Chapter 55

850 32 8
                                    

Unedited. Grammatical and typographical errors ahead.



XENIA


"Himala naandito ka." Lumingon ako sa taong bigla bigla nalang nagsasalita sa tabi ko. "Smoking and drinking alone on a friday night." Napangiti at napailing nalang ako sa sinabi ni Vincent sa akin. Bakit din kaya naandito 'tong lalaking 'to?

"You quit smoking, right? Nagbalik loob?" Tumatawa tawa pang tanong nito sa akin.

"Not really, na miss ko lang. One stick lang naman." Maikling sagot ko. I quit smoking years ago pero mukhang back to zero na naman ako ngayon. "Bakit ka naandito?" Balik tanong ko sa kanya. "Julia problem?" Dugtong tanong ko pa. Tumango lang siya sa akin at sabay inom sa basong may lamang alak.

Tumingin siya sa'kin ng seryoso "Gabriella Problem?" Well technically yes but it is more on me, myself and I problem. Tumango nalang ako bilang sagot kay Vincent

"We're both fucked up, no?" Sambit niya pa.

Itinaas ko ang baso ko "We are. Let's cheers to that." Sagot ko pa sa kanya.

Dalawang linggo na rin pala ang lumipas simula ng iwanan ko si Gabriella ng walang paalam. Ilang araw nalang papatak na ang pasko, bagong taon, birthday niya and ang first anniversary namin na sa tingin ko ay hindi naman mase-celebrate.

Na realize ko na ang dami pa pala naming hindi nagawa ng magkasama.

We were supposed to go to a concert sa isang favorite band ko but things happen so ayon hindi natuloy. Binigay ko nalang yung concert tickets sa assistant ko. Naalala ko pa na may gusto siyang puntahan na bagong museum, I even put in on my calendar pero mukhang hindi ko na rin siya masasamahan doon.

Itong katabi ko panay lagok ng alak, nagkukwentuhan nalang kami, hindi ko na alam kung gaano pa kabigat ang dinadala niyang problema basta ang alam ko pinaglupitan na naman siya ng tadhana.

"So she cheated on you?" Tanong ko dito.

"Yup! I think ito na yung karma ko? Yung mga taong minamahal ko kasi nawawala e. Deserve ko siguro." Kita ko naman yung lungkot ng mata niya. "Oh, by the way, I'm getting married."

"Tinuloy mo?"

"Kailangan e. Atsaka nung nalaman ko na nag cheat si Julia sa'kin, nag agree nalang kaagad ako sa tatay ko. I think wala na rin namang saysay kung itutuloy ko yung relasyon ko kay Julia, parehas lang naman na kami nagkakasakitan. And mangyayari din naman 'tong marriage na 'to sa ayaw at gusto ko, kaya ayon." Napatango tango nalang din ako sa sinabi niya. It is sad na makita rin siyang ganito, ang akala ko kasi si Julia na yung last niya. Sobrang in love siya doon eh.

"You're invited ha. Abot ko nalang yung invitation sa Uni." Dugtong niya.

"Okay." Tumingin ako sa relos ko. "Oh, mauuna na ako umuwi. Medyo late na rin. H'wag kang loko loko dito." Paalala ko kay Vincent.

"Don't you want to do it? For old time sakes?" May mapaglarong ngito sa mukha ni Vincent, napailing nalang ako sa sinabi niya.

"Gago. Red flag ka talaga." Tumatawa kong sagot dito sabay pitik sa noo niya. "Magtino ka na, ikakasal ka na, malay mo naman diyan ka pala maiinlove ng todo todo sa papakasalan mo."

"Oo na, oo na. Changed person ka na talaga ha. I'm so proud. Sige na, diretso uwi ha. Ingats!" Bumeso lang ako sa kanya at saka umalis. Medyo kakaiba ang gabing 'to dahil maaga pa talaga para umuwi ako. Wala pang alas onse ng gabi pero naandito na ako sa loob ng sasakyan, nagmamaneho pauwi. Noon naman kasi inaabot na ako ng kinaumagahan bago ako umuwi. Hindi rin ako lasing ngayon, ayaw ko rin namang umuwi ng lango. Kailangan ko kasi mag drive ng maayos.

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon