Chapter 9

1K 33 0
                                    

Unedited. Grammatical & typographical errors ahead.

XENIA


Kanina pa ko nakaupo dito sa office ni Andrea, pagkatapos ko sa trabaho   dumiretso ako agad dito. Nakaupo lang siya habang nagtitipa sa laptop niya.

"nakipag sex ako." I blurted out. Napatigil naman si Drea sa pagta-type at tumingin sa'kin.

"Beb, alam ko naman na ginagawa mo talaga yan, hindi mo na kailangan pang idetaly--

"With a girl" Pagputol ko sa sinabi niya. At doon ko nakita ang gulat sa mukha niya, napatakip pa siya ng bibig. Ang OA. Para namang hindi nila naexperience 'to ni Regina.

"What the frak, how? Kailan ka pa nabading?" Pag uusisa pa nito.

"Mima, straight ako. Parehas lang kaming wala sa wisyo ng ginawa namin yun. Nadala lang sa init." Hindi ko naman kasi inopen sa kanila 'to before. Sabi ko nga sa akin nalang iyon pero ngayon kailangan ko na ng kausap dahil sa mga kaganapan.

"if that's a one night stand, edi kalimutan mo na. And ikaw pa ba? Baka nga hindi mo na maalala kung anong itsura niyan." Madali talaga ang buhay kung ganito lang kaso may mga bagay na hindi mo inaasahan na mangyari. Napabuntong hininga naman ako. Nahalata naman agad ni Drea na may gumugulo pa sa isip ko. "What seems to be the problem? Don't tell me na inlove ka sa--"

"She asked me to be her girlfriend." Nanlaki na naman ang mga mata nito. Hindi na ata niya kinakaya yung mga kinukwento ko today.

"ANO?!"

"Gagang 'to. Ang lakas ng boses." Malumanay kong sagot dito. Ayoko na kasi magsisigaw, nauubos ang lakas ko.

"Ikwento mo na lahat, beb. Naloloka ako sa mga revelations mo."


She's good. Hindi ko inexpect na matatalo ako. Masyado akong nagpakampante. Pero marunong ako tumanggap ng pagkatalo.

"Wow. Didn't expect that." Nakangiti siyang nakatingin sa'kin. Tuwang tuwa siya sa sarili niya na nanalo siya. ako naman ay nanghihinayang, sayang kasi yung sasakyan. Akala ko pa naman madadagdagan na ang collection ko.

"Dahil nanalo ka, syempre may kapalit. What do you want?" Kung sasakyan ko naman ang kukunin niya ay ayos lang naman sa akin. Pero siyempre masakit pa din sa puso iyon dahil sayang ang pera pinambili but that's the thing about gambling. Masaya sa umpisa kasi nananalo ka then nararamdaman mo ng unti-unti kang natatalo kaya gusto mong makabawi hindi mo naman namamalayan mas lalo ka pang nababaon hanngang di ka na makaahon.

Katulad lang yan ng pag-ibig. Uubusin ka hanggang wala ng matira sa'yo.

"Sabi mo kanina kahit ano pwede diba?"

"Basta kaya ko." Mamaya bigla akong hingian ng daang daang milyon san ko naman kukunin iyon? Nakatitig siya ngayon sa'kin. Madalas niyang gawin ito pero yung binibigay niyang tingin ngayon medyo kakaiba.

"Okay!" Huminga naman siya ng malalim. "Xenia." Seryosong tawag niya sa'kin at ako naman ay nakikinig lang.

"I want you to be my girlfriend for three months."

Me? Girlfriend? Three months? Gago ata 'to? Binigyan ko naman ito ng 'what the fuck look.' Seryoso ba siya dito?

"You're joking?" Tanong ko pa.

"Nope" mabilis nitong sagot. Bakit ba kasi ako nagpakampante.

"Are you out of your mind? I can't do that. I can only give material things."

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon