Unedited. Grammatical and typographical errors ahead. Medyo mahaba, madami din posted photos. Tyagain niyo na, huli na naman to.
—XENIA
Nagising ako ng dahil sa sikat ng araw, nakalimutan ko pala ibaba yung blinds kagabi. Isa pang bagay na nagpagising sa akin ngayon ay ang brasong nakayakap sa bewang ko.
There are three things that I'm really sure of. One, Gabriella's beside me. Two, we're hugging each other and three, we're both naked under the sheets.
Hindi dapat nangyari ang mga kaganapan kagabi kung hindi ako nagpadala sa mga haplos, halik, at matatamis niyang salita. Totoo naman na mahal ko pa rin siya at sobrang miss ko na siya pero kasi dapat hindi ko iyon ginawa. Alam ko na ngang mali eh! Alam ko na sa sarili ko na hindi puwede! Pero naman nung nasa harapan ko na siya, wala na, bumigay nalang ako!
Hindi malinaw sa'kin kung may relasyon ba talaga sila ni Maxine pero unti unti na akong kinakain ng konsensya ko ng dahil sa nangyari sa'min ni Gabriella. Mabilis akong tumayo, dinampot ang cellphone na nakalapag sa bedside table at agad na pumunta sa banyo para makapag ayos.
"Oh my god. What have I done." Bulong ko sa aking sarili.
Habang naandito ako sa banyo nakatitig sa salamin, kitang kita ko naman ang mga markang ginawa niya sa katawan ko. Paano ko ba 'to tatakpan? Masiyado niya namang pinanggigilan ang leeg at dibdib ko. Nagbihis na ako kaagad para di ko na makita itong ebidensya ng kasalanan na pinag gagagawa ko.
Hello, Grace.
Do I have any important meetings today?
Or kahit anong meron sa Uni?Hello, Ma'am. Wala naman po.
Maluwag po ang schedule ninyo.Okay, thank you.
Hindi muna ako pupunta diyan.
Message or tawag ka lang if may urgent.Noted po, ma'am.
Thank you. Bye.
Okay, now what? Saan ako pupunta ngayon? Madali lang sana sumibat if wala ako sa sarili kong pamamahay. Well, pwede naman ako umalis, balik na lang ako mamaya. Malas ko lang din talaga dahil isa pang dahilan ay kapit bahay ko siya kaya kahit anong iwas ko ay hindi ko rin talaga siya matatakasan.
"Don't you dare run away from me." Shuta talaga naabutan pa ko! Humarap ako sa kanya at pilit na ngumiti.
"Good morning?"
"Yes, good. No, actually, it's great. Yes, great morning. What a beautiful day today. Let's have brunch outside. Wait for me, mag aayos lang ako saglit." Ano yan, bakit ganyan? Bakit ang kalmado niya?
"Wala ka bang shooting ngayon? Baka late ka na, alis ka na kaya?" Oo, pinapalayas ko siya. Wala akong balak kumain sa labas ngayon na kasama siya. Mas lalo lang akong naguguilty sa nagawa ko. Okay na nga na naging magkaibigan ulit kami, pero sana hindi na umabot sa ganito!
Kung ibang tao siguro ang kasama ko kagabi, hindi ako naguguilty ngayon, malamang wala rin akong pakialam sa taong iyon. Pero si Gabriella kasi 'to. Hays, ang hirap naman nito, yung pag momove on ko na wala pa sa thirty percent parang biglang bumagsak at bumalik sa ten percent.
"It's your lucky day today. Wala akong schedule for two days. Pahinga pahinga din pag may chance." Ano ba namang buhay 'to, bakit naman ako pinaglalaruan ng malala.
"ahhh, sige tama pahinga ka. May lakad din ako eh." Wala talaga akong lakad ngayon. Pero ipipilit ko nalang na magkaroon.
"I heard you, sabi mo kay Grace di ka pupunta ng University. Saan ka pupunta? Tatakasan mo na naman ako? iiwan mo na naman ako? aalis ka na naman tapos hindi ka magpapakita." Dire diretso niyang tanong. Medyo natamaan naman ako sa sinabi niya. "Am I just a bed warmer to you? Tinutulad mo lang din ba ako sa mga ibang nakasama mo? Ganun na ba ako ngayon para sa'yo?" I admit ganyan ang gawain ko dati. Pero dati nalang yun. Changed person na talaga ako.
BINABASA MO ANG
Fate
ChickLitA beautiful Japanese legend says everyone's little finger is tied to an invisible red string that will lead him or her to another person to whom the other end is tied and with whom they have an important story. Along your string, other people's thre...