Chapter 56

775 29 0
                                    

Unedited. Grammatical and typograhical errors ahead.



GABRIELLA



"Gab, you're nominated!" Excited na announce sa'kin ng handler ko. Kasalukuyan akong naka upo sa make-up chair at inaayusan.

"Nominated for what?" I asked

"Best supporting actress in a drama series." Wow. Really?

"Congratulations, Miss Gabriella." Bati ng makeup artist sa akin.

"Thank you." Nakangiti kong sagot sa makeup artist.

"Is it real? Sure ba sila?" Tanong ko naman sa handler ko. I just can't believe that I am nominated for that award. Mas maraming magagaling at mas matatagal pa kaysa sakin sa ganitong industriya. Being nominated is really an honor for me, hindi ko na hinahangad na manalo ako. Sapat na para sa'kin na nakita ng mga tao na maayos kong nagagawa ang trabaho ko.

"Mas real na real pa sa nesfruta. Sure na sure, Gab."





~~

"Do you think I'll be successful at what I do, love? I've never done any acting before and I don't know if magagawa ko 'to ng maayos." Me and Xenia were cuddling at my place at 2 p.m. in the afternoon, we just ate our lunch. Instead of going out today, we decided to stay at home and relax.

"You'll do great at acting. I know it"

"Wow ha. Sure na sure yan?"

"Of course! Huwag ka masyadong nega. I can see all your efforts, sa workshops, even sa last MV shoot mo, you're improving day by day, mahal."

"Hay, I don't know." Pinisil niya naman bigla ang ilong ko. "Aww."

"Cutie. H'wag kang mag isip muna ng kahit na ano. Trust me, you'll be fine. Malay mo after ilang years manominate ka then manalo ka na ng acting award."

"Ay grabe yan, love. Parang imposible naman yan." Manominate palang nga imposible na, manalo pa kaya.

"Hindi ah. Ipupusta ko lahat ng sasakyan ko, one day you'll receive an award. With the right material and people hindi imposible yan. Just trust the process, love. Two, three, four years from now you'll get that award and when that happens, I'll make sure to see you at that stage getting that trophy while delivering your speech." Grabe naman 'tong mahal ko. Always hyping me up, okay baka naman nga may chance na maging skilled ako sa acting.

"Really? But what if...What if lang ha."

"What if ano?"

"Ano... kunwari we're not together anymore, aattend ka pa rin ba?

"Ah. so you want us to break up, okay okay."

"Hey! Hindi naman e, what if lang naman kasi. Ayaw ko na nga." Nagtatampo kong sagot siya naman ay natawa lang.

"Pikon." Pang aasar niya pa. "Don't worry, love. Together or not, I will still be watching you on that stage when that time comes."

"Promise?"

"Promise."
~~





"Huy! Gabriella!"

"Miss Gabriella."

"Tawag ka na te!"

Bumalik lang ako sa wisyo ng bigla akong tapikin ng handler ko. "Sorry, ano po 'yon?"

"Lumilipad na naman yang utak mo. Sasalang ka na." Tumango naman ako at nagsimula na maglakad papunta sa studio kung saan may magazine photoshoot ako ngayon.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon