Chapter 11

611 26 2
                                    

Happy 800 reads! Thank you for supporting! <3
MALIGAYANG ARAW NG KALAYAAN!!

Unedited. Grammatical and typographical errors ahead.



XENIA

Nagmamadali akong magmaneho papunta sa Restaurant kung saan kami magkikita ni Vince ngayong gabi. Ito yung dinner na ipinangako ko sa kanya. Alas siete ang usapan namin kaso mukhang inabutan ako ng kamalasan, kailan ba hindi magiging traffic sa Edsa? Anong oras na din ako nakaalis sa cafe dahil sa kalokohan ni Gabriella.

"Shit! Kainis!" Napasigaw na ako sabay busina ng ilang beses. Naka GO sign naman na pero hindi pa din umaandar ang mga sasakyan sa harapan ko. I checked my phone para tawagan or imessage man lang sana si Vince but to my dismay, dead batt ako. Wala pa man din akong dalang charger dito sa sasakyan. "Damn it."

Ito na sana ang araw na pagbibigyan ko si Vince sa gusto niya at para na din siguro sabihin na meron akong girlfriend na sigurado akong ikakagulat nito.

Fake girlfriend, of course. Pero hindi ko naman sasabihin iyon sa kanya. Na realize ko na meron din naman akong mapapala sa pangpapanggap na ito. Hindi na ko guguluhin pa ni Vince. I checked my watch, it's 9:45PM, pinaharuruot ko na yung sasakyan ko ng makita ko siyang lumabas na ng restaurant. Dali dali akong bumaba ng sasakyan para harapin siya at nakita ko naman ang gulat sa kanyang mukha.

"Vince, I'm so so sorry." Paghingi ko ng paumanhin. Hindi naman ako ganoong kasamang tao para hindi mag sorry sa kanya at isa pa pinangako ko itong araw na 'to. "Sobrang traffic." Lame excuse. I know, pero iyan ang totoo.

"Kung talagang ayaw mo, sana sinabi mo nalang ulit. Tinanggihan mo nalang ulit sana ako. Sana man lang tumawag ka o kaya nag message, hindi naman siguro mahirap gawin 'yon. Pwede rin ipasabi mo sa mga kaibigan mo para naman hindi na ako naghintay." Kalmado pero ramdam ko ang inis sa bawat bigkas ng salita niya. Expect ko na din naman na magagalit siya sa akin, sino ba namang tao ang matutuwa kapag pinag hintay mo ng tatlong oras.

"Dead batt na--" Hindi ko pa man din tapos ang sasabihin ko sumingit na siya

"Alam mo sa lahat ng nakilala ko, hindi ko alam kung bakit ako sa'yo nagkaganito. Madami silang sinasabi tungkol sa'yo pero hindi ko lang pinakinggan, hinayaan ko." Nakita ko ang isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.

"We both have this bad reputation, alam mo yan. Pero gusto ko lang din naman humingi ng isang araw o kahit ilang oras lang para magkakilanlan tayo, nagbabaka sakali lang naman ako na baka sa ilang oras na 'yon ay malaman mo na seryoso din naman ako sa'yo."

Napatigil ito sa pagsasalita ng ilang minuto para lang tignan ako, hindi ko naman alam ang sasabihin ko ngayon. "Naiintidihan ko naman, ayaw mo na talaga. Hindi na kita pipilitin. Bye."

Ito ang first time na makita ko siyang nagkaganito. Unang beses ko rin maranasan na meron isang taong ganito sa akin. Sanay na ako sa iba na pagkatapos hiwalayan, saktan, ay sasabihan lang ako ng kung ano-ano. Madalas paninira, masasakit na salita na wala na ding epekto ngayon sa akin.

Hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko din alam kung ano ba dapat ang kailangang maging reaksyon ko, pwede na akong umalis tutal siya na ang nagpaalam, hindi niya na ako guguluhin pa. Pabor pa nga ito sa akin.

Pero nagi-guilty ako.

"Vince, teka lang." Pagpigil ko sa kanya pero tuloy tuloy lang itong naglalakad. "Huy!" Hindi pa din ako nito pinapansin. "Vincent Romero!" Isinigaw ko na ang pangalan niya baka sakaling tumigil, hindi naman ako nabigo kaya kinuha ko na ang opportunity na iyon para hatakin siya patungko sa sasakyan ko.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon