Unedited. Grammatical & typographical errors ahead.
Light 🔞
—GABRIELLA
After ko magluto ay nagshower muna ako, nanlagkit kasi ako bigla tapos idagdag mo pa yung init na nararamdaman ko hanggang ngayon! Si Nia naman kasi eh! Bakit niya kasi kailangan kumain ng ganoon? She looks really sexy eating that strawberries with whipped cream.
I was blow drying my hair ng pumasok si Nia. "Hey, gutom ka na?" I asked. 1:30 na din kasi ng tanghali. Nakita ko naman ang pag iling niya.
"Let me." Kinuha niya yung blower sa kamay ko at siya na ang nagpatuloy. As a model maraming beses na may gumagawa sa akin ng ganito but today is different. I feel like a princess, a very special one. Siyempre yung mahal ko na yung gumagawa sa'kin nito e. Hindi ko rin maiwasan na hindi kiligin.
Tinitignan ko siya sa salamin dahil nakatapat kami dito. Ang seryoso niya masyado at saka parang may bumabagabag sa kanya, nasabi ko na naman na siya yung may gawa nitong nasa leeg ko ah, hindi pa din ba siya naniniwala?
"Done." Inilapag niya na yung blower sa table, aalis na sana siya ng bigla ko itong hilahin dahilan para mapaupo siya sa kandungan ko.
"Are we okay? We're okay right?" Tanong ko. One thing I learned in life is, communication is a must. Hindi magkakaintindihan ang dalawang tao if they don't have the proper communication, at least both of you are willing to listen and understand each other. Nag iwas siya ng tingin sa akin at akmang tatayo na ulit pero pinigilan ko.
"Nia..lets talk. Anong problema?"
"Ikaw."
"What did I do?"
"Flirt." Kanino ba?? Huhu. Sa kanya lang naman ako lumalandi. "Maya na tayo mag-usap. Kumain na muna tayo, gutom na pala ako." Sagot pa nito sa akin, akmang bibigyan ko siya ng halik sa labi ng iniwas niya ito at lumanding sa pisngi niya. Ang damot, samantalang kanina hayok na hayok.
"Don't start kung hindi rin naman matatapos." Sabi niya na may kasabay na irap. Hanggang ngayon ay iniisip ko kung ano bang nagawa ko sa kanya, kasi lampas isang linggo na kami hindi nagkikita at ngayon nalang ulit kaya wala talaga akong maalala na may kasalanan ako sa kanya.
Tinulungan ko na siya agad nung makita ko siyang nag aayos na sa table. And her being always maasikaso ay siya din naglagay ng rice sa plate ko.
"Is it good?" Tanong ko, first time ko kasi magluto ng Beef Caldereta. Hinayaan ko muna siya ang maunang tumikim ng niluto ko.
"Uy, masarap ha." Pagbibigay puri niya. Oh my.. mabuti naman at nagustuhan niya. Kitang kita ko din na nag eenjoy siya sa pag kain. I need to learn new recipes para mapaglutuan ko pa siya ng madalas.
"Thanks, love. Another point ba for me?" Pagbibiro ko.
"10 points." Ano pa kayang gagawin ko para umabot ako ng 100 points? After ng lunch she insisted that she'll wash the dishes ayaw ko pumayag kasi bisita ko siya pero hindi talaga siya nagpatalo kaya wala akong nagawa.
Magkatabi kami ngayon nakaupo lang sa sofa pero may space sa gitna namin, nagtry ako dumikit sa kanya kaso umuusog lang siya palayo kaya hindi ko na ulit sinubukan. Kainis, gusto ko lang naman ng cuddle eh pero mas okay na din siguro 'to baka kasi hindi ko na mapigilan lalo yung sarili ko. I told her that I like her and I'm going to pursue her so I don't think its appropriate if something will happen to us.
Much better if we have label. I can feel na BFF premium pro max edition palang kasi kami. We're not in a relationship, we are not even dating, so yes we are just friends na slight naglalandian.

BINABASA MO ANG
Fate
Romanzi rosa / ChickLitA beautiful Japanese legend says everyone's little finger is tied to an invisible red string that will lead him or her to another person to whom the other end is tied and with whom they have an important story. Along your string, other people's thre...