Chapter 17

865 36 0
                                    

July na 🙀
Unedited. Grammatical & typographical errors ahead.

XENIA

Lumabas ako ng kuwarto dahil hindi ako makatulog, na pag isipan ko na tumambay at umupo muna sa may dalampasigan. Rinig na rinig ko ang hampas ng alon at ramdam ang malamig na simoy ng hangin. Matagal na panahon ko na din itong hindi nagagawa, yung mag isa lang sa isang mapayapang lugar. Nakatingin sa malayo, nag iisip.

It's relaxing and sad at the same time.

"Can't sleep?" I looked at her and slightly nod my head. "Nagising ako, nawala kasi yung katabi ko."

"Sana itinulog mo nalang ulit." Malumanay na sagot ko sa kanya. Tumabi naman siya sa akin,  parehas lang kaming tahimik at dinadama ang hangin.

"Teacher ka talaga?" Basag katahimikan nitong babaeng katabi ko. Napabuntong hininga nalang ako sa tanong niya, Ilang beses na niyang sinisigurado ito pero hindi naman siya naniniwala sa sagot ko.

"Diosmio marimar, Ito na naman tayo. Pang ilang beses mo na tinatanong yan."

"Okay, for starters, you have that resting bitch face, hindi ka talaga mukang nagtuturo ng mga bata."

"Kunwari hind mo alam ang ginagawa ko sa buhay, base sa itsura, ano sa tingin mo ang trabaho ko?" Tanong ko pa dito. Saglit naman siyang tumingin sa akin na para bang ineexamine ang buong mukha ko.

"Hmm..Being a college professor suits you, nasa ganoong levels yung aura mo. Pwede ka ding model because you really have the qualities. You can be a lawyer or a CEO ng isang company."

"Nice, ang gagandang career niyan ha. Sinabi mo lang naman yung trabaho ng mga kaibigan ko." Mabilis kong sagot sa kanya.

"That's why nagulat talaga ako nung nalaman kong pre-school teacher ka." Mahinang natawa at napailing nalang ako sa sinagot niya sa akin.

"Puntahan mo nalang ako sa school para maniwala ka na." Sagot ko pa dito. Hindi siguro ako papatahimikin nito hanggang di niya nakikita talaga ang ginagawa ko. "Okay ka lang ba? Hindi ba masakit ang ulo mo?" Nag aalalang tanong ko.

"Medyo masakit but tolerable naman."

"May sasabihin ako sa'yo." Seryosong sambit ko. Nagdadalawang isip talaga ako kung sasabihin ko ito sa kanya, pero gusto ko lang din naman maging honest.

"What is it?"

"Si Geoff."

"What about him?" Mabilis na tugon nito.

"I know him." Sagot ko. Tumingin siya sa akin na may kunot sa noo na para bang naguguluhan sa mga sinasabi ko ngayon.

"Is he your ex?" Tanong niya pa. Mabilis naman akong umiling.

"No. I know Geoff personally, he's a good friend of mine, way back grade school pa." Nakita ko naman ang gulat na rumehistro sa mukha ni Gabriella. "Hindi ko inexpect na siya pala yung karelasyon ni Mara, I really don't know. Sorry kung ngayon ko lang sinabi." Pag hingi ko pa ng paumanhin. Matagal ko ng hindi nakikita si Geoff kaya wala akong balita sa buhay nito ngayon.

Nakita ko naman ang marahang pagtango at pag ngiti niya. "Okay lang, ikaw din naman nagsabi, hindi mo alam." Nakita kong tumingin ito sa langit at ibinalik din ang tingin sa akin at saka sumagot. "It's fine."

"Akala ko aawayin mo na ex mo kanina." Mahinang natawa naman itong katabi ko.

"Kung wala ka doon, baka ganoon na nga ang ginawa ko... Never ako nagalit sa kanya, hindi ko man lang siya nagawang awayin nung naghiwalay kami, well ayoko din naman talaga siya awayin, It's just that never ko nailabas yung mga hinanakit ko." Sa ugali naman nito ni Gabriella, mahahalata mo naman na kalmado siyang tao . Pero ramdam ko pag nagalit siya, nakakatakot.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon