Unedited. Grammatical & typographical errors ahead
—XENIA
"Hi sissy!" Masayang bati ni Terrence sa'kin. Ilang araw na nakalipas matapos ang gabing yon at until now sinusuyo pa din ako ng tatlong bibe. Hindi naman na ko inis sa kanila, okay naman na ako. Sinusulit ko lang yung mga araw na lagi nila akong pinadalan ng foods at ginagawa yung ibang errands ko.
"Tse!" gagalingan ko lang acting skills ko for now. Bigla din sumulpot yung dalawang besties ko na may malaki ding ngiti.
"Babe, wag na magtampo.. Oh may dala kaming favorites mo." Singit naman ni Kat and si Andrea naman na tinaas ang boxes ng pizza. Pagkain talaga suhol nila sa'kin. Marupok din kasi ako pag dating sa foods.
Ang sweet talaga ng mga friends ko. Kaya never din tumagal ang inis ko sa mga 'to. Mukhang di ko na matatagalan yung acting ko kaya tumakbo nalang ako papunta sakanila at mahigpit silang niyakap.
"Ateng, admirer mo nandito na naman." Bulong ni Andrea. Andito na naman siya, simula noong bumalik ako palagi niya na akong kinukulit. Hindi naman ako ganoong kasama para hindi siya harapin pag nagpapakita siya pero isa lang naman sagot ko sakanya.
"Vince."
"Good morning, Xen! Para sa'yo pala." Bati niya sabay abot ng box of donuts and isang bouquet ng red roses. Mabilis naman kinuha ni Kat yung box ng donuts na bitbit ni Vince. Napangiti nalang ako sa ginawa ni Kat. Favorite niya kasi talaga 'yon.
"Thank you.. Pero Vince, nag usap na tayo 'diba? Paulit ulit nalang tayo." Nauubos na ang pasensya ko sa taong 'to sa totoo lang.
"You told me we can be friends, right? Friendly gift lang yan." Cool na cool pa na sabi nito. Nakakainis. Bakit kasi hindi nalang siya katulad ng iba na pag tapos na sasabihan lang ako ng mga kung ano ano. Mas madali kasi pag ganon. Mukhang wala na naman akong takas dito.
"Thank you for this." Itinaas ko pa ang bulaklak na ibinigay niya. "Pero hindi mo na kailangan gawin 'to."
"Can we have dinner later?" Sabi na nga ba.
"No." Ma awtoridad kong sagot.
"Friendly dinner. Dinner as friends lang naman." Tinignan ko lang muna ito. Hindi ko pa alam ang isasagot ko. "Please? alam ko namang ayaw mo, pero kahit ngayon lang or kung kailan ka pwede.. Kahit isama mo pa sila Kat. Okay lang sa'kin."
"Talaga?"
"Yes, lahat sila. Si Terrece, Andrea, even Martin. Na miss ko na din yung batang 'yon." Kilala niya pala ang kapatid ko. Nagulat nga ako na nagkasundo sila. Aksidente lang naman kasi na nakita niya si Martin. Dahil never naman ako nagpakilala ng kung sino mga nakarelasyon ko sa pamilya ko.
"Fine." Napabuntong hininga nalang ako. "Just one time, Vince.. I'll send you a message kung kailan ako free. Just not tonight." Sagot ko dito. Pumayag na din ako para magtigil na din siya at isa pa pwede ko naman isama sila besties. It's just a 'friendly' dinner. Hindi ko naman siguro ikakamatay yan kung pumayag ako ng isang beses.
"I can see myself marrying her. I know na hindi naman legal ang same sex marriage dito sa pilipinas, pero pwede naman sa ibang country.--"Humihikbing kwento ni Ginger. After ng bonding with the besties ay dumiretso muna ako dito sa bahay ni Alexa. Hindi ko naman inexpect na andito yung friend niya na kasalukuyang nag dadrama. "--She's my everything, alam ko na kami na yung nakatadhana para sa isa't isa.--" Napangiwi naman ako sa mga naririnig ko. "-- Alam kong cheesy, pero ganoon yung nararamdaman ko." Tumigin naman ito sa'kin. "Ikaw ba? Naniniwala ka ba sa destiny, soulmates, yung mga ganon?"
Parang gusto ko sumuka sa mga kinukwento niya pati sa mga tanong niya.
"Hindi eh. fate, destiny, soulmates at kung ano ano pa." Sabihin na nating naniniwala ako sa mga ganyan, noon. Nung bata siguro ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/341423834-288-k693709.jpg)
BINABASA MO ANG
Fate
ChickLitA beautiful Japanese legend says everyone's little finger is tied to an invisible red string that will lead him or her to another person to whom the other end is tied and with whom they have an important story. Along your string, other people's thre...