Chapter 52

724 25 1
                                    

Unedited. Grammatical & typographical errors ahead.



XENIA

"Nasabi mo na?" Kasama ko si Terrence ngayon dahil nag aya siya mag kape kape somewhere, sakto naman na free ako ngayon kaya sumama ako sa kanya.

Kunot noo akong tumingin sa kanya, tila ba naguguluhan sa itinatanong niya. Anong sasabihin ko? Kanino?

"Anong sasabihin? Anong meron?" Balik tanong ko sa kanya.

"Mag iisang taon na kayo, h'wag mo sabihing hindi mo naman talaga mahal yung tao." Ah! Okay, now I know kung anong tinutukoy niya.

"Nasabi ko naman na." Sagot ko kay Terrence. Mas lumapit siya sa akin at biglang hinawakan ang magkabilang balikat ko at saka ako niyugyog.

"Spill, mare!! Anong reaction niya?" Sobrang excited ng itsura niya. Akala mo naman juicy chismis worthy yung kwento ko eh hindi naman.

"Lagi ko naman pinaparamdam na mahalaga siya sa sa'kin kahit hindi ko naman nasasabi yun madalas. Kilala mo naman ako." Tumango tango lang si Terrence sa akin. "Pero nasabi ko naman sa kanya kaso madalas pag tulog siya." Nakangiwi kong pagpapaliwanag pa. Sinamaan ako ng tingin ni Terrence at saka binato ng tissue.

Alam kong narinig ni Gabbi nung sinabi ko sa kanya ito, last time kasi sumagot pa siya sa akin, pero nung tinignan ko siya ay tulog na tulog siya, sinubukan ko pa nga siya gisingin pero bagsak talaga.

"Kung sabunutan kaya kita?" Masungit na sagot niya sa'kin. "Pero eto, mahal mo ba talaga? If not sissy kawawa naman yung tao."

"Mahal ko. I really do." Seryosong sagot ko."That's why I'm thinking of agreeing to her offer." Dalawang linggo na ang nakalipas nung tanungin niya ako na magsama kaming dalawa sa iisang bahay, pagkatapos niya ako tanungin nun, kinabukasan at sa mga sumunod pang araw ay parang normal lang, she respects my decision daw at wala naman daw issue yun, mabuti nalang din hindi siya nagtampo sa akin ng tuluyan.

We always spend time at each other's houses, noon pa naman kami ganito at halos nakasanayan na rin namin. Madalas siyang tumawag sa'kin nagtatanong kung pwede niya ako puntahan kahit late na tapos mag sleep over siya sa place ko, dahilan niya is miss niya na raw ako, hindi naman ako tumatanggi kasi gusto ko rin naman and miss ko din naman siya lalo na na mas nagiging busy siya. Umuuwi siya madaling araw na tapos may time pa na mas maaga siya umalis kaysa sa akin.

"Anong offer?"

"She asked me if we could move in together." Nanlaki ang mata ni Terrence at medyo natawa.

"Grabe! Ang bilis kumilos ng jowa mo! Love it! She's really committing on your relationship! Lumelevel up kaagad!"

"True. Nabibigla talaga ako." Humigop muna ako sa kape bago magsalita ulit. "Terrence, ang dami niyang bagay na pinapaalala sa'kin. Hindi ko alam if matutuwa, matatakot or maiinis ako." Sagot ko sabay buntong hininga. "Pero mahal ko siya kaya kahit nagdadalawang isip ako sa mga bagay eh willing pa din naman ako gawin yung gusto niya."

"Woah, In love ka nga... Pero remind ko lang, Gabriella is Gabriella, she's a different person, hindi naman dahil may naalala kang mga bagay ay ipipiplit mong ganoon din siya."

"Hindi ko naman siya ikinukumpara sa iba. Alam ko naman na mahal niya ako at malaki yung pasasalamat ko sa kanya dahil doon. Ako yung may problema kaya ganito yung mga naiisip ko."

"True, umaattend ka ba ng session mo kay Erwin?"

"Hindi." Sagot ko sabay tumawa.

"Gaga ka talaga." Sagot nito at bumuntong hininga. "So kailan mo balak sabihin sa kanya na payag ka na tumira kasama siya?"

FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon