot niya. Hindi ko na rin siya kailangan tanungin dahil alam ko din kung anong tinutukoy niya, ganito naman kaming magkakaibigan kahit tahimik lang alam ang pinagdadaanan ng isa't isa.

"Tama. Lagi na akong tumatakbo pero nahahabol ako." Sagot ko pa.

"Ngayon, hindi mo na alam kung paano mo lulusutan kasi nagugulo na din pati yung nararamdaman mo." Tumango tango naman ako sa sinabi nito.

"True." Parehas nalang kaming napapailing at natatawa sa mga dinadanas namin ngayon.








***

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon