Chapter 16

925 41 3
                                    

Before this month ends, Happy pride month ulit!
(๑・̑◡・̑๑)
Grammatical & Typographical errors ahead.


XENIA

Tadhana nga naman, minsan kakampi mo madalas kalaro mo.

Nagulat din naman ako nang makita ko si Geoff, Hindi ko naman inasahan na siya pala ang karelasyon ngayon ng babaeng sinusubukan namin pagselosin. Maliit talaga ang mundo, ang mga taong matagal mo ng hindi nakikita bigla bigla nalang sumusulpot.

Nang makabalik ako sa kwarto nakita ko si ginger na masarap pa rin ang tulog. Alas dos palang naman ng tanghali kaya nagpahinga nalang din muna ako, sa couch na ako puwesto kasi nakakahiya naman dun sa isa pag ginising ko para lang ayusin niya yung higa niya.

Nagising ako bandang alas kwatro ng hapon, may kumot na ding nakapatong sa katawan ko.

"You're awake. Do you want to swim?" Akala ko naman ay nauna na siyang lumabas para mag swimming, naka suot na siya ng olive green string bikini may hawak hawak din siyang cover ups at sinuot ito.

"Sure, bihis lang ako. Pwede ka na mauna." Tumango lang naman ito sa akin.

Pumunta na muna ako sa restroom para magbihis, sinuot ko yung dala dala kong ring bandeau bikini na color black. kinuha ko nalang yung oversized t-shirt ko at isinuot din iyon bago ako lumabas ng kwarto.

Nakita ko si Mara and Geoff being sweet and all, I'm just not sure kung totoo ba yang sweetness na yan. Sa hindi kalayuan sa pwesto nung dalawang masakit sa mata ay nakita ko naman si Ginger na nakaupo sa lounge chair, hawak hawak ang kanyang phone pero maya't maya ay napansin kong sumisilip lang din siya sa dalawa.

"Sweet nila, no?" Tumingala naman siya para tignan ako. "Papatalo ka ba? Dapat sweet din tayo."Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya ngayon kaya hiwakan ko na ang kamay niya at hinila patayo.

"Ano ba, bitaw nga." Iritado niyang sagot.

"Sungit naman ng bembi na yan, smile ka naman o kaya tawa ka na para bang may nakakatawa akong sinasabi."

"Ewan ko sa'yo." Hinubad niya ang cover up niya at ipinatong lang sa chair kasama nung iba niyang gamit. Nauna na siya maglakad papuntang dagat. Pinagtitinginan siya ng mga babae at lalaki, who wouldn't? She's a model. She have something to flaunt. Hinubad ko na din yung shirt ko at sinundan agad si Ginger.

"Damn." Narinig kong bulong ng lalaki na dumaan din sa harapan ko habang naglalakad papunta sa dagat. Hindi lang naman yung mga models na kasama namin dito ang meron ipagmamayabang, hindi ako nagpapatalo sa mga ganito. Tinignan ko naman yung lalaki at kinindatan siya. Nakita ko naman ang pag ngisi nito.

Binalik ko ang tingin sa dagat at saktong nakita ko si Ginger na nakataas ngayon ang isang kilay at naka cross arms pa. Medyo mahihirapan pala ako lumandi ngayon.

Lumapit na agad ako sa kanya at hinawakan siya sa baywang. "Ready ka na?" Napalitan ang masungit na ekspresiyon ng mukha niya at napalitan ng pagtataka. Idinikit ko ang katawan ko sa kanya at bumulong. "I don't know how to swim." Pag amin ko, bigla naman siyang tumawa.

"May pa ready ready ka pang sinasabi. Tapos hindi ka naman pala marunong lumangoy." Considered ba yung langoy aso as marunong mag swim?

Pinitik ko nalang siya sa ilong, Kaysa naman mag marunong ako, 'diba? Mamaya malunod ako, ayoko pa kaya mamatay. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming pumunta sa dagat.

Maligamgam pa ang tubig dahil siguro sa init ng araw kanina. Nasa mababaw na parte pa kami ng dagat pero hawak hawak niya pa din naman ako, nafi-feel pa ng paa ko yung buhangin. Nakita ko naman na lumusong na din sa tubig yung ex ni Gabriella kasama yung boyfriend nito.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon