Unedited. Grammatical & typographical errors ahead.
—
GABRIELLA
"Huy Alexa, okay lang ba talaga? Nahihiya ako e." Nahihiya talaga ako. Muntik ko na nga sabihan si Nia last night na hindi nalang ako pupunta atsaka okay lang naman ako mag spend ng New Year mag-isa kasi ginagawa ko naman na yun kahit noon pa.
Sinundo ako ni Alexa dahil sa kanya ako sasabay papunta daw sa family rest house nila, madalas din daw sila doon pag may mga celebrations.
Mahal💖
Nasundo ka na ni Alexa?Me
Yes mahal. Driving na si AlexaMahal💖
okay luv I'll see u there.
Otw na din ako. Ingat kayoMe
Ingat sa pag drive, love"Ano ka ba,sez. Ayos nga lang. Atsaka alam na ng parents ko na may isasama ako." Sagot nito habang seryosong nagmamaneho.
"Sabi ni Xenia doctor ka." Natawa naman siya at tumango.
"Oo, burnout lang ako sa hospital kaya nag try ako mag modeling para maiba naman environment, pero na duty pa rin ako sa hospital kaya nga once in a blue moon lang din ako kumuha ng mga shoots."
"Pamilya ba kayo ng mga Doctor?"
"Si Mama, Pediatrician. Si Papa naman Cardiologist, then ako Anesthesiologist. Yung lolo namin, si Arturo Valero, Oncologist pero siya din ang Hospital President ngayon. Tapos si Tita Xandra, yung mama ni Xenia, Neurosurgeon yun." Napalunok ako sa mga naririnig ko, bigatin ang pamilya nila, parang nakakatakot banggain. "Then si Lola Cynthia, professor and University president na ngayon ay hawak na ni Xen."
"Bakit hindi nag doktor si Xenia?"
"Ayaw niya eh. Hindi lang naman siya, yung iba rin naming pinsan atsaka hindi rin naman kami pinipilit, kung ano namang gusto namin ay support naman yung mga parents namin. Si lola suportado talaga si Xen kasi siya lang sa amin ang nag pursue ng pagiging educator. Si Kuya Axton pala hindi makakauwi dahil busy siya sa Chicago tapos may tatlo pa kaming pinsan, sila pala yung umuwi kaya nagdecide family na mag new year dito sa resthouse."
Hindi pa naman bisperas ng bagong taon. Bukas pa pero ngayon daw dapat sila magpunta para family bonding na din nila.
Mga dalawang oras din ang binyahe namin ni Alexa papunta sa rest house nila. Napansin ko naman ang mga sasakyan na naka parada at nakita ko na rin ang sasakyan ni Nia. Kapansin pansin din ang isang malaking bahay na nasa tapat namin ngayon, parking area palang ng lugar alam mong malawak ang lupain. Akalain mo na nagkasya ang mga sasakyan nila dito.
Kinuha ko na agad yung bag ko sa backseat, dinamay ko na din yung bag ni Alexa.
"Lika na. Mukhang late pala tayo." Aniya at tumawa pa.
"Ate Alexa!!" Sigaw ng isang batang tumatakbo papunta sa amin at yumakap kay Alexa. Kung hindi ako nagkakamali siya ang kapatid ni Nia. "Hello po!" Bati sa akin ni Martin
"Hello." Nakangiting bati ko rin sa kanya.
"Where's your sister, Martin?"
"Nasa room po." Tumango lang si Alexa. "I'll go ahead na, Ate! I will swim na po!"
"Careful, Martin ha." Binalingan niya yung taga bantay ni Martin "Ate, paki tignan tignan mo."
Umakyat muna kami ni Alexa para ituro kung saan yung magiging room ko.
"Dito room mo, Sissy. Tapat lang ng room ni Xenia yan. Pasukin mo nalang siya mamaya. Hehe." Mahinang hinampas ko naman siya sa braso at parehas nalang kaming natawa. Hinayaan muna ako ni Alexa makapagpahinga saglit dito, nag ikot ikot din muna ako dito sa room.
![](https://img.wattpad.com/cover/341423834-288-k693709.jpg)
BINABASA MO ANG
Fate
ChickLitA beautiful Japanese legend says everyone's little finger is tied to an invisible red string that will lead him or her to another person to whom the other end is tied and with whom they have an important story. Along your string, other people's thre...