Chapter 5

1.2K 40 0
                                    

Unedited. Grammatical & typographical errors ahead.


XENIA

"Sumama ka na pleaaaasssseee"

"Terrence, wag ka mag pa cute. Hindi bagay."

"Eh sige na kasi...Please...please..--"

"Oo na! Sasama na!" Kanina pa kasi ako kinukulit ni Terrence. Akala mo naman napaka importante ng pupuntahan samantalang sa Blues lang pala ang lakad. May gig kasi yung college friend namin na sila Jecka. Matagal tagal ko na din silang hindi nakikita. Meron silang banda kaya ayun kung saan saan may gig.

Hindi na ako nagdala ng sasakyan tutal itong si Terrence naman ang nag-aya. At saka ayoko mag drive pag traffic. Sana kung katulad lang ng race track ang mga kalsada dito eh di mas okay sana.

"Gisingin mo ko pag andoon na tayo." Matutulog muna ako. Pagod pa ako at galing akong trabaho. Nakaka ubos din ng energy magturo sa mga bagets ha, pero okay lang. I love kids naman eh.

Nagising lang ako ng tinapik na ako ni Terrence. Bumaba din naman agad ako ng sasakyan para makapasok sa Blues.

"Wala pa masyadong mga tao?" Takang tanong ko kay Terrence

"Mamaya pa kasi start." Bwisit na 'to sana mamaya na kami nagpunta.

"Xen!" Rinig kong sigaw ni Jecka. Nilapitan ko naman siya at niyakap, "Bruha ka! Ilang taon ka hindi nagpakita. Walang hiya ka. Sa kanya ka lang nakipag hiwalay hindi sa amin." Drama pa ni Jecka.

"Ay wow, ang drama naman po. Nandito na nga ako oh! Busy lang ako kaya di nakakapunta sa gigs niyo." paliwanag ko naman dito.

"O siya, bumawi ka. Kanta ka." Napasubo na nga. Kaya din siguro ako dinala ni Terrence dito ng wala pa masyadong tao. Sasabunutan ko talaga 'to.

"Ha? Ayaw ko."

"Ay go na, Xen! Birit mo na yan!" Excited na singit pa ni Terrence.

At wala na nga akong nagawa sa sobrang pilit nila. Para din tumigil na sila ay pinagbigyan ko na. Nag usap usap muna kami ng mga band mates ni Jecka bago ako mag simula kumanta.


Pagod na ang mga labi kahit wala pang sinasabi
Puro minsan na lang nakapako sa aking isipan
Tahan na umiiyak ka na naman
Hindi ba't ikaw din ang papahid ng luhang yan


Nairaos ko naman yung pag kanta ko. Na feel ko naman siya today, pinalakpakan naman ako ng mga kaibigan ko at ng mga tao na nasa Blues. Sa mga college friends ko si J lang talaga ng pursue ng pag babanda. Ako hanggang jamming lang. Masaya na ko sa ganun.

Nagstay pa kami ni Terrence para panoorin sila J. Ang galing nila, nag improve talaga yung banda nila. Tinapos lang namin yung gig nila and nag decide na din umalis.

Nag aantay pa ako sa labas dahil kinuha pa ni Terrence yung sasakyan. Habang nanahimik akong nakatayo sa gilid meron naman isang tao nag tapik ng balikat ko.

"Hey." Bati niya. Tumango lang ako. "Musta?" Pahabol tanong pa nito. Seryoso ba 'tong tao na 'to? Kakausapin niya ko? Sa itsura ko rin ngayon walang gusto lumapit dahil yung aura ko sumisigaw ng 'Wag mo ko lapitan.'

Nagbuntong hininga lang ako at saka siya sinagot. "Ayos lang."

"I heard galing kang Japan, okay ba?" Feeling close naman 'to masyado. My god kuys, layo layo din pwede?

"Maganda." Maikling sagot ko pa rito. Nasan ka na ba Terrence?! Ang tagal!

"Like you." Okay that's it. Is he fucking flirting right now? Hindi niya ako makukuha sa mga ganyang moves.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon